38 Replies
iwAn nyo nlng po, dagdag stress nyo lng po yan,ituon mo nlng po sa mga anak mo atensyon mo, ganyan din ung partner ko dati,kung kelan kme nagkaanak saka pa nambabae, yung akala ko nagwowork lng sya sa malayo, my ginagawa na rin plng milagro, kea pla sa twing hihiramin ko cp nya pag umuuwi sya nirarason nya lagi na sira na cp nya, nung minsan nkuha ko cp nya dun ko n nlman mga kalokohan nyang ginagawa, meron syang 3 babae, dinadala nya sa hotel, imbis na ung restday nya samin nya ibigay,hindi, nkikipagkita sya sa 3 nyang babae sa magkakaibang araw para lng maghotel sila, sa mga text nila na ang lalaswa sobrang nkakagigil, nakakababa bilang babae kasi meron nmn din ako vagina, bakit kailangan mghanap pa ng iba, di nmn ako nagkulang,kapag gusto nya khit pagod at puyat ako pumapayag ako,kahit gusto nya minsan araw,araw kami mgsex,cge na, kc nga asawa ka,pangangailangan nila yun, tapos mlalaman ko niloko nya pa ko dahil lng sa sex, sumobra ata sya ng kalibugan..kea hiniwalayan ko sya, walang 2nd chance,kc sa tingin ko di nya deserve, nih di nga sya nagsorry sakin,at pilit na dineny mga kababuyan nya, and now nkahanap ako ng partner n deserve ako, tanggap ako pati anak ko at npka.responsable..5yrs.leave in na kami at buntis ako ngayon 5mons. sakanya..π (sori mahaba na poπ€£)
Hi mommy, nalulungkot ako sa situation mo now, mahirap kasi tlga yung gnyan eh. Pero advice ko lang sayo na sana maliwanagan ka, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan natin maging martyr lalo na kung gnyan klaseng tao.. Base sa nakikita ko hindi ka na nya nirerespeto bilang babae lalo na bilang nanay ng mga anak nyo, buntis ka pa man din pero stress lang ang hatid nya sayo.. Lagi mo tatandaan sis na kung nagawa ka nyang iwan nung una plang kaya nya ulit gawin yun without hesitation kasi hindi mahalaga sa knya ang family. Tska kung family oriented sya hindi sya mkikipaglandian sa iba to the point na kailangan pa nya maglihim sau. Bilang babae masakit yun para sa atin at redflag na yun. Payo ko lang sayo momsh iwan mo nlng sya mag focus ka nlng sa anak mo at pinagbubuntis mo. Hindi ka papabayaan ni lord believe me.. Gnyan din ako sa first father ng anak ko pero now nakakilala ako ng matino. imagine 11years akong naghintay pero binigay sakin ni lord yung taong kaya akong respetuhin at mahalin ng buo.. Time will heal sabi nga nila.. Pero in the process of healing dapat matutunan din natin mahalin at irespeto ang sarili natin. -prayingforyouandyourbaby 7mos preggy mommy here ππ
Maraming maraming salamat po sa mga tumugon sa post ko. Sobrang appreciate ko po lahat ng mga nasabi nyo at pakiramdam ko po lumalakas ako this time. If may nagaask po if kaya ko buhayin ang anak ko, yes po..ako po ay isang public teacher. Natatakot lang din po mahusgahan since isa po akong guro. Yang pic po na yan ay kung paano nya po ako pagsalitaan. Minsan po bobo,tanga,parang walang pinag aralan.,manang mana daw po ako sa nanay ko na hampaslupa. Nilalait nya rin po ang family ko dahil mahirap lang po kami ng makilala nya, ngaun po kht papaano ay nakakaahon na dhl tapos npo kaming lahat sa pagaaral. WFH po ako ngaun at bukod sa nagtatrabaho po ako sa umaga ay magisa ko pong gngwa ang mga gawaing bahay habang nagaalaga po ng panganay ko at sya ay nakatambay sa pinsan nya sa manila at maghhntay ng uwian ng mga servce nya. Nito lang po pinag apply nya pa po ako sa call center na trabaho pang gabi para daw po may dagdag pera kami kht na alam nya na maselan ang pagbubuntis ko. May bleeding po ako sa loob at 3x a day po ang inom ko ng Duphaston. Sobrang nakakalungkot lang po dhl kht siya ang nakauna sakin, mas matino pa po ang trato nya sa mga babaeng gamit na gamit na.
