40 Replies

Umiinom po kayo tubig ng buko.. Every morning po gamot un sa UTI saka po sabaw ng nilagang mais isama nyu po ung buhok ng mais sa paglaga.. Ganyan po ako s first bb ko minsan mai kasama ng dugo ihi ko tas ihi ako ng ihi halos d po ako makatayu saubrang sakit tas prang ihing ihi ako lage pagpunta ko cr tulo lng lumalabas.. Un lng po gamot ko takot ako sa antibiotics

Sis hnd naman irereseta ng OB mo yan if delikado. 8weeks ako nun nagka UTI at ininom ko antibiotic kasi mas delikado if lumala yang UTI mo kaya isang beses lang ako nagka UTI dhil sumunod ako sa OB ko for our safety ni baby at wag matigas ang ulo. Healthy ang pregnancy ko nun at thanked God healthy din baby ko. So wag ka matkot as long as OB mo nagreseta.

Hindi po kayo reresetahan ng ob nyo ng antibiotic na makaka HARM sa baby nyo! Natural alam nya yun .. Ako din nag anti biotic ako before.. Mas pinalala nyo lang po sitwasyon nyo yan ang mas makaka harm sa baby mo.. Alam po ng ob ang bawal at hindi. Sundin mo lang po sasabihin nya.. Ikaw po san ka maniniwala sa ob mo or sa nanay mo..yan tuloy mas lumala pa UTI mo.

VIP Member

Ako po nagkaroon ng UTI nung first check up ko 3months preggy na ako binigyan ako ng OB ko ng antibiotics after ko maubos yun next check up ko tinest ulit kong may UTI pa ako mabuti nmn po at nawala na agad .Kasi ang bilang lng nmn nun 4-8 nung naging normal na 2-4 nlng.Iwasan nyo lng din po kumain ng maalat at wag magpigil ng ihi.

5months preggy po ako nung nalaman ko may UTI ako ranging 20-25 Pus Cells. Si OB ni resetahan po ako ng 1 sachet ng iniinum para sa UTi, 1 doze lang po un. Xempre sinearch ko po din bago inumin to make sure na safe.. 1 week after nagpalab ako, normal na PUS CELLS ko po.. Trust you OB po and pray palagi😊😊

Thanks po sa advice. 🙂

VIP Member

Dapat ininum mo yung antibiotics na prescribed ng OB mo sis. Safe naman yun sa buntis. Di din sila mag prescribe nyan kung kaya naman na daanin sa tubig pero pag mataas ang bacteria need siya antiobiotic at least for a week. 2 months pregnant din ako nag antibiotic ako for a week due to UTI at ngayon okay na.

NagkaUTI din po aq during pregnancy sobrang hirap at sakit po kc may infection na Kaya advice k po sau inumin m po kung ano ung nireseta ng OB mo safe po Yan kc alam nila kung ano ang nararapat nting inumin. Then is a Pa po inom ka po ng sabaw ng buko ung fresh walang halo n asukal mainam din po yun sa UTI..

Same sis. 15 to 20 pus cell ko neresetahan ako ni ob ng antibiotic 3x a day,37 weeks na ako nun. Iniinom ko sya sis and then buko juice every morning pinaka breakfast ko, tapos tubig ng tubig lang and then 38 weeks sakto lumabas si baby awa ng diyos no any complication. 1 week ko lang ginamot sya ginamot.

Wala ka pa bang kain niyan momsh pag inom mo sa breakfast ng buko juice? Kelangan ba talaga is ung natural buko juice?

VIP Member

hello po , nag ka UTI din ako sa first baby ko , niresstahan din ako dati ng antibiotics ng OB and for 1 week nwala n din agad, then more water and fresh buko juice lang po ininom ko. 4 yrs old na anak ko ngayon mommy and super talino :) 🙏❤️ pray lang po mommy mwawala din yan

Same tau sis. 1month plang tyan qu mataas n uti quh. Peo nag fallow po aqu s binigay n gamot ng OB qu. 1week lng nman po pinainom skin then alaga n lng po aqu water at fresh buko.. umiwas dn po aqu s maalat. Mejo okey n aqu now. More on wiwi n tlga aqu every wiwi 1 glass po ng water.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles