chat frm my baby's father

Guys please uplift me. Nilalabanan ko yung sakit para naden sa mga anak ko. Matagal ako nagtiis sknya, away bati away bati, kasal na di natuloy, lageng pambababae pero pinapatawad ko. Until tumigil nko at sabe ko na ayaw ko na. Pagktpos ko manganak nanigurado lng pala sia na iapelyido sknya ang bata. Now 1month nden sia wlang suporta as you guys can see nman kung ano sinabe nia. Mag3mos plng baby ko. Advice nman guys ang hirap solohin neto ?? Yung message na yan galing sa messenger nia naopen ko via gmail.

chat frm my baby's father
535 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kaya mo yan. Alam kong mahirap para sayo na iwan sya sa ngayon, dahil iisipin mo mga anak mo. Ganito gawin mo, tutal nakaapelyido naman pala sa kanya at para turuan ng leksyon yan. Pumunta ka sa womens desk or kay tulfo na agad para makahanap ng katapat yan. Tutal hindi kayo kasal kaya hindi nya pwedeng kunin ang mga bata sayo at mapipilitan syang mag sustento. Ubusin mo na ngayon ang luha mo mommy, kasi babangon ka sa mga susunod na araw para lang sa mga anak mo at wala ng panahon para magmukmok at umiyak dahil hindi masusulusyunan at hindi ka maiaahon ng pag iyak. Wag mo isipin na ikaw lang ang ganyan madaming kagaya mo ang kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw para sa mga anak nila. Kaya mo yan. At kakayanin mo. :)

Magbasa pa