Nalilito po talaga ako

Hello, Hihinge lang sana ako ng advice my husband cheat on me at nabuntis nya yong kabet, at buntis din ako ngayon pinatawad ko sya at ayaw kung masira pamilya namin magdadalawa na yong baby namin,nag usap kami bakit sya nag cheat tinanggap ko yong sorry nya papayag naman ako na supportahan yong anak nya sa labas pero, paulit ulit parin sila nag kikita at patuloy parin yong relationship nila ,So I decided nalang na hiwalayan sya at hihinge nalang ako ng support financially para sa mga bata. Subrang sakit na kasi sa part ko na sila nag papakasaya samantalang ako ito patuloy na tinatanong sarili ko ano paba kulang at yong mga pagkukulang na sinasabi nya ginawa ko naman naging mabuting asawa at ina naman ako. Pero ayaw nya kami mag hiwalay kasi nga daw anak nya lang daw uong habol nya sa babae kasi pag doon daw lalaki sa kabet nya walang mangyayari sa bata, may dating anak narin kasi yong kabet nya.. Nalilito po ako kasi mahal na mahal ko po mga anak namin ayaw ko po silang ma broken family, pero na stress po ako ngayon kasi buntis ako .. Ang gusto ko lang naman sana may peace of mind ako. Toxic narin kasi masyado ginagawa nya ayaw ko lumaki mga anak ko ganong nature parang normal lang sakanya gingawa nya. Tama po ba na aalis nalang kami ng mga anak ko ? Kaya ko naman silang buhayin.. Parang ako pa kasi naging kawawa mag mamanage ng business namin tapos malaman laman ko nag bibigay sya sa kabet nya. Kinausap ko narin yong kabet nya na sana layuan nya na asawa ko,wala din akong ginawa sa kabet pero hindi ata madadala sa paki usap. Kaya parang gusto ko ng saktan yong kabet pero naisip ko wag nalang ma stress nanaman ako.. Ang naisip ko na magandang solusyon eh yong pag layo dito sa lugar nato..

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mga Momsh thank you po sainyo , iba narin kasi pakikitungo nya saakin ako na yong masama mas proud pa sya sa kabet nya, harap harapan sinasabi nya yun saakin, ang ayaw ko lang na ta trauma na yong 3 years old son namin harap harapan nya pa tinuturuan na dalawa yong mommy nya bago kami matulog ng anak ko kinakausap ko sya at nag pe pray kami and nakakaiyak lang lalo palagi nya pinag pray sana hindi na mang babae si daddy at hindi na sila mag away ni mommy sa murang edad nya na e experience nya yong ganun buti pa yong anak ko pag umiiyak ako hina hug nya ako tapos sabay kami umiiyak sinasabihan nya ako na wag kana uniyak moomy dito lang ako bantayan ko kayo ni baby siguro minalas man ako sa husband ko swerte naman ako sa anak ko . Hindi ko kasi maiwasan umiyak sa harap ng anak ko sabay kasi kami nag pe pray pag gabi bago matulog pag nakikita nya ko umiiyak kuha agad sya pamunas nalulungkot din sya sabi nya sakin pag umiiyak ako.. Sakanya nlang ako humugot ng lakas kaya ilang mos. Narin na hinayaan ko nalang husband ko kung san man sya pumupunta para wala ng away hindi narin ako ma stress ang importante sakin that time nakita kung masaya anak ko na pag dunating yong daddy nya tuwang tuwa sya sweet2x kasi ng anak ko. Buti nalang binayayaan din ako ni lord ng mababait na byanan at mga sister in law na full support saakin. Dati pa nila ako sinabihan na kasuhan ko anak/kapatid nila pero ako ayaw ko naman dahil sa anak ko. At the end kasi anak/kapatid parin nila yun binigyan ko sya ng chance paulit ulit hanggang sa napagod na ako, hinahayaan ko nalang sya pero may mga tao paring concern sakin na nakikita sila magkasama ng babae, naawa na daw sila saakin subrang bait ko na daw bat ganun pa ginagawa nya... Siguro ang akin lang hindi parin ako nawawalan ng pag asa na mag bago sya pinag pe pray ko sya palagi alang alang sa mga anak namin pero siguro yun na yong hinihinge kung sign kay papa God na tama na talaga Kaya po ako nalilito kasi yung business na pinalago namin at binigay din ng parents nya nanghihinayang po ako at sa mga tauhan namin na pamahal narin ako sakanila pano kung aalis na ako maa apektuhan yong pamumuhay nila,kasi wala naman daw paki alam sakanila yung husband ko sabi ko hindi naman kayo pabayaan nyan at pasensya na kayo kung pati kayo naapektuhan, na intindihan din nila ako kasi nga daw ako din yong kawawa 😒😒

