2am and still thinking of this. Sana may matyaga na magbasa
Hii mahaba to kaya sisimulan ko na. Freshly grad ako ng mabuntis kaya wala pa ko work..sana wala mang judge. First to fifth month ni baby saamin kami nakatira. Kaso nagkasagutan kami ng kapatid ko kaya we decided na sa side ni hubby mag stay sa kwarto nya.(suwail talaga kapatid ko noon pa at madalas may nakakaaway kaya noon pa talaga sinumpa ko na sana malayo ako sakanya kahit minsan) Now lagi sinasabi ng mom ko na bat eka hindi ko dalasan ang libot ng bata sakanya (sa tindahan nya/old house ng lolo/lola ko, dahil ayoko sa bahay namin dalin at nandon kapatid kong bwisit) The problem is nag tatampo sya kapag may lingo na di ko sya naililibot doon, ako kinakagalitan. Kaya marami talaga yung time na tinatamad ako dalin don yung bata kasi maliit na bagay kakagalitan ako like bigkis ganyan e ayoko. Pero nagiguilty ako kasi mom ko tumatanda na rin (57) at sakin palang sya may apo kaya sabik talaga. Pero asawa ko kasi ayaw nya na lingo lingo dadalin bata doon 6mos palang eka eh, kung gusto daw niya talaga, sana bumisita sya (never pa sya bumisita actually) ang gusto kasi talaga kami mag dadala. Sa totoo lang ako tinatamad din minsan dahil madami dalahin at wala naman kami sariling sasakyan kahit single na mutor. Tricycle man lalakarin ko pa hanggang gate ng subdivision para makatawag. Ayoko naman magpasundo ng tricycle mula saamin at susunduin kami dito dahil si nanay ang magbabayad baka isipin tinitipid ba ko ng asawa ko pamasahe lang di mabigyan mga ganon. Tama sila pareho si hubby at nanay. Pero kasi ang hirap lang maipit. Knowing na pag sinunod ko nanay ko na lingo lingo nandon bata si hubby naman ang may ayaw. Kapag si hubby naman sinunod na kahit 2beses isang buwan, ako naman ang nakakagalitan sa side ni nanay na bat di manlang dalasan, wala daw ba kame pera pamasahe, o nagpapapigil lang daw ba ko sa asawa ko (nakaka insulto yon sa totoo lang kaya minsan wala din ako gana). Ang hinahanap lang ng asawa ko sana kung gusto nya makita apo nya, sya naman ang bumisita. May point naman. Ang kaso sa mother ko naman Hindi daw nys maiiwanan basta basta yung tindahan nya. Basta sana naintindihan nyo. Ang gulo ng buhay ko 😥 gusto ko nalang mag 1yr old si baby para makapag work hunt na ko, at may pandagdag bayad kung sakali matuloy na makabukod na kami. atleast saaming tatlo nalang iikot talaga ang maghapon non. #advicepls #pleasehelp #StressNaKo Ps feeing ko nag marathon ako ng face to face sa stress at kabog ng dibdib ko. Mga mii ayoko naiipit ng ganto 😥😭