Community Lockdown

Good morning po. May I ask if paano po yang may Community lockdown at isa lang dapat may quarantine pass. Paano po kung kailangan talaga lumabas like magpapacheck up or kailangan na itakbo sa hospital ? Paano po yun ? Worried na ako kasi 1 week na lng due ko na . Wala ako masyado alam about sa lockdown . Salamat sa makakasagot. Please help po.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh kapapanganak ko lang 6days ago, and yan din ang pinopoblema ko nun, 27 pa sana due ko, napaaga lang. So ginawa ko nun, Tumawag muna ako sa papaanakan ko which is public hospital sya, outside ng city namin, and panatag kasi ako dun, dun ko pinanganak panganay ko, sabi sakin ng OB if normal delivery ka naman, if may sign na ng labor, saka daw po pumunta pero dahil nga under quarantine sila, di sila tumatanggap ng followup checkup at kung maari lang daw, sa malapit nalang daw or sa mga lying in manganak. Pero sa sitwasyon ko, napaaga pumutok panubigan ko, madaling araw pa naman, una namin pinuntahan is pinakamalapit na hospital samin, 3cm wala silang gamit for baby ecg, then ayaw kami ihatid ng ambulance nila, so no choice kami, dun talaga bagsak namin sa hospital na prefer talaga namin, yun nga lang pahirapan sa masasakyan kaya dapat may ready kang service, ayun nakalusot naman kami sa checkpoint, sinabi lang namin na maglalabor na ko. Pero dapat ready mo mga patunay na documents mo. Ps. Mag mask kayo.. and madala ng alcohol.. 😊

Magbasa pa
5y ago

Ps. 30 minutes, swertihan nakahanap kami ng taxi, papuntang hospital.. pahirapan po sa masasakyan kaya better mangontrata kana po Pati sa pag uwi nyo po.