need some advice

gusto ko lang pong mag share about sa amin ng boyfriend ko mag fifive years na po kaming live in ng boyfriend ko dito sa pilipinas and im 8 months pregnant pure chinese po ung boyfriend nakilala ko sya sa pinapasukan kong trabaho noon sya po ung boss ko sa work ko dun ok naman po ung boyfriend ko sobrang bait nya po sa katunayan po pinagawa nya po ung house ng parents ko sya po ung nagpagawa ng lahat ni piso po walang ginastos ung parents ko lahat sinagot nya worth 600k nagastos nya sa pagpapagawa ng house namin pati mga kapatid ko sya din ang tumutulong kasi ung father ko d maasahan ung tipong magtratrabaho lang kapag gusto nya pero ayaw nya ayaw nya talaga ung parang binata lang ba at walang anak masasabi kong sobrang swerte ko kasi dumating sya sa buhay ko naging magaan ang pamumuhay namin simula ng dumating sya napakabait nya at mahal na mahal nya ako kaya nagpapasalamat ako sa diyos kasi dumating sya sa buhay ko . pero masasabi kong d talaga pwedeng palagi lang masaya darating ang time na magkakaproblema kami nung mag dadalawang taon na kami nag open sya saken na darating daw ung time na ikakasal sya sa ibang babae na hindi nya mahal na d nya gusto at tanging parents nya lang ang may gusto para sa kanya ok lang daw ba sakin un syempre ako sagot ko hindi maghihiwalay kami kasi ayaw kong maging kabit gusto ko ako lang ang nag iisang babae nya syempre masakit sakin un kahit naman sino dba ayaw nyong may kahati sa taong mahal nyo pero sinabi nya saken na huwag ko na daw munang isipin un kasi matagal pa naman daw un so eto na going to 5 years na kami na open nya ulit un na malapit na nga daw syang ipakasal sa ibang babae so ako nasaktan ako sabi ko alam mo naman ung sagot dba na ayoko kahit na magkakababy na tayo ayoko talaga na maging kabit pero sabi nya ako daw ung mahal nya at gagawin nya lag daw un kasi un ung gusto ng parents nya may sakit kasi yng father nya gusto nang father nya na ikasal sya at makita ang apo nya sa boyfriend ko bago sya mawala sabi ko sa bf ko edi sabihin mo na magkakababy na tyo kahit d nila tangap ok lang kasi gusto nila chinese din maging asawa ng bf ko basta ipaalam nya na magkakababy na sya kaso ang laki ng takot ng boyfriend ko sa papa nya baka daw kasi pag nalaman na nabuntis ako baka daw d na sya pabalikin dito sa pilipinas ? ang hirap mga sis d ko alam gagawin ko parehas kaming nahihirapan sa sitwasyon namin lagi nyang pinaparamdam sakin na ako lang ung mahal nya at ung magiging baby namin pero kapag naguusap sila ng ate nya nagmamakaawa sya sa ate nya na tulungan sya para d ipakasal sa ibang babae kasi ayaw nya . nahihirapan talaga ako . legal kami dito sa pilipinas halos lahat ng mga chinese na kaibigan nya at mga kakilala nya dito kahit mga boss nya dito sa pinas kilala ako pati ung kapatid nyang lalaki pumunta sa bahay namin lagi nya rin akong dinadala at pinapakilala kung kani kanino at kapag may kainan or event sinasama nya rin ako pero pag dating sa parents nya tiklop talaga sya ano po kayang gagawin ko ? nahihirapan ako ?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo nga ang hirap namn nyan sis,pero muntik n ngyayari sakin yan dati X kong arabo,ganyan din tradisyon nla eh,may eririto n yan n ipapakasal s knla khit ndi nla gusto,at yun nga inoopen nya n ganyan,syempree tau mga pinoy wla sa atin yan kya ndi tau papayag n magiging pang 2 lang,,pero iniisip ko maging praktikal nlangnkya ako,total mkakasma ko namn sya lagi kc dto daw sya manirahan s pinas,,yan plang planu nmin,pero hanggang chats lang muna kmi,at palagi nagpapadala ng financial pero sadyang madamot ang tadhana or tlga ndi para sa isat isa,isang gabi after nya tumwag dhil nagpapadla n namn sya ng pang alawans ko,,kc nga ayaw n nya ako pa balikin sa abroad.ang balak nya nxt is magpapadala nlang sya pampuhunan ko para mag tau ng botik kaso nawala komonikasyon namin nung after nya magtawag kc pagtulog ko nun,wla akongnkaalam aalam pinasok bahay ng tita ko ng mga kawatan,tangay lahat gamit ko andun pati mga contak # ,lahat2x ksma n dlwang cp ko,,😢kya yun,at balik tau sa story mo,,subukan mo ulit kombensihin na ipablaban kna nya,at subukan mong magpaka lau2x muna s knya kombaga pa presyo ka muna,tignan mo lang kong hahanapin kb nya,pero wagmo namn hiwalayan,parang hindi mo lang sya kikibuan para mkita nya n ayaw mo tlga,,basta ikaw n magdeskarte😊,

