Momshie, toxic and abusive relationships are not worth staying for. Ibabalik ko po sainyo ang advice ng family niya na “isipin mo ang anak niyo” kasi ang ganyang klaseng arrangement and environment is not healthy for a growing child. May long-term effect po kasi sa bata yan mamsh emotionally, mentally, socially, and psychologically. Kelangan natin ng partner sa pag gabay ng bata at kung very minimal naman ang support niya personally as a parent, hindi na po siya needed sa picture. Ipapakita mo pa rin naman po sa family niya ang anak mo and there will be better arrangements for your situation. Easier said than done, momsh. Alam ko mahirap gawin for you at madali lang samin magadvise kasi hindi naman kami ang nasa kinakatayuan mo. Pero kung gugustuhin mo, makakaya mo. Paunti-unti lang. One day at a time. Masakit man at mahirap eh malalapasan mo din ang stage na kasumpa-sumpa hanggang one day magigising ka na lang na malaya ka na emotionally sa kanya. Kung may dumating na deserving, mabuti. Kung wala naman, mabuti din. Tiwala lang momsh. Kaya mo yan. Para sa anak mo at lalong lalo para sayo.
Magbasa pa