HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko?

HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko? Guwapo, matangkad, at matalino ang asawa ko. Bago pa kami ikasal, marami na talagang nagkakagusto sa kaniya. Hindi naman ako selosa. In fact, never namin napag-awayan ang ibang babae dahil alam kong loyal siya sa akin. Fast forward to today. 8 years na kaming kasal. Mataas na ang posisyon ng asawa ko sa kumpaniya nila. Marami siyang tauhan. Kahit may asawa na siya, marami pa ring nagkakagusto sa kaniya. Okey lang naman sakin yun. Kaso recently, nakatanggap siya ng anonymous text. Sabi ng texter na crush daw ang asawa ko ng kaibigan niya at gusto nilang sopresahin si ate gurl ng birthday greeting galing sa mister ko. Ugh. Malalandi! Anyway, pinakita sa akin ng asawa ko ang text. Ako pa ang nag-reply dahil pilit naming inaalam kung sino ang nagpadala ng message. Iniisip ni mister na baka pinagtritripan lang siya ng mga tauhan niya. Iniisip ko na totoong may haliparot na gustong umaligid. Ayaw magpakilala ni texter, ayaw din niyang sabihin ang pangalan ni malanding ate gurl. Hindi na nag-reply si texter. Makalipas ang ilang araw, tinanong ko si mister kung ano na ang nangyari kay texter. Kung nasundan pa ba ang pag-uusap nila. Sabi niya, wala na daw. Hindi ko ugaling mag-check ng phone so kebs. Naniwala ako. Hanggang lumipas ang ilang linggo. Ewan ko ba kung bakit ko naisip na i-check ang phone niya. Kutob siguro ng misis. Nakita ko na nagtext pala ulit si texter. Binigay ang number ni ate gurl na malandi! Tinuloy pala nila ang plano na ipa-greet sa asawa ko. Ano to?!? Artista ba si mister para kailangan pang pa-greet-greet?!? Malaki ang kumpaniya nila kaya hindi kilala ni mister si ate gurl. (Well, yun ang sabi niya sa akin nung kinumpronta ko siya.) But still, ang napakagaling kong mister, tinext naman ng happy birthday si ate gurl na malandi! Medyo inosente naman ang text niya, simpleng greeting lang naman. Nagreply si ate gurl na hindi daw siya makapaniwala na tinext siya ni "sir" at tanong ng tanong kung si mister ba talaga yun o kung pinagtritripan lang siya. Maang-maangan pa. Si mister sumagot pa! Oo siya daw yun kahit ipagtanong pa sa mga ka-opisina nila. Natapos na dun ang usapan. Not. Noong birthday ni mister, nagtext si ate gurl ng happy birthday. Nagpasalamat naman si mister! Siyempre matapos kong basahin ang mga kalandian na yan, galit na galit ako. Kinausap ko ang asawa ko. Ang rason niya, dahil boss siya, ayaw niyang magmukhang suplado sa mga tauhan niya. Wow. Napakagaling. Out of the goodness of his heart. Magpalakpakan! Ang sagot ko naman, dahil sa ginawa niya, baka isipin ni ate gurl na malandi at ng kaniyang mga kaibigan na walang respeto sa sactity ng marriage na open si mister sa pakikipaglandian. Natatakot din ako na baka sa susunod, hindi lang text ang gawin. Baka mamaya pinupuntahan na siya sa opisina niya at nagpapahiwatig na ng kung ano man. Bukod pa do'n, nasaktan talaga ako dahil hindi sinabi sakin ni mister ang mga bagay na 'yan. Kung sinabi lang sana niya sa akin, nasabi ko sa kaniya na hindi okey sakin na mag-reply siya. Nakakabastos sa akin bilang asawa. Nag-sorry naman sa akin si mister. Pero nabwibwisit pa rin ako. Pakiramdam ko tuloy, nabawasan ang pagtitiwala ko sa kaniya. OA ba ako? Gusto ko talagang gumanti do'n kay ate gurl, sa totoo lang. Kabwisit. Ano ba ang puwede kong gawin? Yun lang. Gusto ko lang mag-rant. Salamat sa inyong pakikinig.

89 Replies

haynako sis maiinis ka talaga sa mga malalandi kahit ako nung nalaman ko na may naglalandi sa asawa ko ay nako wala hiya pa yung babae hindi na nahiya gusto magpakamot kala mo naman kagandahan tangina!desperada na ata yun kailangan ng sustento pipili nalang sya yung may sabit😂jusqqq kapag kailangan mo talaga kakapit ka talaga sa patali

walang malandi kung walang nagpapalandi. pareho lang sila. 😂😂😂 mababaw p yang sau sis kce tx lang at greetings ng happy birthday. 😅😂 stalk m p hubby mo pra maconfirm m tlga. mhrap dn nmn ung duda ng duda ng wla nmn tlga. maririndi lang c mister bka un pa mkpgpatrigger sknya n kumaliwa nga dhil T.H tau. 😅😂

Mag usap po kayo sis, sa isang relasyon madadaanan tlaga Yang babae ang maging ugat ng pag aaway nyo pero kailangang maging matibay ka para malagpasan mo ang ganyang pagsubok kailangan mo lng kausapin ng maigi yung asawa mo sa kung anu ang pwd at Hindi pwding pagmumulan nyo ng away, higit sa lahat samahan mo ng dasal araw2x.

naku mommy.. No to haliparot na babae.. mg buset mga yan eh. alam na ngang my asawa ung lalaki.. ganyan pa ginagawa.. haist.. kausapin m si mister.. mo.. at sbhin na insult sau ung gingawa nia.. minsan nkktakot ung ganyn eh. kc bka sbhin ng mister m na ok lng pla sau na my ktxt xa or something..

normal nman sting mga misis n mag selos at mainis s mga babaeng malalandi..pero sna c mister dn nlng nagtxt bka kc isipin n ate girl n madali landi c mister mo..bka mamaya wla k kaalam alam s office pla e pinagpapatuloy ang kalandian..marupok p nman ang mga boys pagdating s ganyan..

mnsan mgsurprise visit ka s office. mag drop by ka sa kng nasaang deprtmnt si ate gurl, bgyan mo simple appcriation dhlsa paghanga s asawa mo. bgyan mo steelwool.. in case kamo kumati sya wg kamo hubby mo ang unang lalapitan , gmitin kamo ang steelwool hahahahah

Ahmmm since mukhanv okay naman kayo ng hubby mo. Better to explain to him ung side mo. And usap kayo. Then para naman kay girl try to have a surprise visit sa office ni hubby. You'll never know kung anong meron sa opisina na hindi mo alam. O kaya naman u call her.

Ekis yung mga mister na naglilihim sa misis, hindi ka OA, may Mali lang talaga siya. Nakaka paranoid kaya yung ganyan kase kasama nya pa iisang company yung may crush sa kanyang babae. Kung hindi titigilan yan, yung text text na yan mapupunta sa ibang stage yan.

VIP Member

Hahaha di halatang gigil na gigil ka sis.. Pero normal lang magselos, ako nga selosa rin masyado.. Manlibre nga lang si partner sa kahit sinong ka officemate namin nun, may issue na sakin, pero napag uusapan naman kaya ngayon alam na nya panu ako magselos haha..

Tawagan mo. Kausapin mo nang magkaalaman na kung ano talagang pakay niya. Babae din siya, kung sa kanya gawin yan malamang hindi rin siya matutuwa. Ganyan talaga ang mga haliparot kahit may asawa na ang lalake, nangangati parin. Sarap ipakamot kay Wolverine.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles