My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

My little angel in heaven.
581 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence sis, God has His best plan for you and your husband, wag mawalan ng pag asa, dasal at tiwala lang kau Lord! Hugs and comforts for you sis.

Same here po,sakin 9months n nung nwlan ng heartbeat. Wg k po mwlan ng pag asa, my magandang plan c God s ating lahat. A big hug po for you.

4y ago

sorry to ask this po, pro bakit po nawalan ng heartbeat baby nyo kahit nka 9 months na po?

condolence po. wag kang mawalan ng pag-asa mommy. c baby mo nasa heaven na yun kasama ni God nasa mabuting kalagayan na sya dun. ❤️❤️❤️

condolence momshie!. basta naninigas hinde normal as per my OB .kelangN talaga na sa maayos tayu nagpapacheck up para maagapan kung may something..

nagpa check up din ako sa clinic kahapon ang sabi ng midwife ang liit daw ng anak ko 33 weeks and 5 days di daw siya bagay sa age niya 25cm lng kasi siya

4y ago

wala ba sayo nirrecommend para kainin mo makatulong sa paglaki kay baby??

stay strong inay,may dahilan ang lahat ng bagay,,di ka naman napabaya,,0alakas ka mumsh,your little angel will always be with you,in your heart,,

condolence😭😭😭 ramdam ko ung sakit na nararamdaman mo, kahit d ko naexperience.. pagdating talaga sa baby laki Ng impact sakin..😭😢

VIP Member

Condolence mommy, ☹️ I know God has a perfect reason why he let this thing happened. Keep praying and we also pray for your fast recovery...

Everything happens for a reason. c God lang ang may control ng lahat. Have faith. Be strong. Your baby in heaven is always with you, an angel.

Everything happens for a reason. c God lang ang may control ng lahat. Have faith. Be strong. Your baby in heaven is always with you, an angel.