Gaano ka-kulit ang mga anak nyo?

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sobrang kulit din, which I know is normal for toddlers, andami nya laging tanong. Pero if I compare it to other kids when we're outside, masasabi kong ung kakulitan ng anak ko ay hindi naman katulad sa iba na talagang nakakagalit na to the point na talagang gustong saktan lagi ng magulang nila.

Sobrang kulit na ng 3-year old ko na minsan nakakawala din talaga ng pasensya. But I try my best to keep my cool. Grabe, minsan talagang hindi makikinig sayo tapos kung ano pa ung sinabi mong wag gawin, un pa ang gagawin. But he's a super sweet boy. May tantrums lang minsam.

Panganay ko sobrang kulit, 4 yrs old xa, sobrang hyper niya,diko masabayan, lalo na sa gabi late na siya natutulog,dahil sobrang active parin niya kya minsan tinutulugan ko na, minsan ang hirap niya sawayin kaya minsan naiistressed din ako kakabunganga sa kanya.

nag iisa lang anak ko pero parang may 3 ako alagaπŸ˜‚ yung tipong lahat ng sasabihin mong advice sa kanya o pananaway e gagayahin lang nya. Jusko super hyper!!! Hahaha pero ok na din kesa may sakit diba kaso nakakapikon na din minsanπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Hindi ko maexplain kug gaano kakulit pero hindi naman whole day e nangungulit sya. I guess it's just part of this stage na toddler sya. There are times na nakakawalang pasensya din pero I try to calm myself every time. Hehe

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-18420)

. Ay naku super saken Honestly nga sinasaktan ako ng anak ko.. Short temper talaga siya pag tinopak hayst pero Good side naman super sweet niya pag trip niya. Parang Bipolar lang hehe.

Super Mum

On a scale of 1-10, and 10 being the highest. I will give 11 kay LO. Super kulit as in napaka hyper lalo na ngayong nasa toddler stage at terrible two stage na. πŸ™ˆ Baby boy pa naman.

Super Mum

10/10. Pagod na kameng mga nagbabantay pero sya full energy pa rin. Minsan nagtataka na ako san nanggaling ang energy sa maliit na katawan ng 16 months old πŸ€¦β€β™€οΈ

Super hyper, wala pang one year old. Parang ninja baby girl ko, akyat ng akyat, gapang pa more, susuot lang ng butas na kasya sya... Di pwedeng walang bantay baby ko