ATM (mister o misis) 09-17-20

Guys sino sa inyo ng mister nyo ang may hawak ng atm nyo? Me and my partner are both working, sobrang naooffend nako sa sitwasyon namin. He knows my atm pin dahil yung sss benefit ko sa atm pinasok ng company during this pandemic. Mag-asawa kami pero ako never ko binulatlat yung wallet nya at minsan lang ako kumuha bente pa at nagpaalam muna ako. Sya ganun din naman, nagpapaalam naman sya kapag kukuha ng pera sa wallet ko ang ayaw ko lang minomonitor nya laman ng wallet ko 😔 minsan tatanungin nya pa ako dba kahapon ganito pa laman ng wallet mo bakit ngayon eto nalang? Na never kong tinanong sa kanya. At ngayon araw ng sweldo namin, nasa wallet ko yung atm ko, naisipan ko mag enroll sa online banking and hinanap ko atm ko, I found out na kinuha nya at inilagay sa wallet nya (ang purpose lang siguro is para sabay na withdraw nalang) kaya lang sobrang offended nako, para sakin foul na foul na yun, ako never kong inalam code ng atm nya at never syang nagkusang ibigay. Tapos dahil same company kami pati gross ng sahod ko inaalam nya, hindi man galing sakin/ galing naman sa mga boss namin. At sa sarili ko alam ko na kapag magwiwithdraw sya hindi nya winiwithdraw buong sahod nya, samantalang atm ko laging simot. At ngayon lang, kinuha na naman atm ko para sya magwithdraw without asking me kung gusto kong ipawithdraw sa kanya. Sobrang sama ng loob ko ngayon mga sis. #NoToBashpoSana

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pagusapan nyo po maigi momshie, kami naman ng husband ko dahil pregnant ako sya pina pa widraw ko sa atm ko tapos bibigay nya din sakin, ung sahod nya buo din nya binibigay sakin kasi ako lahat taga budget mga bills namin, tapos i. inform ko lang sya magkano na savings namin, kapag need nya pera hinahayaan ko lang sya kumuha sa wallet ko. pero papaalam muna un. nasa paguusap po yan, pagusapan nyo pong maigi, kami kasi ng husband naka set na sa utak namin na wala kaming aasahan financially, lalo na kapag nanganak na ako. very mature din kasi si husband when regards to this matters.

Magbasa pa
VIP Member

sa akin mommy lip kopo may hawak ng atm ko na sa work at savings ko alam nya lahat ng password ng atm's , d naman madami ipon namin nagigipit din pero never pa kami nag away dahil sa pera. Wala kmi pakialaman ni Mr kung ano gagawin namin sa pera na andyan sa kanya kanyang wallet, pero if mag wiwithdraw na dun n kami mag uusap if para saan ang ebwiwithdraw. Much better if magusap po kayo about sa pagbubudget. Once pera kasi pinag aawayan talagang malaki ang epekto nyan mommy. nahahanap naman yang pera mahirap nga lang kumita ngayon pero mag usap po kayo

Magbasa pa

Maswerte pa pala ako kasi ang asawa ko pag sumasahod ibinibigay lahat sa akin pero di ko naman sinabi na ibigay niya sa akin kusa niyang binibigay at sa amin dalawa ako din ang mamanage ng mga gastusin sabay pag may gusto siyang bilin maluwag din ako kasi pinagpaguran naman niya yun tsaka nag papaalam siya bago kumuha. siguro mami maganda niyan pag usapan niyo ni mister yung mga ganyan bagay kasi dyan nagsisimula ang di pag kakaunawaan tsaka panget masira ang relasyon niyo ng dahil sa pera just saying lang po.

Magbasa pa

Yung Partner ko never ginawa to. We have separate Card, we know each others pin, Kapag sahod na he will give me a SS of his balance and send it to me right away. nag iiwan lang sya allowance and pambayad sa plan, since malayo destino ng work nya. Nung nagkaron din ako ng Matben never sya nanghingi or nakialam, di nya tinatanong san ko ginagastos pera or bat naubos na. You should talk to your husband. Youre partners so you own each others every single thing. Medyo selfish asawa mo when it comes to money.

Magbasa pa

For now si mister may hawak atm ko kc hindi n ako nkakalabas to withdraw..and all our earnings diretso savings na since di nmn kami nkakagala na..and in preparation nrin sa hospital expenses sa panganganak ko.. and alam ko nmn ung laman ng atm ko kpag ngwithdraw sya ako ngssbi na iwithdraw na nya.. and ito ung amount nian. Ang kinukuha ko lang yung butal pra kpag may gusto ako bilhin.. Agreement kc nmin un so siguro dpat kayo din may proper communication if hindi both agree sa set up nyo ngayon.. ❤️

Magbasa pa

pag usapan niyo po yan mommy🙏..Sa case ko po mag bf and GF palang kami alam ko po pin ng atm niya at alam niya din pin ng atm wala po akong trabaho pino hinuhulugan niya atm ko ni walang tanong saan ko ginagastos ang pera pag kauwi niya nman dito sa pinas gastos niya lahat binibigyan pa nya ako kahit my pera na ako..at ngayo laki ng blessing dumating samin magkakababy na kami...napakahirap ng sitwasyon na my ganyang mga partner katulad sayo dapat open sa isat isa god bless po.

Magbasa pa

We Pinoys dont usually open up about it but you as husband and wife should talk about it as mature individuals. Mahirap i open up kc baka maging defensive xa but remember especially if nanjan n si baby di pwedeng hingi k nang hingi. You should also know about his finances. Kung sa ibang kasama ko sa work sino gagastusan nya ibang babae? Haha over nman un but you both should be transparent about it. Good luck momsh. Open it up or else ikaw din yun mgsusuffer

Magbasa pa

kami ng mister ko last year lang kinasal.. same workplace kami, nasa admin and finance pa ako kaya alam ko papasok sa atm niya. nung una nasa akin atm nya pero kalaunan sinoli ko kasi sya naman tiga withdraw. walang issue sa amin kasi kahit nasa kanya ang atm niya, buong sahod niya binibigay nya sakin. binigyan ko xa weekly ng pang gas at allowance. ok naman set up namin.. basta pinapaalam ko sa kanya saan napupunta ang pera namin..

Magbasa pa

Mommy, basahin nyo po at ipabasa mo po kay hubby yun Happy wife, Happy life by chinkee Tan or Mag asawa'y di biro By vic and Avelyn Garcia.. Para maintindhan at Maunawaan nya ang tungkol sa Kaperehan ninyo. kung kasal na po kayo conjugal na po kayo dapat alam nyo parehas ang bawat Labas at pasok ng pera nyo. I-practice nyo po bilang mag asawa ang "Pag Usapan bago pag- Awayan". kausapin nyo po sya ng mabuti.

Magbasa pa
VIP Member

Mas okay po if pag-uusapan nyo ito. Mahalaga po sa mag-asawa na pag usapan if paano nyo ihahandle ang finances nyo. Dapat fair and clean kayo pareho para di nyo laging maging issue. Iopen nyo po kay mister if paano ba yung gusto nyong set up. Ipaliwanag mo din sakanya na nakaka-offend yung pagkuha nya sa atm mo na walang paalam. And agree kung paano po kayo mapapanatag na magkahiwalay kayo ng pera. :)

Magbasa pa