My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

My little angel in heaven.
581 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

condolence po.. ako naninigas na 32 weeks 7months diko pinagpaliban checkup agad bngyan ako gamot pampakapit at inject para lungs ni baby incase daw manganak ako ready na baga niya

Condolence sis.... always pray at kapit ka lang kay God. Ibigay mo lang sa kanya tiwala mo.. prayers for you to have strength and hope na mag heal ang pain mo in time... 🙏

VIP Member

condolence po, ilang buwan na si baby? ang sakit nman na mawalan ng isang anak... naiisip ko plang prang d ko kayanin. lakasan mo loob sis, may dahilan bat ngyayare yan

Stay strong mommy! May plano si God na mas maganda para sayo. 🙏🙏🙏 magtiwala tayo sakaniya lagi. At binabantayan ka na ngayon ng angel mo. 🙏🙏🙏❤❤❤

condolence mamsy masakit talaga mawalan lalo na inaasahan mong magkakababy k na. nawalan na rin ako last year lang walang heartbeat ang baby at dinugo rin ako 😭😢

condolence mamsh ..paka tatag may plano ang panginoon sa lahat ng nangyayari sa atin .. its just that nawala ang baby ng hndi inaasahan .. godbless keep fighting 😊

Condolonces mommy. I'll pray for your fast recovery as well. Your baby's in Lord's hands na.. sad lang malaman ang nangyari sainyo ni baby..palakas ka po. Stay strong

My deepest condolences to you sis. Be strong.. no words can explain what you are feeling right now, but know that there's a reason for everything. I'll pray for you.

Soo sorry for you loss, mamsh.... 😢 I hope you can read this helpful article. A mom who lost her unborn child... https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002208

Magbasa pa

I feel u mommy kasi namatayan na dn ako ng Baby.my 1st baby dn.. Hyaan u mgkarun u ulit baby jan.. Me my baby na ulit.. Kya ntanngal n dn pgkalungkot ko