Magbasa pa
5y ago

Ano pa po ba hinihintay nyo? Sampahan mo na ng kaso..pgbabayaran nila ginawa nila sau..OMG

Hiwalayan mo na siya Momsh. πŸ˜” Pinaka masakit na parte ng pagiging babae natin is yung buntis tayo dun pa nag loko ang Asawa. Doubleng stress dulot nun. Kahit naman maging mabuti tayong Asawa at Ina. Kung di sila marunong makunteto hahanap at hahanap talaga yan ng iba. Worst baka mas minahal niya pa ang Kabit niya. πŸ˜”πŸ˜© Iwanan mo na sis. Parang Hindi niya naisip yung sitwasyon mo. Sabihin na natin buntis din Kabit niya. Pero ikaw ang Asawa niya so dapat ikaw ang mas inuuna niya. Top priority is kayo ng pamilya niya. Ikaw na nga nagsabi tuloy padin relasyon nila ng Kabit niya? So, Ano pang point para pagpatuloy mo yan. Mauunawaan din yan ng mga bata. Keysa patayin mo sa sakit ang sarili mo dahil sa ka lokohan ng asawa mo. Anak niya sa Kabit niya ang habol niya? Ibibigay at ibibigay yan ng babae sa kanya kung di talaga kaya ng babae buhayin. Jusko! Sa lagay ba na yan ikaw pa ang uunawa sa kanila! Paano naman yang pinagbubuntis mo? Hindi ba nila naisip ang kapa kanan mo? Yung Asawa mo? Hindi niya ba naisip yung nararamdaman mo.

Magbasa pa

Same scenario sis 🀣🀣 Ako, humiwalay na. Pero may contact naman kami. I mean kung titignan mo, magulo yung set up. Parang kami pero hiwalay kami. Hindi na kasi importante yung output ng ibang tao. Iisipin mo kasi dapat yung mga anak nyo. Kahit naman kasi anong gawin mo, tatay pa rin sya ng anak mo. Pero don't lose yourself. I know that we are a mother, a wife. But remember, before that, we are a woman too. Sa case ko naman, I decided na makipaghiwalay kasi I know my worth. Endless questions of why. Tapos unlimited iyak. Kaya tinapos ko na paghihirap ko. Ako nagdudusa, sila masaya? It's a big NO. Mahirap talaga yan lalo na sa una. Sobrang stress ko rin nun lalo na nung first trimester I even lose weight like 2 kgs in a week!! Ganun kalala yung naging epekto. Ang swerte ko lang kasi sobrang fighter at kumapit talaga si baby. Kaya mo yan mommy! ☺️ Pray ka lang lagi.

Magbasa pa

Sis! For the sake of ur baby hayaan mo muna sya. Palayasn mo husband mo sa bhy nyo. After mo manganak sampahan mo sila ng kaso ksma mistress nya. U have enough evidence may anak sila and nagsasama sila. Total knausap mna c mistress pero may lakas pa sya ng loob na ituloy relasyon nla ng husband mo tps nagpa buntis pa. Ur the legal wife u have all the right! Wag kna din umasa sa husband mo sis tama na un once na ginawa nya pero ndi pdin sya nagbago. Wala sya respeto sau at lalo sa anak nyo. Sarili lng nya iniisip nya kya kaw ba gugustuhn mo mksma for the rest of ur life un ganyn klase ng lalaki? I-focus m nlng sarili mo sa kids mo lalo na at the young age alm ng anak mo un sitwasyon mo. Plus grabe ka bastusan ng hubby mo ipakilala tlg un mistress nya bilang second mommy nya!? Napaka bastos ng husband mo sis u don't deserve him! God Bless sis!