Mamsh, ang hirap ng sitwasyon mo ngayon. π©π’ But here's my say about your situation, oo mahirap ang broken family mamsh at oo kawawa ang mga bata, hindi lang sila pati na rin ikaw kawawa kasi mag isa mo silang itataguyod, pero mamsh mas mahirap ang magpakamartyr. Your kids will understand in the future kung bakit kailangan nyo maghiwalay ng papa nila. Mas mahihirapan ang mga bata kapag lumaki na sila, naiintindihan na nila ang mga bagay bagay at nakikita nila na nag aaway kayong mag asawa. What's worse? what if isa sa mga anak mo pa ang makakita na nambababae ang asawa mo? Trauma yun mamsh. at malaki ang magiging effect nun sa future ng anak mo. Nambabae na sya noon at iniwan ka na nya noon mamsh kahit may anak kayo, kayang kaya nyang gawin ulit yun. Hindi ka na nya nirerespeto bilang asawa, bilang nanay ng mga anak nya, bilang babae. You dont deserve that kind of treatment mamsh. walang silbe ang kumpletong pamilya kung walang loyalty at love. Mas okay na ikaw na mang iwan mamsh. Unahin mo ang peace mo at ng mga anak mo. Virtual hugs! π
mommy,malakas ang kutob nating mga babae. kadalasan tama. minsan lang talaga di natin pinapansin,kasi mas pinipili natin magbulag bulagan sa katotohanan. alam mong niloloko ka ng asawa mo. ang rason mo sa pagsstay sabi mo,kasi ayaw mo ng broken family. tingin mo ba ngayon,hindi pa kayo broken nyan sa lagay na yan na hala sa pangchichix ang asawa mo? oo,walang may gusto ng broken family. oo,hindi lahat perpekto. pero sana alam mo din na hindi lahat,deserve ng second chance. lAlo na yung lalaking paulit ulit nalang ang ginagawang pambababae. ibigay mo ang gusto. makipaghiwalay ka at sabihin mo sa kanya,cge malaya na sya mambabae.magpirmahan nalang kayo sa baranggay at dswd tungkol sa pagbibigay sa bata. maniwala ka. mas kakayanin mo magisa. kesa kasama yang asawa mo na nagbubuhay binata at single. araw araw ka papatayin ng paghihinala,pagseselos at sakit.
ano ba yan sis... ang landi ng asawa mo.. (sorry for my words) alam mo pakatatag ka sis. .di lang para sayo para sa mga anak mo din.. ako simula march nandito nako pinas asawa ko naiwan sa UAE .. arabo asawa ko.. madami din kami pinag dadaanan kaso napagod nako kaya hinahayaan ko nalamg sya sabi ko mahuli ko mab sya may babae papakulong ko sila ay papatanggal ko sa sa work nya.. naiisp ko kasi iyak ako ng iyak tapos sya relax lang doon .. hayyy basta ibigay nya ung needs namin dito at bahala na sya sa buhay nya and i do planning to divorce him sis sa totoo lang .. basta saken iniiisip ko anak ko sis.. ang lalake mapapalitan yan. ang anak naten sila ung buhay naten.. kaya learn how to ignore him sis and masakit kaso kawawa ang baby sa tyan mo pag na stress ka...
agreed ako sayo sis.. tayong mga babae di na uso ang martir sa panahon ngayon.. kaya madaming mga bata lumalaki sila na may problem sa behavior kasi may nakikita na mali sa parents nila o sa paligid nila...
