Nalilito po talaga ako

Hello, Hihinge lang sana ako ng advice my husband cheat on me at nabuntis nya yong kabet, at buntis din ako ngayon pinatawad ko sya at ayaw kung masira pamilya namin magdadalawa na yong baby namin,nag usap kami bakit sya nag cheat tinanggap ko yong sorry nya papayag naman ako na supportahan yong anak nya sa labas pero, paulit ulit parin sila nag kikita at patuloy parin yong relationship nila ,So I decided nalang na hiwalayan sya at hihinge nalang ako ng support financially para sa mga bata. Subrang sakit na kasi sa part ko na sila nag papakasaya samantalang ako ito patuloy na tinatanong sarili ko ano paba kulang at yong mga pagkukulang na sinasabi nya ginawa ko naman naging mabuting asawa at ina naman ako. Pero ayaw nya kami mag hiwalay kasi nga daw anak nya lang daw uong habol nya sa babae kasi pag doon daw lalaki sa kabet nya walang mangyayari sa bata, may dating anak narin kasi yong kabet nya.. Nalilito po ako kasi mahal na mahal ko po mga anak namin ayaw ko po silang ma broken family, pero na stress po ako ngayon kasi buntis ako .. Ang gusto ko lang naman sana may peace of mind ako. Toxic narin kasi masyado ginagawa nya ayaw ko lumaki mga anak ko ganong nature parang normal lang sakanya gingawa nya. Tama po ba na aalis nalang kami ng mga anak ko ? Kaya ko naman silang buhayin.. Parang ako pa kasi naging kawawa mag mamanage ng business namin tapos malaman laman ko nag bibigay sya sa kabet nya. Kinausap ko narin yong kabet nya na sana layuan nya na asawa ko,wala din akong ginawa sa kabet pero hindi ata madadala sa paki usap. Kaya parang gusto ko ng saktan yong kabet pero naisip ko wag nalang ma stress nanaman ako.. Ang naisip ko na magandang solusyon eh yong pag layo dito sa lugar nato..

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mga Momsh thank you po sainyo , iba narin kasi pakikitungo nya saakin ako na yong masama mas proud pa sya sa kabet nya, harap harapan sinasabi nya yun saakin, ang ayaw ko lang na ta trauma na yong 3 years old son namin harap harapan nya pa tinuturuan na dalawa yong mommy nya bago kami matulog ng anak ko kinakausap ko sya at nag pe pray kami and nakakaiyak lang lalo palagi nya pinag pray sana hindi na mang babae si daddy at hindi na sila mag away ni mommy sa murang edad nya na e experience nya yong ganun buti pa yong anak ko pag umiiyak ako hina hug nya ako tapos sabay kami umiiyak sinasabihan nya ako na wag kana uniyak moomy dito lang ako bantayan ko kayo ni baby siguro minalas man ako sa husband ko swerte naman ako sa anak ko . Hindi ko kasi maiwasan umiyak sa harap ng anak ko sabay kasi kami nag pe pray pag gabi bago matulog pag nakikita nya ko umiiyak kuha agad sya pamunas nalulungkot din sya sabi nya sakin pag umiiyak ako.. Sakanya nlang ako humugot ng lakas kaya ilang mos. Narin na hinayaan ko nalang husband ko kung san man sya pumupunta para wala ng away hindi narin ako ma stress ang importante sakin that time nakita kung masaya anak ko na pag dunating yong daddy nya tuwang tuwa sya sweet2x kasi ng anak ko. Buti nalang binayayaan din ako ni lord ng mababait na byanan at mga sister in law na full support saakin. Dati pa nila ako sinabihan na kasuhan ko anak/kapatid nila pero ako ayaw ko naman dahil sa anak ko. At the end kasi anak/kapatid parin nila yun binigyan ko sya ng chance paulit ulit hanggang sa napagod na ako, hinahayaan ko nalang sya pero may mga tao paring concern sakin na nakikita sila magkasama ng babae, naawa na daw sila saakin subrang bait ko na daw bat ganun pa ginagawa nya... Siguro ang akin lang hindi parin ako nawawalan ng pag asa na mag bago sya pinag pe pray ko sya palagi alang alang sa mga anak namin pero siguro yun na yong hinihinge kung sign kay papa God na tama na talaga Kaya po ako nalilito kasi yung business na pinalago namin at binigay din ng parents nya nanghihinayang po ako at sa mga tauhan namin na pamahal narin ako sakanila pano kung aalis na ako maa apektuhan yong pamumuhay nila,kasi wala naman daw paki alam sakanila yung husband ko sabi ko hindi naman kayo pabayaan nyan at pasensya na kayo kung pati kayo naapektuhan, na intindihan din nila ako kasi nga daw ako din yong kawawa 😢😢

Magbasa pa
5y ago

Ano pa po ba hinihintay nyo? Sampahan mo na ng kaso..pgbabayaran nila ginawa nila sau..OMG