Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of 1 sweet little heart throb
PediaSure 1-3yo
Mga mommy, sino po dito may sample pack na pang 1-3 year old. Ipatry ko lang sana sa baby ko kung magustuhan.
Advise naman mga mama!
Pinatry ko kay LO ang Lactum last night kasi. Ayaw niya umaacting siya na parang nasusuka. Kaya di ko na tinuloy, binigyan ko na ulit siya ng old milk niya na Enfagrow. Ngayon ayaw na niya dedein hanggang ngayong umaga. Waaaah. Nasstresss ako. Tapos ayaw din kumain masyado. LO will turn 2yo on December
Cloth Diaper
Paano po ba gumamit niyan? 1. Kailangan ba talaga may "insert pad" siya na nasa loob? May nagregalo kasi sa baby ko yung diaper lang mismo pero may nababasa ako na may pinapasok pa siya sa loob. 2. Tuwing kelan dapat siya pinapalitan?
Aquafresh Milk Teeth Toothpaste
Saan po ba nakakabili nito? Para sa 16 months ko na baby. Hindi ko pa kasi siya nagagamitan ng toothbrush. Start ko na sana. Saang supermarket po meron? Taga Tondo, Manila po ako.
House Suggestions
Ask ko lang kung binabaha ba sa San Jose Del Monte? Maganda ba dun kumuha ng bahay?
Teeth Routine (16th month)
Pwede na po ba toothbrushan ang baby ko? Bimpo lang kasi ginagamit ko kapag tulog siya. Ayaw kasi talaga niya ipatouch ang bibig niya. Tsaka kung pwede na, meron bang toothpaste na pwede malunok? Hindi pa kasi to marunong magspit.
Milestones (16th month)
Share ko lang mga nagagawa na ni baby. Natutuwa kasi bilang first time mama. 1. Marunong na niya sabihin kung pano ang mga sounds ng dog, cat, snake, monkey, horse, frog. At monster. Hahaha! Kapag may nakikita siyang worm sa CR namin, sasabihin niya "tsssss" yung tunog ng snake. Hahaha! 2. Recognize na niya kaming lahat dito sa bahay. Kapag tinanong kung nasan si ganto, ituturo niya. Pero yung word na "Laica" palang nababanggit niya, tita niya yan pag tinatawag niya "kaka" lang sinasabi niya. 3. Kapag may nakikita siya aso at pusa sa labas. Ituturo niya sabihin niya cat! Dog! 4. Alam na rin niya kung saan ang kanyang eyes, nose, mouth, teeth, tongue, hands and titi. Hehe 5. Kapag tinanong mo kung nasaan ang mga basic na gamit namin sa bahay " aircon, electric fan, remote, ceelin, cellphone, light. Ituturo niya yan. 6. May tindahan kasi kami, kaya kapag may bibili nh softrinks plastic bottle or zesto. Ako kukuha sa ref tapos sinasabi ko "nak, please give it to lola". Ayun marunong na siya sumunod. Iaabot niya. 1 time, sabi ko get siya ng sabon sa tindahan, kumuha siya ng tide bar. Hehe. 7. Kapag lalabas na kami ng kwarto buhat ko na siya, automatic yung kamay niya ialalgay niya sa switch on off ng ilaw, siya nagpapatay. Marami pa. Hindi ko lang mailagay na. Hehe.Feeling ko ang tanda na niya!
Daily Routine (16th month)
Hi mamshies! Okay lang ba itong routine na ginagawa ko kay baby. Naiirita kasi ako sa father in law ko. Bakit daw laging pinatutulog. Eh gusto ko patulugin para tumangkad dahil parehas kaming hindi mataas ng asawa ko. 7am: wake up 8am: breakfast 9am: bath 10am: sleep 12:30pm: lunch 2pm: sleep usually until 4pm 6pm: dinner 7pm: bath Then after bath, dim light na. Hele ko na para magsleep. EDIT: Hindi lang po nakaindicate ang playtime. Everytime naman na gising siya, naglalaro po kami. 1 year old palang po anak ko. Hindi naman po siya 3 year old na pwede nang magkaroon ng strict hour sa playtime. Hindi ko po napipigilan ang baby ko na hindi maglaro basta gising siya.
15 month old
Okay lang ba na hindi marunong pa kumain on his own ang baby ko? Lagi lang kasi siya sinusubuan. Tinatry ko lagyan ng plato sa harap para kumain mag isa. Ayaw niya, oara siyang nandidiri hawakan yung food.
Coffee Vendo Machine
Help momsh, sino dito may vendo machine coffee? Ano po maganda brand? Para may negosyo me. Huhuhu.