Nalilito po talaga ako

Hello, Hihinge lang sana ako ng advice my husband cheat on me at nabuntis nya yong kabet, at buntis din ako ngayon pinatawad ko sya at ayaw kung masira pamilya namin magdadalawa na yong baby namin,nag usap kami bakit sya nag cheat tinanggap ko yong sorry nya papayag naman ako na supportahan yong anak nya sa labas pero, paulit ulit parin sila nag kikita at patuloy parin yong relationship nila ,So I decided nalang na hiwalayan sya at hihinge nalang ako ng support financially para sa mga bata. Subrang sakit na kasi sa part ko na sila nag papakasaya samantalang ako ito patuloy na tinatanong sarili ko ano paba kulang at yong mga pagkukulang na sinasabi nya ginawa ko naman naging mabuting asawa at ina naman ako. Pero ayaw nya kami mag hiwalay kasi nga daw anak nya lang daw uong habol nya sa babae kasi pag doon daw lalaki sa kabet nya walang mangyayari sa bata, may dating anak narin kasi yong kabet nya.. Nalilito po ako kasi mahal na mahal ko po mga anak namin ayaw ko po silang ma broken family, pero na stress po ako ngayon kasi buntis ako .. Ang gusto ko lang naman sana may peace of mind ako. Toxic narin kasi masyado ginagawa nya ayaw ko lumaki mga anak ko ganong nature parang normal lang sakanya gingawa nya. Tama po ba na aalis nalang kami ng mga anak ko ? Kaya ko naman silang buhayin.. Parang ako pa kasi naging kawawa mag mamanage ng business namin tapos malaman laman ko nag bibigay sya sa kabet nya. Kinausap ko narin yong kabet nya na sana layuan nya na asawa ko,wala din akong ginawa sa kabet pero hindi ata madadala sa paki usap. Kaya parang gusto ko ng saktan yong kabet pero naisip ko wag nalang ma stress nanaman ako.. Ang naisip ko na magandang solusyon eh yong pag layo dito sa lugar nato..

66 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang bait mo ate. Kung ako kakasuhan ko sila, kulong yan pareho kasi antibay ng ebidensya, buntis yung kabit. Pero magulo nga naman kung aabot don, hiwalayan mo nalang tutal sabi mo kaya mo naman buhayin ang mga anak mo. Respeto nalang din sa sarili mo kasi hindi mo deserve yang situation at stress na nakukuha mo sa nangyayari. Hindi naman masama maging broken family kung ganon lang din ginagawa ng asawa mo, ipaintindi mo nalang sa mga anak mo pag nagkaisip na sila.

Magbasa pa
VIP Member

Honey iba na panahon ngayon. Broken family isn't a big deal anymore. Choose whatever gives you peace of mind. Buo nga family mo tapos yung husband mo nagloloko so sino niloko mo? Sarili mo pati mga anak mo. Your children will undrstand your decision when they grow up. Ang lalake, hinde yan basta basta makakabuntis ng hinde nya din ginusto at kung walang kahit anong feelings na nabuo between them

Magbasa pa
5y ago

And dapat sa mga mistress na yan sinasaktan talaga mga salot sila sa mundo. Ang pagkakaalam ko once na nahuli mo ng akto pwede mo gawin lahat sa kabit my atty. Told me

Imanage mo Ang lahat ng pera na meron kayo sis..manganganak ka din at need mo mag ipon. Wag k mag patalo sa asawa mo. . Kung hihingi ng sustento Yung other woman ng asawa mo sayo kamo kunin( Kung Kaya mo lng) pero ibgay mo Yung due para sa bata wla kc kasalanan Yun sa ngyari..para matauhan ung babae n Hindi ka basta basta at mas kontrolado mo situation Hindi ka nila mapapaikot ikot.

Magbasa pa

Obvious na obvious po sa mga sinabi mo palang ang answers. Since kaya mo naman po buhayin mga anak mo, hiwalayan mo na mamsh. Buntis ka pa naman, isipin mo nalang mga anak mo kung anong mas nakakabuti sa kanila. Stress lang din naman dala ng husband mo. Leave them alone, move on and be stress free. Sa case mo mamsh, dapat maging selfish kana for yourself and sa mga anak mo.

Magbasa pa

You're already broken family. Physically buo pero broken na. Leave your husband, kasuhan mo sila pareho ng kabit niya. Kung hahayaan mo lang yan na ganyan, ang toxic ng buhay niyo hanggang katagalan. Walang maidudulot na maganda sa mga anak niyo. Buo nga kayo, pero masaya ba? Araw araw ka mababaliw. Anong mapupulot ng mga anak niyo sa inyo? Let go and live in peace.

Magbasa pa

Girl, takutin mo yung kabit para hiwalayan asawa mo, mahal mo naman pala e so kunin mo yung bata para di manghingi ng sustento at matigil kagagahan nung kabit Kasi ginagamit niya yung reason para makahuthot sa asawa mo. At yang asawa mo naman nagpapauto kasi nga lahat ginagawa nung kabit lalo na mga sexual desires niya. Hintayin mo manganak.

Magbasa pa

Kung legal kau kasuhan mo yan para magtanda. Nkakagigil ung mga.ganyang lalaki n hindi kontento sa isa. Iwanan mo nlang uwi ka sa parents mo dalhin mo mga anak mo. Ok lang ang broken family kasi sa ginawa nya ano ba tawag jan broken na yan. Magkasama kayo tapos kalakihan ng mga bata ganyan situation nyo mas mahirap un ma trauma pa sila.

Magbasa pa

Let go na mamsh, di pwede pagsabayin nya kayong dalawa. Balak ata ng mister nyo po mag dalawa asawa nya😅 ginagawa kang tanga pag ganun. Hayaan mo na sila at karma na ang bahala sa kanila pag dating ng araw. Live your life with your babies focus ka nalang sa kanila. Pray lang po palagi, hindi ka po pababayaan ng Diyos💖🙏

Magbasa pa

Kung ako yan tapos kasal naman kami. Ipapakulong ko yan parehas. Malaki na evidence mo kasi buntis yung babae dba? Over na kapal ng mukha nila kamo. Hayaan mo siyang maglihi sa loob ng kulungan, kapal ng mukha niya. Kasuhan mo yan, wag ka magpaapi ikaw tong original tapos ikaw pa lalayo? Di tama yon.

Magbasa pa
5y ago

True. Para pag may kaso, sole custody ng children ay sayo

Ang weak mo kasi na babae sis. Kasal kayo? Bakit di mo pakulong? Kung talagang naaawa ka sa mga anak mo, gagawin mo yun. Pakulong mo sila. Di ka niya mahal! Sa ginagawa mo kasi parang OKAY LANG din sayo kaya okay lang din sa kanya. I repeat, hindi ka niya mahal 😊 kung mahal ka niya, di yan mambubuntis. 😊 Pakulong mo.

Magbasa pa