My little angel in heaven.

Hindi pinlano pero biglang dumating. Gusto ko ishare sa inyo yung nangyari sakin at sa baby ko. Wag kayong makampante if sa center lang kayo nagpapacheck up monthly, dahil sa center na pinagchecheck upan ko ang kinukuha lang nila monthly at weight, height, bp at tatanungin kalang if may gamot ka pa. June 3 nag paultrasound ako para malaman ko na yung gender ng baby ko nalaman ko nga kung ano gender nya pero ang sabe sakin kulang daw sa tubig at maliit yung bata. At nung sinabe ko midwife sa center saamin ang sinabe lang sakin ay uminom ng maraming tubig sinunod ko naman lahat nang pinagawa sa akin. Pero chineck nung doctor sa hospital na pinuntahan namin di naman naka indicate don na kulang sa tubig yung bata, okay naman daw lahat ng nakalagay don. Pagkatapos ko magpaultrasound non siguro mga isang linggo lang di ko na maramdaman yung baby ko na gumagalaw pero naninigas lang sya. Nag aalala na ako to the point na palagi na akong nagtatanong sa iba. Ang sinasabe lang nila normal lang daw yon at lumalaki na yung baby sumisikip daw sa loob ng tummy, pero di pa din ako kampante sa mga sinasabe nila nagtatanong ako din ako dito. Hinintay ko pa ulit magcenter non nagpunta ulit ako at tinanong ko kung normal lang yung hindi nararamdaman pero naninigas lang at ang sabe hindi daw normal at magpaultrasound daw ako. Sobrang kabado na ako non, kinabukasan nagpaultrasound na agad ako at sobrang sakit marinig na wala na daw yung baby ko. Nakadapa na daw sya at wala na daw heartbeat sobrang sakit ginawa ko lahat ng pinapagawa sakin agad, sinunod ko lahat bakit nangyari yon? Hindi ko lubos isipin na mawawala na lang sya bigla saakin. Nung araw na din na yon nagpunta na kami sa hospital, inadmit agad ako para mapalabas na yung baby. Tinurukan ako pangpahilab para daw mainormal ko kasi 7months palang kaya ko daw inormal yon kasi paliit palang. Sobrang sakit para saakin kasi manganganak ako pero yung ipapanganak ko wala ng buhay. Dati excited ako sa panganganak pero nung manganganak na ako nawala yung excitement kasi wala ng buhay yung ilalabas ko. Ang sakit sakit kasi nakaready na lahat ng mga gamit nya nalabhan ko na lahat ng damit nya naplantsa ko na din. At makukumpleto na yung mga gamit nya, kaso wala nang gagamit ng mga yon kasi iniwan nya na ako. Sobrang sakit. Mahal na mahal kita anak palakasin mo si nanay ha? Ikaw nagturo saakin magmahal ng totoo ikaw nagpapalakas saakin paano na ako neto? Mag iingat ka dyan mahal ko.

My little angel in heaven.
581 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mommy😭😭😭 Same sa first bby ko di ako pumunta ng ob dko na alam wala na pala heartbeat.. Ngyon sa second bby ko OB na ako mg pa prenatal at my heart beat na sana ibigay nato sakin ni lordπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™β™₯οΈπŸ˜‡

condolence..mommy...kya natatakot talaga ako pag center nagpa check up..tiniis ko lang mga gastosin ko sa Obgyne ko ksi mahal din mahal din yong mga vitamins na nireresita sa akin gumagastos..maging safe lang si baby..

good day po ano po sign na nattkot po kasi ako ilan araw na po kasi hndi sya gumalaw tapos pag nka higa ako malambot ang banda sikmura ko matigas po naman ang banda Baba ko pero pag nakatayo matigas po sya nattkot po ako

4y ago

same feelings sis . kaya nung monday nag emergency check up &ultrasound ako ok naman may heartbeat naman . pero di ko pa rin sya mafeel .

I feel you po. Ganun dn nangyari sa baby ko pero overdue naman yung cause.πŸ˜₯ pakatatag kalang po. I know masakit pero kailangan labanan ang depression. May plano pa si papa God kung bakit ganun nangyari.

Condolence po.. nangyari na din sakin yan. Yung excited ka kz mgkakaanak ka ulit. Halos mbliw ako kz pangarap kong magkaroon ng anak na babae. Tpos manganak na kinuha pa.. tatagan mo lng loob mo mommy

kaya importante talaga magpacheckndin sa OB at pa ultrasound. sakin kasi, pagpacheck up ko sa center e di nila masyado marinig heartbeat ng baby ko pero normal naman pala pagpa ultrasound ko sa isang OB

Gantong ganto nangyare sakin sis pro thanks God nabuhay Ang anak ko 8months lng sya at 1.4 lng timbang pinanganak ko, may Plano sguro SI god sis para sainyo at Hindi pa sguro para sainyo SI baby condolence sisπŸ˜ͺπŸ˜ͺ

4y ago

condolence po😭😭na iyak nman ako hindi lang talaga sya para sa inyo may mas magandang plano ang Panginoon wag ka sanang mawalan ng faith sa kanya. Praying for your recovery πŸ™

VIP Member

so sad Mommy..kapit lng mommy dasal k lng LAHAT may dahilan Kung Bkit ngyyri yn...bsta wag ssuko Laban sa buhai anjn p c hubby muh...ipray muh lng Kay God LAHAT ndi k nia papabayaan..god bless mommy

Same case may 20 5 months preggy midwife lng din ganysn dn sken walang bnigay n gamot kht pampkapit bed rest lng until dinugo nkoπŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜₯much better tlga na sa ob k magpa check up mga mommy

kaya ako nagpapacheck up na s lying in ung 7 months ko at sa center kapag hindi ko nararamdaman c baby tintanung ko kaagad sa center kahit na wala panschedule ng check, condolences mommy