ATM (mister o misis) 09-17-20

Guys sino sa inyo ng mister nyo ang may hawak ng atm nyo? Me and my partner are both working, sobrang naooffend nako sa sitwasyon namin. He knows my atm pin dahil yung sss benefit ko sa atm pinasok ng company during this pandemic. Mag-asawa kami pero ako never ko binulatlat yung wallet nya at minsan lang ako kumuha bente pa at nagpaalam muna ako. Sya ganun din naman, nagpapaalam naman sya kapag kukuha ng pera sa wallet ko ang ayaw ko lang minomonitor nya laman ng wallet ko 😔 minsan tatanungin nya pa ako dba kahapon ganito pa laman ng wallet mo bakit ngayon eto nalang? Na never kong tinanong sa kanya. At ngayon araw ng sweldo namin, nasa wallet ko yung atm ko, naisipan ko mag enroll sa online banking and hinanap ko atm ko, I found out na kinuha nya at inilagay sa wallet nya (ang purpose lang siguro is para sabay na withdraw nalang) kaya lang sobrang offended nako, para sakin foul na foul na yun, ako never kong inalam code ng atm nya at never syang nagkusang ibigay. Tapos dahil same company kami pati gross ng sahod ko inaalam nya, hindi man galing sakin/ galing naman sa mga boss namin. At sa sarili ko alam ko na kapag magwiwithdraw sya hindi nya winiwithdraw buong sahod nya, samantalang atm ko laging simot. At ngayon lang, kinuha na naman atm ko para sya magwithdraw without asking me kung gusto kong ipawithdraw sa kanya. Sobrang sama ng loob ko ngayon mga sis. #NoToBashpoSana

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maswerte pa pala ako kasi ang asawa ko pag sumasahod ibinibigay lahat sa akin pero di ko naman sinabi na ibigay niya sa akin kusa niyang binibigay at sa amin dalawa ako din ang mamanage ng mga gastusin sabay pag may gusto siyang bilin maluwag din ako kasi pinagpaguran naman niya yun tsaka nag papaalam siya bago kumuha. siguro mami maganda niyan pag usapan niyo ni mister yung mga ganyan bagay kasi dyan nagsisimula ang di pag kakaunawaan tsaka panget masira ang relasyon niyo ng dahil sa pera just saying lang po.

Magbasa pa