2am and still thinking of this. Sana may matyaga na magbasa

Hii mahaba to kaya sisimulan ko na. Freshly grad ako ng mabuntis kaya wala pa ko work..sana wala mang judge. First to fifth month ni baby saamin kami nakatira. Kaso nagkasagutan kami ng kapatid ko kaya we decided na sa side ni hubby mag stay sa kwarto nya.(suwail talaga kapatid ko noon pa at madalas may nakakaaway kaya noon pa talaga sinumpa ko na sana malayo ako sakanya kahit minsan) Now lagi sinasabi ng mom ko na bat eka hindi ko dalasan ang libot ng bata sakanya (sa tindahan nya/old house ng lolo/lola ko, dahil ayoko sa bahay namin dalin at nandon kapatid kong bwisit) The problem is nag tatampo sya kapag may lingo na di ko sya naililibot doon, ako kinakagalitan. Kaya marami talaga yung time na tinatamad ako dalin don yung bata kasi maliit na bagay kakagalitan ako like bigkis ganyan e ayoko. Pero nagiguilty ako kasi mom ko tumatanda na rin (57) at sakin palang sya may apo kaya sabik talaga. Pero asawa ko kasi ayaw nya na lingo lingo dadalin bata doon 6mos palang eka eh, kung gusto daw niya talaga, sana bumisita sya (never pa sya bumisita actually) ang gusto kasi talaga kami mag dadala. Sa totoo lang ako tinatamad din minsan dahil madami dalahin at wala naman kami sariling sasakyan kahit single na mutor. Tricycle man lalakarin ko pa hanggang gate ng subdivision para makatawag. Ayoko naman magpasundo ng tricycle mula saamin at susunduin kami dito dahil si nanay ang magbabayad baka isipin tinitipid ba ko ng asawa ko pamasahe lang di mabigyan mga ganon. Tama sila pareho si hubby at nanay. Pero kasi ang hirap lang maipit. Knowing na pag sinunod ko nanay ko na lingo lingo nandon bata si hubby naman ang may ayaw. Kapag si hubby naman sinunod na kahit 2beses isang buwan, ako naman ang nakakagalitan sa side ni nanay na bat di manlang dalasan, wala daw ba kame pera pamasahe, o nagpapapigil lang daw ba ko sa asawa ko (nakaka insulto yon sa totoo lang kaya minsan wala din ako gana). Ang hinahanap lang ng asawa ko sana kung gusto nya makita apo nya, sya naman ang bumisita. May point naman. Ang kaso sa mother ko naman Hindi daw nys maiiwanan basta basta yung tindahan nya. Basta sana naintindihan nyo. Ang gulo ng buhay ko 😥 gusto ko nalang mag 1yr old si baby para makapag work hunt na ko, at may pandagdag bayad kung sakali matuloy na makabukod na kami. atleast saaming tatlo nalang iikot talaga ang maghapon non. #advicepls #pleasehelp #StressNaKo Ps feeing ko nag marathon ako ng face to face sa stress at kabog ng dibdib ko. Mga mii ayoko naiipit ng ganto 😥😭

6 Replies

Hindi po kayo obligated na dalhin si baby every week kay mother mo. If they really want to, sila po ang pumunta sa inyo. Like you said, maraming bitbitin lalo baby pa yan tapos wala pa kayo sarili sasakyan, which is more stressful and hassle on both you and your baby. Sana maexplain mo ng maayos kay mother mo at maintindihan niya na hindi naman kayo at si baby yung dapat magadjust kung gusto niya makita. Ikaw ang mother ni baby, you know what's best for you and specially for your baby. Pwede naman at least once a month makabisita kayo, pero too much na yung every week kayo pa ang luluwas sa kanila, pagalaga at pagintindi palang kay baby mahirap na eh, yun pang ibabyahe mo sobrang nakakpagod na yon.

... huwag ka po magpastress sa ganyan, hayaan mong sila ang mastress. Pag may sinabi, pasok sa isang tenga labas sa kabila. Lalo kung hindi nakakatulong sa wellbeing niyo ni baby. Much better to avoid stressful environment. Focus ka lang kay baby at needs niya, wag sa needs ng iba(makita every week si baby) dahil mas mahalaga si baby ngayon.

Tama hubby mo sis,napakahirap magbitbit ng bata plus magdadala pa ng mga gamit. Atsaka ang aksidente di pa yan maiiwasan kahit sabihin mo na malapit lang yung pupuntahan. Di rin maganda na laging binabyahe ang bata kase maalikabok,mainit,hassle. Kung gusto niya makita si Baby,puntahan niya. Wag niya irason na di niya maiwanan ang tindahan,malulugi ba sya pag nagsara sya ng isang araw? Kung di niya maiwanan eh di isa lang ibig sabihin niyan,mas importante ang tindahan niya kesa sa apo niya. Wag mo stressin sarili mo sa ganyan sis,focus ka lang kay baby at sa asawa mo.

Agree po ako sa hubby nyo. Kung gusto nya po makita cya po mag visit knowing risky din sa part nyo dahil may bata kayo. It's your choice na mommy since anak niyo po yan. Pero kung makikinig ka kay mommy mad mag away-away lang kayo ng husband nyo and remember yung family mo na ngayon is yung binoo mo na. Try thinking sa shoe ni husband, pano kung yung byenan mo naman ang naging ganyan.

yun nga din sinasabi nya mii nung saamin kami nakatira for 5mos sila MIL ko ang nagpupunta kahit 3times lang. di naman sila nag reklamo. mas panatag na ko ngayon mii na tama na sundin ko si hubby. nakakabawas guilt. lovelots 🥰

Walang magagawa ang mother lalo na’t for the safety naman ng bata ang gusto ng hubby mo. Tsaka wag kana maniniwala sa mga bigkis na yan. Minsan kausapin mo din mother mo na di pwedeng linggo linggo na nadalaw sakanila di pa naman nawawala kamo ang virus.

NOTE: SAME NG MUNICIPALITY LANG KAMI. 2-3 BARANGGAY LANG ANG PAGITAN. AND NASA BAYAN KAMI KAYA TUWING MAMAMALENGKE ANG MOTHER KO PEDE NAMAN NYA KAMI SADYAIN KAHIT SAGLIT MAY TRICYCLE NAMAN SYA INAARKILA EVERYTIME NA MAMAMALENGKE

SALAMAT SA MGA SUMAGOT. NAKAKABAWAS GUILT NAKAKAGAAN NG PAKIRAMDAM. THANKIES SO MUCH ❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles