Hello mga mommies..pahingi naman po aq ng advice para maenlighten po ako..😔

3months postpartum po ako..hindi ko alam qng may kinalaman ba ito sa recovery process ko pero nhhrapan po kc aq ngaun magisip. Wala po aq mapagkwentuhan ng sitwasyon ko dhl ayoko po muna sana iopen sa family ko. Last wednesday po kasi binlock aq ng mister ko sa fb, reason nya is dahil wala daw po aqng tiwala sa knya. Puro daw po aq hinala sa knya na baka may iba xa. (May past history po sya ng cheating at iniwan nya po kmi ng anak ko nung 2yrs old pa lang xa para sa ibang babae) Nagtanong po kc aq sa kanya kung may contact pa cla nung dati nyang kabit dhl nagawa nya ipakita sa kaibigan nya nuon ung pic ng dati nyang kabit. Laking gulat ko kc na makita ko ngaun lang na same pala sila ng company. Nahuli ko din kc xa one time na finollow nya sa tiktok ung babae at nagmsg xa ng kamusta. Mukhang single npo kc ulit ung babae, open kmi ng asawa ko sa fb not until lastyr na magbuntis aq ay nilihim.na nya lahat ng social media accounts nya. Even cp po ay hnd na pinahahawakan sakin. Nabasa ko po sa email nya na pinaaalis nya po ang allotment sa atm na hawak ko. Dko po alam ang dapat ko gawin ngaun dhl binlock nya po kmi sa fb at 3days ng hnd po nagmmsg, ang huling msg nya po sakin ay maghiwalay ndaw po kami at alagaan ko daw po mga bata. Kasalukuyan po syang nasa barko at nakitaq sa post ng dati nyang kabit na nakasampa na rin ung babae. Nakita ko rin sa email ng mister ko na nagpapalipat sya sa ibang barko. Hindi npo sya nagpaparamdam sakin ano po ba ang dapat kong gawin? Mali po ba aq na naghinala aq kaya xa nagalit dhl paulit ulit daw po aq na nagtatanong sa knya?mali po ba aq na nagdedemand aq na ibalik sa dati na alam namin mga accounts namin? Inalis nya na kami sa fb nya at pang binata npo ang itsura ng account nya. Nahihirapan po aq makatulog kakaisip po sa biglaang gnwa nya. Mga momsh pahelp naman po.. Ps. Public employee po aq at soon babalik na rin sa work aftr ng maternity leave ko..salamat po sa mga tutugon..help po mga mommies 😭😭😭

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Very wrong sya na alisan ka po nya ng allotment lalo’t married kayo at may mga anak po kayo. Pwede po kayo magfile ng kaso sa kanya paggagawin talaga nya yan. Mahirap po talaga pagLDR. Di din naten masabi ba stress din si mister mo sa barko kaya ka nya binlock. Syempre pagfree time gusto din nila makarelax at makarinig ng positive galing sa family nila. Di po kayo masisisi if magduda man kayo dahil may history ng panloloko pero for me, lalo ngayon, di nyo po dapat sinasayang ang panahon at emosyon nyo sa mga negative na bagay. Ituon nyo po ang attention nyo sa baby nyo kase mas kelangan nyo po nag isa’t isa. Be firm na lang ke hubby na pwede mo sya ipadeport pagtatanggalan nya kayo ng allotment kase responsibility nya un bilang tatay at asawa.

Magbasa pa
Related Articles