78 Replies
You can do water therapy po while waiting for your appointment. Then sundin nyo po kung anong ireseta ng OB nyo sa inyo. Kung may concern po kayo sa effects ng gamot kay baby, kay OB po kayo magtanong para maexplain sa inyo nang maayos. Kung wala pa rin po kayong tiwala kay OB, ask for second opinion sa ibang OB. Dalhin nyo po yung result ng urinalysis nyo and see kung reresetahan kayo o hindi. Kailangan po kasing mawala yung UTI nyo kasi possible na magkasakit si baby if it's left untreated. Siguro sa iba, gumana na water/buko juice lang, pero I suggest na wag na po i-risk na hindi sundin ang doctor kasi health nyo po ni baby ang nakataya.
Consult ur OB mamshie un ung the best way🙂 kasi un ang mas important magamot pag may infection kasi mas makakasama sa baby mo. Oo masama ang antibiotic big no no yan kung di reseta ng OB. Mas madami po na papahamak dahil sa self medication or naniniwala sa sabi sabi lang. marami kaming patient ganyan and sad to say pag dating sa huli dun nag sisi sabi nga nila walang pag sisi sa una laging nasa huli. Kaya for me GO TO UR OB and TRUST HER/HIM. Sila makakapag decide kung need mo antibiotic or not. Kasi ako nag ka UTI din pero hindi ako pinag antibiotic
hindi delikado, basta nireseta ng OB mo antibiotics safe po iyon. if in doubt ka sa OB mo lipat k ng iba.maraming antibiotics na pwede sa preggy basta may gabay ng dr. mas delikado sa baby mo ang infection kesa sa antibiotics mas marami pa sayo matigas ulo at mataas infection sa ihi, ayaw sundin dr. nila ayun napa anak ng maaga dahil ayaw mag pagamot , yung iba nag ka deperensya baby at yung ibang baby nag ka infection kaya kahit baby palang kailngan maiwan sa hospital para mag antibiotic.
may uti din ako start ng pregnancy ko. 3 months. niresetahan ako ng 1 week antibiotics. iwasan mo lang ang mga maaalat na pagkain at processed foods. more water din. normal talaga sa mga buntis yan pero kelangan makinig sa payo ng doktor. pag nag antibiotic ka na at di pa rin yan naalis, hindi ka na din naman nila papaulitin ng antibiotic. in my case, gusto nila na mag culturing ako or catheter. di din inaadvice ng doktor ang pag inom ng buko juice. it is healthy pero hindi gamot ang buko juice.
Hi mamsh alam naman po ng OB kung anong antibiotic ang irreseta sa preggy.. Last feb 40-50 pus cells ko.. Nag pa urine culture and sensitivity pa ako.. 1 week cefuroxime twice a day ang advised sken.. Siempre di ako umasa lang sa antibiotic nag water therapy din ako para ma wash out din bacteria.. Maganda kasi nian pag inom ka ng inom ng water.. nai iihi mo din yung bacteria.. Remember dont take any meds po na hindi prescribed ni OB lalo antibiotics☺️
every morning po ung pagmulat mo palang ng mata mo po inom ka po agad ng sabaw ng buko at every morning po gagawin un ... kasi ako din po nung 1st tri. ko mataas din ung uti ko un lang ang ginawa ko everymorning po un po ginagawa kong tubig paggising ko ayun thanks god in 1week nawala po uti ko tas iwas din po sa maalat chichirya at softdrink mommy un lang thanks and god bless 😘😘
Nung ako po PUS ko is 8-10 pero di ako pinag antibiotic. Water Theraphy lang muna daw ayun nakuha naman sa kaka tubig. kaya di naman po ako nag antibiotic. tsaka kung resetahan man po kayo antibitioc safe naman, di naman po kayo bibigyan ngbgamot ni ob ng makaka sama sa baby nyo. mas masama kung di po maagapan yang uti nyo. 😊
nagkaroon din po ako ng uti when I'm 3 months preggy, niresetahan ako nang Antibiotic ng ob ko kasi antaas daw ng uti ko that time. Tinanong ko kung safe ba yon, then sabi safe naman. Basta take ka nang water or buko juice mamsh, and wag pigilan lagi ang ihi 🤗
Sa akin nung nagpa-check ako sa center niresetahan akong cefalexin pero sabi ng Dr. ko i-repeat U/A at pag ganun pa din resetahan akong iba. Nung nagpa test ako ganun pa din cefuroxime nireseta sa akin twice a day. Pa-check ka din po sa Dr. mo para mas safe.
May antibiotic na ok sa buntis, water therapy ka at buko juice. Sa akin noong buntis ako, uminom din ako cranberry juice kasi hindi gaano effective ang water at buko juice lang. Mainam sa uti. Ayoko naman lagi na lang umasa sa antibiotic.