HIHINGI PO NG PAYO

Hi mga mamshie pa help naman sobrang depress and down na down ako ngayon. Im 36 wks and 5 days pregnant and nahuli ko ung partner ko na nag cheat sakin sa ka work nya. Pinilit ko ayusin tanggapin sya uli pero wala e mas pinili nya ung babae mas pinili nya na umalis at makitira sa bahay ng tropa nya para malayo sya sakin at macontinue nya ung relasyon nila nung babae na kawork nya. Ngayon gusto ko sana ng no contact para mas madali ako maka move on pero kasi wala naman ibang tutulong sakin sa panganganak ko. Apelyido parin nya ang gagamitin ko kasi nakiusap sakin ung pamilya nya pati sya nakiusap din at nag sorry sa pagtakwil sa anak nya, sadya daw na ayaw na daw nya ako makasama sa bahay bata nalang daw habol nya sakin pero hindi na nya ako mahal. I know naman from the start na ginamit lang nya ako. Sobrang attached lng talaga ako at nasanay na sya lagi kasama ko since 1yr kaming live in. I know na kaya ko syang kalimutan kasi ilang beses kona dn binalak na iwanan sya pero naawa ako sa bata. Pero ngayon kasi nabaliktad sya ung nambabae. Ano po ba dapat kong gawin para tuluyan nakong maka move on sa knya😭 Ayaw ko naman dn ipagdamot sa anak ko ung feeling na may tatay😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

It's not a good idea to give your child his last name. Tuwing may need na consent palagi mong hahanapin ang pirma ng ama kung nakalagay siya sa birth certificate ng bata. Kung gusto mo maka move on, wag mo iapelyido sa kanya ang bata. Mas madali buhay mo kung ikaw lang ang nasa BC niya. Pero pagusapan niyo sa barangay ang tungkol sa sustento para hindi siya mag mintis kung sakali magkaron siya ng ibang pamilya. Magkasundo din kayo sa barangay kung ano ang setup nyo for co-parenting. Yun lang ang paguusapan niyo kung sakali magka chat kayo. Do not open up about anything kung halimbawa mangamusta siya about your personal life wag mo ieentertain. Everything you will talk about is just about your kid.

Magbasa pa