Hi guys. Gusto ko lang magshare. Ang asawa ko kasi nanakit physically, and emotionally, puro barkada pa, mabisyo pa and also nambababae pa. Full package na nga eh. Ilang years na din ako nagtitiis sympre para sa anak namin. Lalo na't babae pa man din. Live-in kami sa side ako ng lalake nakatira. Simula ng nagsama kami puro pamilya niya lang nagaalaga sakin, though inaalagaan nya naman ako pero MAS yung pamilya niya. Hanggang sa manganak nako, bihira nya lang ako tulungan sa pagaalaga sa baby namin. :( Pero tiniis ko kasi mahal na mahal ko. Broken fam kasi ako kaya sana ayoko maranasan ng anak ko yung kagaya sakin. Pinipigilan ako ng family niya, isipin ko daw anak ko. Di na kami nagkikibuan kahit magkasama kami in the same roof kasi naawa ako sa family nya nakikiusap sakin na wag ko ilayo saknila apo nila. Eh kaso kasi ako na yung dehado eh. Ask ko lang if kayo ba nasa sitwasyon ko tama bang pagtiisan ko siya alang ala sa anak namin and sa family nya na mahal na mahal kami?

69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you. Pareho tayo ng sitwasyon. Siguro noon wala pa ang baby kaya kung umalis pero noong dumating na ang anak namin pag iniisip ko na lumayo mas doble ang sakit na hindi makita ni baby ang papa niya.. kada decide ko na umalis iniisip ko nakapa selfish kong tao para ilayo siya. Kaya sa isip ko saka ko na isipin ang hiwalayan pag nagkaisip na siya. Sa ngayon tiisin ko muna. Alam mo ang ginawa ko sis, hindi ko nalang pinapansin ginagawa niya,kunh dati nakikipag away ako sa bisyo niya ngayon hindi na..at napansin niyang hindi na ako nangangaway ,kaya dun niya ako tinanong kung pagod naba daw ako sa kanya.. at sa tulong ng dasal sis ,pagtitiis .. nagbago siya ng pakunti konti..

Magbasa pa