403 Replies

sana po next time hindi nyo hinahayaan paabutin sa ganyan ang rashes nang baby mo dahil mahapdi na po yan. sobrang lala na po yan. di naman siguro basta biglang ganyan na agad kalaki yung rashes nya dapat kung may nakikita ka nang mali kahit maliit palang o problema konsulta agad sa expert. wag po kayo basta gamit nang gamit nang kung ano anong sabi sabi better na pacheck nyo nalang po. wag po kayong umasa sa mga mura o tipid tipid pero ganyan naman po ang kinalalabasan.. nakakaawa si baby, halos buong bum na nya namumula. wag nyo po muna pasuutin nang diaper. and wag nyo antayin na mapuno yung diaper bago palitan para lang makatipid kase minsan jan nag sisimula. and double check po yung mga products na ginagamit nyo, starting sa wet wipes and diaper baka di hiyang o mumurahin pero masama naman sa balat nang bata. sana gumaling agad yan.🙏😥

Sana mommy noong start palang yong rashes nya nag isip ka na anu cause at noong feeling mo di nagaling sa gamot na nilagay mo sana dinala mo na sa pedia pinaabot mo na ganyan kalala yong rashes nya kawawa siya. Try change ng brand ng diaper baka di siya hiyang jan try huggies dry or mommy poko baka mahiyang siya. Tapos sa gabi mo lang muna siya diaper pag daytime use diaper cloth or lampien para every wiwi nya mapalitan mo agad di mababad ang pwet nya. Tapos hwag muna gumamit ng wipes gamit ka lang lukewarm water at cotton every wiwi nya linisan mo tubig hwag mo hahayaan na basa anv pwet nya kasi ang pinaka magandang gamot pag rashes is pahanginan mo yang parte na may rashes at di nababad sa wiwi.

Use cotton and warm water lang po mommy ganyan ginagawa ko sa baby ko..And hanggat maari wag muna po ipdiaper..kawawa naman si baby ang hapdi nyan once na iihi sya mamsh ..Dapat po kada palit nga diaper check nyu po muna para hindi po umabot sa ganyan ..Use lampin na po muna .Meju hassle nga lang sa paglalaba pero mas okay pa rin sya kasi kahit papanu komportable si baby.Baby ko po 1 year old na bihira ako gumamit ng wipes if ever lang na aalis..Saka pag dito lang nman sa bahay nakashort lang sya panay ihi panay palit din ako pero okay lang din kasi para sa baby ko naman ee..Lalu na ngayon lockdown tinitipid ko diaper nya kaya sa gabi lang tlga nagdadiaper

Grabe☹ sobrang sakit niyan. Dapat wag magpapahid ng kung ano ano ng hindi nirereseta ng pedia niya. Baby kasi yan eh. Mas magandang nagtatanong sa pedia. Fungal na yan sa tingin ko. Pero ask mo sa doctor niya sila ksi ang mas nakakaalam kung ano dapat gawin jan. Kung hindi hiyang ni baby yung diaper palitan agad at mas mabuting wag ng gumamit ng baby wives ksi hindi siya advisable sa baby may mga baby wipes ksi na hindi maganda mas mabuting maghugas na lang buhusan ng tubig gamit tabo or sa gripo na lang. Ganyan ginagawa ko sa baby mo. Minsan ksi kapag baby wives hindi nalilinis maige ayun pa nagcacause ng irritation kay baby.

Wipes* po hindi wives

VIP Member

naku mamsh hindi nyo dapat pinaabot ng ganyan ang anak nyo sa konting rashes lang dapat binilhan nyo na ibang diaper cream marami po pagpipilian magtanong lang sa pharmacists at i practice po na kung nasa bahay lang naman water cotton at baby bath ipanghugas sa pwet ng baby please po wàg nyo na muna i diaper sa gabi na lang kasi baka mainfection na baby nyo sa lala ng diaper rash nya. Ako po apat na naging anak ko mura man o mahal ang diaper once mag poop o palit ng diaper automatic hugas po yan lalo sa gabi bago matulog kahit hindi pa puno diaper nya pinapalitan ko na. Please po patingnan nyo na yan kawawa ang bata.

Ouch. 😢 grabe naman Mommy ang sakit nyan para kay baby im sure nag iiyak sya dahil dyan lalo kapag nabasa ng ihi mahapdi yan. Baka di rin po sya hiyang sa diaper Mommy pwede nyo po palitan. Lagi po water at kunting liquid soap panligo nya ihalo sa tubig kapag naglilinis gamitin ang cotton everytime na magchange ng diaper. Sa baby ko po Petrullium Jelly yung Vaseline ang tatak so far kapag may rushes kunti pag nilagyan k nawawala naman sya agad. Try nyo po lahat yung suggestion ng ibang Mommy kung saan sya hiyang kasi minsan hiyangan lang din sa skin ni Baby. Pagaling ka Baby 😊

Kung nasa bahay lng nman sis wag mo n gamitan ng baby wipes,much better kung hugasan mo sya then sabunan w/ mild soap.patuyuin mo muna bago mo lagyan ng diaper.then try to change her diaper bka d sya hiyang..baby qkasi napansin q nung baby wipes gamit q d n sya nawawalan ng rashes pero d nman ganyan kalala..lahat n yta ng over the counter n pang rashes n try qna..but isa lng tlaga nkgaling s rashes nya..ito organic online q binili,nag try aq bka dto mawala ung rashes nya..at d nga q ngkamali...so far wala ng rashes baby q every 4 hours dn palit ng diaper nya..God bless❤️😊

sa diaper yan sis.. palitan mo... try mo din yong drapolene.... calmoseptine lang gamit ko... hindi nga lang biglaan nwala rashes ng baby ko pero naagapan ko kasi siguro one day lang nag ganyan next day hindi n namamaga then every palit ng diaper lagay ng calmoseptine... usually mga 2-4 times a day... change diaper din ako.... ngayon ok na hindi n nagkakarashes though nilalagyan ko p din ng calmoseptine manipis lang for sure na hindi n babalik rashes ng baby ko... kawawa kasi.... kailangan laging dry yong nappy ng baby ko para gumaling yan rashes nya.....

Oh my gosh! Can you tell us bakit naging ganyan? Nag rashes baby ko before but not as bad as that and i tried several over the counter meda and di effective. Then i tried this. Bery fast ang healing and very effective sya. Advise lang, please dont let ur baby wear or suot diaper muna. Kailangan ng balat nya maka hinga. Kasi kapag naka diaper mag mo-moist yan. Mas matagala ng healing. Lampin muna ipa suot nyo and as a mom or parent tiis muna sa kakapalit. Pahanginan nyo din kahit mga 15 mins. Ung walang naka takip. Masakit yan for the baby

Landmark or sm dept store. Sobrang mura lang yan. P149 ata. Cant remember.

TIP KO BILANG NARANASAN NA YAN NI BABY KO. KAPAG MAGPAPALIT NG DIAPER, MALIGAMGAM NA TUBIG MEDYO MAY WARM KANG MARARAMDAMAN IBULAK MO IDAMPI DAMPI MO SA PWETAN THEN I AIRDRY. PAGKATUYO, BAGO LAGYAN NG DIAPER USE DRAPOLENE CREAM. I ADVISE TO USE PAMPERS BABY DRY, AND MAYAT MAYAIN MO ANG PALIT. MEDYO MAGASTOS SA DIAPER PER OKS LANG PARA HANGGANG SA MAWALA LANG ANG RASHES, KASI KAPAG LAGING WET ANG BALAT. MAS MASASARAPAN ANG BACTERIA KAYA MAYAT MAYA PALIT DIAPER.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles