Ang saya pala kapag unti unti ng nakukumpleto mga needs ng baby mo. Parang kahapon lang sobrang problemado pa ako kung pano kami makakabili ng gamit nya at kung pano kami makakapag ipon ng pang delivery dahil sa private hospital ako manganganak. Truly God will provide. Natutuwa talaga ang puso ko at syempre malaking pasasalamat din na responsable ang ama ng anak ko. Paunti unti makukumpleto na yung pang hospital bag nya. Abang abang lang sa 11.11 sale ng shopee at lazada. 😂 #firstbaby #1stimemom
Read moreDito nalang ako mag share since secret pa sa lahat ang pregnancy ko. Ganon pala yung feeling kapag nakita mo na yung ichura ng anak mo sa loob. Ang tagal ko din naghintay.. yung imaginations ko today nakulayan. Tuwang tuwa pa ako nung pinakita sakin ng naka 4D. Hindi pa man ganon kahulma pero napanatag ako sa nakita ko. Sayang lang talaga at hindi makita ng daddy na gumagalaw sya dahil sa pandemic, bawal pumasok sa loob. Itong pregnancy ko naging iyakin ako, simpleng bagay, tutulo talaga ang luha ko pero pinigilan ko umiyak kasi baka mag cry din si baby. Hehe. Ang saya saya ko today talaga kaya lang wala ako mapag kwentuhan. Happy din si daddy sa gender ni baby. Ang laki din ni baby. 25weeks palang sya bukas pero pang 26weeks na yung timbang nya. Need ko na ata magbawas ng kain o dahil sa sweets. Hay. Pangalan nalang kulang anak. Makakaraos tayo, ipag pray natin. Salamat sa pagkumpleto sa akin. #firstbaby #1stimemom
Read more