Magbasa pa

May friend ako na chinese din ang bf nung maging sila ng bf nya sinabi din sa kanya ng bf nya na ikakasal din sya sa ibang babae na chinese din pero ayaw daw ng boy so ang ginawa ni boy binuntis nya ang kaibigan ko kahit pa alam nilang hindi tanggap ng parent ni boy yung friend ko. That time hirap silang dalawa makabuo kaya ang ginawa nila halos lahat ng hospital pinuntahan nila para lang daw makabuo sila then after ilang buwan nabuntis naman ang friend ko sinabi nila naman nila sa parent ni boy nagalit yung parent syempre pero wala na din sila nagawa nandun na yung baby nagpakasal sila dito sa pinas nung 4mons na tyan nya then nagpakasal ulit sila sa china 2 months pagkatapos nila manganak yun nga lang nasa parent ng boy yung baby. Yung boss ko din nagkabf ng Chinese ito mas grabi daw pinagdaanan pumunta sila ng bf nya sa china para maging legal kaso hindi din tanggap si boss kahit pa alam nilang buntis na sya pinaglilinis daw sya ng buong bahay halos di pinagpapahinga pero nung lumabas naman si baby natanggap na din sya. Isa lang ang nakikita ko sa story nila si baby ang magiging way para matanggap ka ng parents ng bf mo..

Magbasa pa

Hi sis, tradition talaga sa mga Chinese yan lalo na pag pure Chinese ang bf mo. Arrange marriage ang tawag dyan. Si parents ang mag desisyon kung sino pakasalan ng anak nila at dapat Chinese rin. Kadalasan ganyan lalo na pag may kaya ang lahi nila sa China. For business purposes lang. Kaya yung iba tinakwil ng magulang pag ayaw sumunod. Pa civil wedding nalang kaya kayo muna sis dito sa pinas para legal na kayo. Saka kung ikakasal man sya sa China sa China lang valid yung marriage contract nila. Mahirap at complicated ang situation mo pero na sayo na yung desisyon mo sis. Mas okay na yung Di alam ng parents nya yung tungkol sayo kasi malulupet ang mga yan. Panu kung malaman nila na boy ang anak niyo ni bf mo. Baka pati si baby mo mawala pa sayo at yung bf mo. Importante kasi sa chinese ang apo na lalaki, pag babae wala clang paki.

Magbasa pa

Sis make sure na talagang ipapakasal sya..or baka nmn my asawa tlga Yan sa bansa nla...asawa ko Chinese malaysian..kasal kmi working akonsa isang Chinese company for more than 6 years galamay ko na lahat ugali mga Chinese karamihan sknla cheater tlga..Alam nla paano kunin loob Ng mga pinay kayat hnd ako ngpadala sa mga Chinese from China eh...old tradition na Yan at hnd na existing sa china bihira nlng dw Yan ngyun according to my Chinese boss...ngkakampi kampihan mga Yan Chinese kht sbhn mong legal kayo sa mga friends nya pero hnd nmn kayo legal sa families nya Yun Ang masaklap dun...kayat ipon ka nlng utak mo gamitin mo sis...I swear my time na hnd na Yan mgpaparamdam syo Gaya sa ginawa din Ng Chinese sa kawork nmn..

