Hello. May issue ba kayo sa family ng husband nyo? Hindi ba talaga maiiwasan makialam sila? Mahal ko asawa ko pero hindi ako masaya kasama Family nya. 1year na kami nakatira sa poder ng parents ng husband ko. Kasama namin mga siblings nya. Though naka-separate naman kami ng room. Sobra ko nahihirapan at ang hilig mangialam ng biyenan ko at kapatid ng husband ko sa pag-aalaga sa anak ko. (First apo, first pamangkin) Ang masakit pa ay nararamdaman ko na parang gusto nila ilayo ang loob ng anak ko sa akin. Lagi nila sinasabi sa anak ko na kapag hindi na daw sya nagbreastfeed, doon na sya matutulog sa kwarto nila at iwan na kami. I know 1year old pa lang baby ko at hindi pa naiintindihan. Pero natatakot ako na kapag lumaki sya ay kung anu-ano na ang sasabihin nila. Gusto ko nang bumukod pero wala pa kami kakayahan. :(

68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

May ganyan talaga na inlaws. Ngayon nga na may 2nd baby na kami, nafifeel ko pa rin ang pagiging know-it-all ng mom ni husband. Buti we don't live in the same house. Yung lahat ng kilos mo, may comment, yun tipong "dapat blah blah". Mag-ipon sis so you can move out na.

5y ago

tama ka po sis.. ikaw pa sisiraan sa iba.. nung mag gf.bf palang ang bait kasi mai nakukuha na pera pero nung nagasawa na kami lumabas tunay na kulay .. kaya di rn nila ko masisi na magbago

Mahirap talaga makisama. Mas better kung uuwi ka sa parents mo atleast sila dika mahihirapan pati na yung kalooban mo. Mas piliin mo kung saan kayo magiging comfortable ng anak mo. Maiintindihan ka naman ng partner mo kung yun ang magpapagaan ng loob mo. 🙂

Grabe naman sila. Mas maigi talaga nakabukod kayo. Ang hirap pag ganyan lagi silang makikisawsaw sa pagpapalaki mo sa anak mo tapos ikaw nman wla ka magagawa kasi nakikitira lang kayo. Ang hirap makisama lalo na kung ung papakisamahan mo ayaw sayo. Hays.

Kapag bumibisita ang in-laws namin, aware sila sa mga house rules namin tulad ng bawal halikan sa mukha si baby at bawal manigarilyo or mag-inom. So nasanay na sila. Kailangan lang na malinaw yung sariling rules nyo para mag adhere din sila.

7y ago

Hindi ko din pinapahalikan ang anak ko. Prone makasagap ng sakit e. Kami ang mahihirapan in the long run.

Yes. It's "part" of marriage to have a "nosy" in-laws. Kasi kami kahit bukod kami, pakikialam pa din sila. Nakakagalit, but you should discuss it with your spouse in a nice way. Ang mahalaga, kayong mag-asawa.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-29715)

kung ano po jan kana muna sa parents mo habang dpa kayo nagbubukod hirap makisama tlga lalot na hindi mo bahay kahit anong gawin mo mali parin sakanila wala tlga... pag okay na bukod na po kayo

kaya po much better kung pag uusapan nyo ni hubby na kailangan nyo din magbukod par talaga maging isang ponder ng anak nyo hindi iyong naka depende sa parents ganun talaga hindi maiiwasan ..

sakin ok naman ..actually dito kami nakatira kasama ng family nya..di pa kase ok ang bahay namin..wala naman problema sa ngayon .pero sana sa susunod wala padin..

ganun talaga mommy bihira talaga yung nakasundo ang inlaws..pilitin nio na lang bumukod mommy..once bumukod kau maayus muna paunti2 ang relationship mu sknila.