Bukol sa dede na namuong gatas, na-experience nyo rin po ba?

Hi. Good day po! I'm a breastfeeding mom and first time mom rin po. I need some advice po regarding sa namuong milk sa right boob ko. Nagkaron kasi ng bukol and masakit na sya, hina-hot compress ko na ngayon and hindi pa rin po lumalambot. Ganun pa rin po ang status. Matigas pa rin. Pinapadede ko pa rin po yung baby ko since milk naman po ang lumalabas and wala namang kasamang blood. Na-experience nyo na rin po ba to? Ano pong ginawa nyo bukod sa hot compress and massage?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

9monthsEBFmomhere.. yes na experience ko din yan kasing laki pa ng Kamao super sakit Pero tiis lang talaga kelangan mo mapalatch Kay baby yan.. hotcompress-massage-latch Pag tulog si baby mag hand express ka din .. sa paglatch Kay baby dapat change position ka.. effective din daw pampawala ng Bara sa milk duct yung Sunflower Lecithin Pero d na ko bumili niyan bumabanat nalang ako Kain ng sunflower seeds😅.. dapat mawala yan bukol mo para hindi mauwi sa Mastitis.. may Ishare ako ngapala sayo effective din sa akin Pero dapat may silicone milk catcher ka panuorin mo eto: https://youtu.be/tRg0N0z1FXI anyway kung hindi pa rin talaga mawala mainam paconsult ka sa mga Lactation Consultant.. Sana member ka din ng mga breastfeeding groups sa FB madami ka matututunan doon.. Godbless

Magbasa pa

Maligamgam din panligo mo mi, buhusan mo ng buhusan boob mo, tas hot compress pa din, basain mo bimpo ng warm water tas palibot mo sa boob mo, tas padede mo agad kay baby, pag hindi nauubos milk mag pump ka, tas pag hindi pa rin talaga masimot yung milk kay hubby mo padede. Dapat kase maubos talaga yan, nagkaganyan ako 3days ata parang bato yung boob ko, sobrang sakit, hindi madede ni baby

Magbasa pa

Breast engorgement ito mommy. Had it twice. Take a warm bath, then yung hot compress wag directly sa breast, sa likod mo sya lagay ng affected breast while massaging it. Mejo masakit pero need mo tiisin otherwise pwede sya mauuwi sa mastitis kapag hindi na alis ung mga buo buo. Pump or ipa-unli latch Lang Kay baby.

Magbasa pa
VIP Member

OPo! mastitis tawag Dyan... sa akin, na admit talaga Ako Kasi gumawa Ng dalawang butas yong namuong gatas . cause Nyan daw is having early breast milk at maliit butas Ng nipple... 4 days admitted Ako then 4 months out patient... stay safe Po, kapag masakit wag mo ipagpatuloy breastfeeding...

2y ago

Warm compress and manual extraction ng milk.

hot compress, massage at hand express mo po. . ako nag hahand express habang naliligo pag may ganyan ako. . makirot. pero pag nakikita mo unti unti nalabas yung lumapot na gatas. nakakaginhawa naman. tuloy lang din padede kay baby 😊

sakin almost. . mina massage ko ng pa dahan dahan parang manual compress peru gamit ang kamay ko press lang dahan2 para lumabas yung milk na na stuck sa loob. yung na drain na lahat ayun nawala na yung sakit. kinabahan talaga ako

lagi mo ihotcompress. pati pangligo mo dapat warm mi. kasi pag yan di pa nawala delekado. nagiging mastitis po yan. na kapag walang malabasang butas yan sya mismo gagawa ng butas at dun lalabas. kaya dapat matunaw po yan

TapFluencer

hello po. nagkaganyan din ako pero nawala na. ligo ka sis maligamgam tapos lagi ka padede kay baby. 😊. massage mo din ang ginagawa ko dahil sa kili2 sya pababa an massage ko. habang nagpapadede kay baby.

Thanks so much po sa mga advices and response. Nadaan po sa hot compress and massage, saka direct latch kay baby. Nawala na po yung bukol or yung namuong gatas. ☺️

Sakin po hot compress, massage and literal na milk shake as in hahawalan ko dede ko at aalugin ko po siya, effective nmn sakin, pero pacheck up ka nlang po pra sure