Magbasa pa

simple lang kung talagang mahal ka nya no matter what happen kahit ba magulang pa nya yan handa nyang ipag laban ka or kayo ng magiging baby mo kase familyado na din bf mo kaya may sarili naman din na work bf mo wag na syang matakot na humarap sa parents nya kubg sino gusto nyang sundin or ganto ask mo nalang na kung mahalaga ba sakanya ung baby nyo? kung mahal na mahal naman kayong dalawa ni baby e ipag lalaban yan sa magulang kahit gaano kahirap patunayan lang na mahal nyo ang isat isa incase na di sya pabalikin e nasakanya naman yan kung ano gagawin nya basta mag pakatatag nalang kayo ng partner mo at ng magiging baby nyo 😊

Magbasa pa
5y ago

Kung mahal ka talaga niya kaya niya isacrifice ung Pamilya niya sa kagustuhan nila. Sabihen niya kamo na magkakababy na kayo ang mapektaluhan diyan ay ang magiging anak niyo kung mahal ka niya at ang magiging anak niyo ikaw dapat ang piliin niya.. May kakilala akong chinese na pinagkasundo lang after 2 years nilang kinasal naghiwalay rin.

As an advice. Asawa ko is pure chinese. Mahirap yung sitwasyon mo lalo nat wala ka rin naman kasigarudahan kung ano ba talaga,ang buhay nya bago siya pumunta ng pinas. Marame ding nagsasabe na porket babae ang anak wala ng pakiaalam. Saken ang anak namen babae super mapagmahal ng pamilya ng asawa ko kahit foreigner ako super care. Bawat tao ibat iba ng attitude. Iba iba ng characteristic. Ganun rin naman ang mga chinese. Be strong lang at take care yourself and your baby 😘 Ipaglaban mo kung ano ang gusto mong gawin at alam mong nararapat. Kesa naman ng huhula ka sa mga bagay bagay. Fight! 💪🙏

Magbasa pa

Swerte nyo namn po, yaman ng nakabuntis sainyo. Yung iba po mga walang trabaho at pera ang nakabuntis tapos iiwanan nalang ang babae. Tanggapin nyo nalang po kung ano desisyon ng bf mo kasi di mo namn hawak buhay nya at bf mo palang sya di pa kayo kasal. Pasustento ka nalang if magpakasal sya sa iba for sure susuportahan ka namn dahil mayamn. Atleas buhay kana. Hindi mo hawak ang desisyon ng bf mo. Be ready nalang

Magbasa pa
5y ago

Haha utak ng mga taong puro pera lang. Malamang nag invest sya ng feelings nya sa bf nya at malamang din na magkakaanak na sila at kawawa din ang baby nya na ganun ang sitwasyon. Di nmn porket may pera ang nkabuntis e swerte na. Sa pag aasawa di nmn pera pera lang. Mas ok pa din kung ksma mo asawa mo hanggang sa paglaki ng anak mo. Hindi porket nbigyan ng bhay ang mgulang nya e swerte n sya paano n lang yung anak nya? Lalaki ng walang amang ksama at umaalalay.

Sis, uso din po tuldok para di naman hingal basahin at magkaduling duling kami mga ka momshies mo.😂 but anyway, highschool ako chinese school ako nag aral and yes tradition po talaga nila yan na ang chinese ay para sa chinese lamang. Sana lang maipaglaban ka ng boyfriend mo sa family niya dahil nakakalungkot isipin na mahal na mahal niyo isa't isa pero sa iba siya magpapakasal.

Magbasa pa
5y ago

HAHAHAHA AGREE

Ganyan tlaga ang chinese, may friend ako same situation sayo,, wala din nagawa ung chinese nagpakasal din xa, tradition kc un nila, lalo na lung mayamang pamilya.. hanggang sa natanggap nalanh nung friend ko, untill now cla pa rin, and ung chinese di nag kakababy dun sa asawa nya. Ung friend ko naman 2 na ank sa chinese.. and masaya naman cla kahit ganun ung situation nila

Magbasa pa

Nope..its their old traditions pero kung kaya ka nya ipaglaban sa parents nya magagawan nya ng paraan yun ex ko din pure Chinese pero ako nkipaghiwalay kac kdlasan dko nilalahat cheater yan cla hehe...