Magbasa pa

Naguguilty ako kasi sa sitwasyun ko ngaun matatawag din akong kabet momshie buntis ako ngaun sa taong may asawa pala sa 1yr namin nong dec 9 k lng nalaman na may asawa at anak cya kasal pa nakausap k ung asawa nya pinagmumura ako.. alam k nmn na mali nakipaghiwalay ako sa lalaki kaso ayw nya, di n dw nya mahal asawa nya kasi parati nlng dw sila ngaaway nangdahil sa pera sa ngaun dko n alam iniisip k nlng na d ako matress kasi kawawa baby ko 1week ako wlang masyadong tulog iyak nang iyak. Pro narealize ko d pede ganito marmi magmamahl sa baby ko kahit wla cya alam k kasalanan ang twag s amin na nkapatol sa may asawa pro sana wag nyu nmn lahatin kasi d laht alam na may asawa ung guy na minahl mo..willing akong hiwalayan sya cya lang ang ayw Salamat sa nakakaintindi

Magbasa pa
5y ago

Oo nga

Mamsh may kilala din akong tangang asawang kagaya mo tas one sided galit na galit pa sa kabet mahal na mahal ang asawa. 'You deserve what you tolerate mamsh' Ndi nagsisisi at hindi na magbabago ang asawa mo. Alam nya kasi uto uto ka at hindi mo sha iiwan kaya ka ginaganyan. Nagpapalaki ka lang ng ahas sa bakuran mo. Kahit anong palit ng balat nyan, ahas pa din yan. Maawa ka sa sarili mo, hindu ka pinalaki ng magulang mo para magpakagago at tapaktapakan lang ng lalake. Hindi dahilan ang mga anak, mas dapat ipakita mo sa kanila na INA ka. matapang ka at kakayanin mo ang lahat ng sakit mapalaki sila ng TAMA. Hindi tama na ikaw na nanay nila niloloko lang lagi ng tatay nila. Hindi yan BUONG PAMILYA mommy. panlabas lang yan.

Magbasa pa

Kung gusto mo at kung may oras ka sang asikasuhin e pwede ka pong magfile ng concubinage. Ang adultery po e para sa mga babaeng kumabit sa ibang lalake.. pero hndi bsta basta napapatunayan sa korte ang concubinage maliban na lang kung may matibay na matibay kang ebidensya.. dahil kung buntis pa lang e pwede pa nila ideny yan. Pwede rin magfile ng psychological violence thru VAWC sa dswd.. pero kung ayaw mong maabala pa dhil stressed ka na sa kaiisip e ok naman po na ikaw na ung lumayo bsta kaya mo pong magpakatatag at buhayin mga anak nyo syempre kelangan pa dn magbigay ng suporta ng asawa mo lalo kung ikaw ang legal wife, u have all the right.. God bless po. 😊

Magbasa pa

Alis na Momzh. Sinasaktan mo lang sarili mo . Hindi mo naman kayang tanggapin iyan ever. Hindi talaga kaya. The sooner makaalis ka, mas mag momove on ka sooner. Tapos ang unfair na noon , ikaw pa talaga bumubuhay sa kanila. Make sure also iyong properties mo nakapangalan sa mga anak kasi pag pinangalan mo sa. Iyo or sa husband magiging conjugal iyon . Makikihati pa anak sa labas or iyong babae. And we dont know ano plans n Lord baka may ma meet ka ng lalaki na hindi abusive. Domestic abuse kaya yan. Psych abuse is pwede magamit ata if legal separation . Check nalang with lawyer.

Magbasa pa

Mamsh kumg nagawa nya na kasi ng isang beses kaya nya ulit gawin. Kaya ka siguro nag aalangan kasi mahal mo asawa mo and hoping ka pa rin na magbago sya kasi may binitawan syang salita sayo. Pero mamsh kasi kung talaga lalaki yang hubby mo hindi ka nya lolokohin. Umalis ka n lang mamsh. Wag mo na hintayin na ulitin nya pa bago ka umalis. Wag mo ipakita sa kanya na willing kang mag stay maski niloko ka na nya. Kaya mo naman buhayin mga anak mo so go ahead. Hindi lahat ng broken family broken talaga. Minsan mas broken pa yung may nanay at tatay pero lagi namang nag aaway. Stay strong mamsh

Magbasa pa

Kung ako ang nasa sitwasyon mo sis, una, lalayo muna ako at hahayaan ko silang magpakasaya sa mga buhay nila. Ipapa blotter ko ung lalaki at magfofocus ako sa pagbubuntis ko. Kawawa kase si baby pag naapektuhan sya ng stress dahil sa asawa ko. Then, after ko manganak kakasuhan ko silang dalawa at titiyakin ko na makukulong sila. Sabe mo naman β€œkaya kong buhayin ang mga anak ko”. Mas ok na maging single parent kesa naman kasama ko sa bahay si satanas. It will not be easy but be brave sis! Laban lang. kaya mo yan.

Magbasa pa