Mommy.. π’ ako nasasaktan for you. Oo, ayaw natin ng broken family. Ganyan tayo mga babae, lalo kung isa ka ng ina, mas pipiliin mo talaga yung makabubuti para sa pamilya mo. Pero Mommy, pls do yourself a favor.. Minsan ka na pong niloko and iniwan.. buti nga nakapag bigay ka pa ng 2nd chance.. pero Mommy this time, choose your own sanity po. Wag nyo hayaan umabot kayo sa point na made-depress na kayo. π For the sake sa kids nyo Mommy, pls choose yourself. You will never be a good mom to your kids kung wala po kayong peace of mind. Pls dont get me wrong, I know you're doing your best pero we really cant deny the fact na darating yung panahon na gusto mo na mag give up no matter how strong you are. π I will pray for you Mommy..
IWAN MO NA PO SYA. hayst may mga lalaki talaga na paself victim pag nahuli mo ikaw pa babaliktarin tayo naman mga girls kadalasan iiyak lang isang sorry ok na ππ. Nasa ganyan ako sitwasyon before mas worst kasi may violence pangkasama subrang tanga ko noon as in! pero nung nawala baby ko nun sa kanya nag lakas loob akong iwan sya kaht kakadischarge ko lang sa hospital nun nag imapke ako at inalisan sya. luckily I found my man subrang laki ngpinag kaiba nila dagdag pa ung fam. nya π ngaun buntis ako at masaya kami nag sasama. so adv. ko sau sis iwanan mo na sya π mas giginhawa buahymo atmawawalan ka ng stress fucos ka nalang sa baby mo at of course sa sarile mo ππ god bless you π₯°
Maraming salamat Sis sa payo mo..yan na rin ang iniicp ko pero laki kc aq na walang ama kaya naaawa ako sa anak ko. Sana makaya ko lahat π
Hi momsh silent reader. Gusto ko tlga mag comment na gusto kong sabihin sa asawa mo. Isa syang napakLaking tanga, gagu, wlang respeto sa babae, kala mo wlang nanay. Sya pala nakauna sayo tapos tapos makatrato sayo wagas.. Momsh wag mong intindihin ang ssbhin ng ibang tao sayo atleast wla kang ibang inaapakan ng ibang tao. Ang important don eh kaya mo buhayin mga anak mo and then be strong πͺ lalo ngayon buntis ka. Mhirap isipin kc asawa mo nagloloko pero isantabi mo muna. Ang isipin mo ang klagayan ng baby mo lalo nasa sinapupunan mo pa sya. Dahil same kayo kumukuha ng lakas ng loob... Pray ka nlng mommy's GOD is GOOD.
Kagaya ng sinasabi ko sa mga kaibigan kong babae na ganyan, hindi ka mommy nabubuhay sa tam*d ng asawa mo. Babae ka kayang kaya mo gumawa ng paraan para maibigay ang pangangailangan ng anak mo. Iba na kasi pag ang pambabae eh, lagi lang kayong magtatalo hanggat d sya nagiging open ulit sayo. Isipin mo ano bang mas makabubuti para sa anak mo lumaki sya na kasama nga daddy nya eh puro away at makikitang ganyan ang daddy nya or lalaki ang anak mo na ikaw lang ang nagpapalaki na may magandang environment? Madaling magsabi para sa amin na iwan mo na pero nasasayo pa rin ang desisyon.
True, di ako magdadalawang isip na makipag hiwalay. Di bale ng maghiwalay kami kesa naman patayin ko sarili ko pag nagkapost partum pa ko sa pinaggagawa nya. Mas kawawa ang anak ko pag may nangyari sakin. Pwede pa naman sya magpakaama kahit hiwalay sila mag asawa.
Anonymous