need some advice

gusto ko lang pong mag share about sa amin ng boyfriend ko mag fifive years na po kaming live in ng boyfriend ko dito sa pilipinas and im 8 months pregnant pure chinese po ung boyfriend nakilala ko sya sa pinapasukan kong trabaho noon sya po ung boss ko sa work ko dun ok naman po ung boyfriend ko sobrang bait nya po sa katunayan po pinagawa nya po ung house ng parents ko sya po ung nagpagawa ng lahat ni piso po walang ginastos ung parents ko lahat sinagot nya worth 600k nagastos nya sa pagpapagawa ng house namin pati mga kapatid ko sya din ang tumutulong kasi ung father ko d maasahan ung tipong magtratrabaho lang kapag gusto nya pero ayaw nya ayaw nya talaga ung parang binata lang ba at walang anak masasabi kong sobrang swerte ko kasi dumating sya sa buhay ko naging magaan ang pamumuhay namin simula ng dumating sya napakabait nya at mahal na mahal nya ako kaya nagpapasalamat ako sa diyos kasi dumating sya sa buhay ko . pero masasabi kong d talaga pwedeng palagi lang masaya darating ang time na magkakaproblema kami nung mag dadalawang taon na kami nag open sya saken na darating daw ung time na ikakasal sya sa ibang babae na hindi nya mahal na d nya gusto at tanging parents nya lang ang may gusto para sa kanya ok lang daw ba sakin un syempre ako sagot ko hindi maghihiwalay kami kasi ayaw kong maging kabit gusto ko ako lang ang nag iisang babae nya syempre masakit sakin un kahit naman sino dba ayaw nyong may kahati sa taong mahal nyo pero sinabi nya saken na huwag ko na daw munang isipin un kasi matagal pa naman daw un so eto na going to 5 years na kami na open nya ulit un na malapit na nga daw syang ipakasal sa ibang babae so ako nasaktan ako sabi ko alam mo naman ung sagot dba na ayoko kahit na magkakababy na tayo ayoko talaga na maging kabit pero sabi nya ako daw ung mahal nya at gagawin nya lag daw un kasi un ung gusto ng parents nya may sakit kasi yng father nya gusto nang father nya na ikasal sya at makita ang apo nya sa boyfriend ko bago sya mawala sabi ko sa bf ko edi sabihin mo na magkakababy na tyo kahit d nila tangap ok lang kasi gusto nila chinese din maging asawa ng bf ko basta ipaalam nya na magkakababy na sya kaso ang laki ng takot ng boyfriend ko sa papa nya baka daw kasi pag nalaman na nabuntis ako baka daw d na sya pabalikin dito sa pilipinas ? ang hirap mga sis d ko alam gagawin ko parehas kaming nahihirapan sa sitwasyon namin lagi nyang pinaparamdam sakin na ako lang ung mahal nya at ung magiging baby namin pero kapag naguusap sila ng ate nya nagmamakaawa sya sa ate nya na tulungan sya para d ipakasal sa ibang babae kasi ayaw nya . nahihirapan talaga ako . legal kami dito sa pilipinas halos lahat ng mga chinese na kaibigan nya at mga kakilala nya dito kahit mga boss nya dito sa pinas kilala ako pati ung kapatid nyang lalaki pumunta sa bahay namin lagi nya rin akong dinadala at pinapakilala kung kani kanino at kapag may kainan or event sinasama nya rin ako pero pag dating sa parents nya tiklop talaga sya ano po kayang gagawin ko ? nahihirapan ako ?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, tradition talaga sa mga Chinese yan lalo na pag pure Chinese ang bf mo. Arrange marriage ang tawag dyan. Si parents ang mag desisyon kung sino pakasalan ng anak nila at dapat Chinese rin. Kadalasan ganyan lalo na pag may kaya ang lahi nila sa China. For business purposes lang. Kaya yung iba tinakwil ng magulang pag ayaw sumunod. Pa civil wedding nalang kaya kayo muna sis dito sa pinas para legal na kayo. Saka kung ikakasal man sya sa China sa China lang valid yung marriage contract nila. Mahirap at complicated ang situation mo pero na sayo na yung desisyon mo sis. Mas okay na yung Di alam ng parents nya yung tungkol sayo kasi malulupet ang mga yan. Panu kung malaman nila na boy ang anak niyo ni bf mo. Baka pati si baby mo mawala pa sayo at yung bf mo. Importante kasi sa chinese ang apo na lalaki, pag babae wala clang paki.

Magbasa pa