Praning at sama ng loob (Sorry po dito ko nakwento baka po kasi gumaan loob ko)
Ftm po. Sana matulungan nyu po ako. 10 days old palang po si baby namin. lagi po sya kinukuha ng byanan ko saamin. Alam ko po sasabihin ng iba na swerte kami kasi may katuwang kami sa pag aalaga ky baby pero yung halos hidni na po namin nahahawakan mag asawa si baby. nahahawakan ko lang po sya pag mag papadede pag tapos nyan pag narinig na ng byanan ko kukunin na kaagad saakin. sobrang sama po ng loob ko sakanya. kasi pinapamukha nya po saamin ng asawa ko na sya yung hinahanap ng baby kasi napapatahan nya. Naiinitindihan ko naman po na first apo nya yung baby namin. kaso parang sobra na po talaga. kasi hanggang sa gabi po katabi po namin syang mag asawa sa kwarto namin. halos wala po kami privacy kahit sa gabi nalang sana saamin naman yung baby. masama din loob ng husband ko sakanya kasi imbis na yung husband ko at ako yung katabi ng baby sa pag tulog sya pa rin. pag kinukuha rin ni hubby si baby puro sya reklamo na baka ma pano daw si baby. Tsaka sinasabihan po namin sya na wag sya karga ng karga kasi baka masanay. yun na nga nasanay ng lagi kinakarga yung baby namin. konting galaw lang ni baby karga nya na kaagad. pati sa pag tulog kayakap pa nya. Eto na po talaga yung kinababahala ko po baka pag nag tagal po hindi ako makilala ng baby ko ? Patulong naman po. Sobrang napapraning na po talaga ako?
Hahaha. I feel you momsh ganyan na ganyan din scenario ko sa panganay ko pero hndi na nilang unang apo. Sa inlaws ako napatira buong maternity leave ko tapos si hubby weekly lang din umuuwi. Weekly na nga uwi ni mister kasama din namin yung inlaws ko sa kwarto. Kada madaling araw din kinukuha sa tabi ko si baby kahit kasarapan din ng tulog ng bata. Nakakaimbyerna din talaga. Papaligo si mil din halos ayaw ibigay sken, inlaws ko din nagdecide na huwag na magBF kasi babalik naman daw ako sa trabaho sabayan pa ng ppd. Edi ayun solusyon talaga jan bumukod. Mahirap sa simula pero makakapag adjust din kayo mag asawa.
Magbasa paHehehe! Parang nakita ko naman yung sarili ko sayo mommy way back 2012. 1st apo din kasi nung biyenan ko ung baby boy ko dati and sakanila din kami nagstay nun dahil pareho pa kami nagaaral nung hubby ko. Ganyan na ganyan din ung MIL ko except naman dun sa katabi namin sya matulog. π Naiinis din ako before pero hinayaan nalang.. sobra nya lang cguro love ung baby ko and ngayon preggy po ako ulit baby girl naman, 1st baby girl na apo din nila kaya for sure, alam na! π pero nakabukod na po kami. π
Magbasa pamommy ang swerte mo po kasi may katuwang ka mag alaga ng baby mo, mainam po na magpahinga ka mabuti para maalagan mo na si baby with all your powers. π ako po kasi nun halos mabaliw hindi po kasi ako natulungan ng parents ko. alam mo mamsh the best way to be woth your baby palagi, i breast feed mo po sya, para sayo lang nakadikit lagi si baby, at ikaw lang ang kailangan nya. πππ
Magbasa paOkay naman yun may katuwang sa pag-aalaga but to the extent na katabi din nila matulog yung MIL? Parang sobra naman na yun.
Try nyong magusap ng masinsinan ng biyenan mo. Mahirap kimkimin lahat sa loob eh para din malaman ng biyenan mo na kahit appreciative ka sa actions nya gusto mo ding maenjoy at maranasan ang motherhood. Wala naman masamang sabihan yung biyenan mo nang nga gusto mo para sa anak mo cguro naman maiintindihan ka nya basta mahinahong usapan :)
Magbasa paMay point naman pero diba sis mas okay bumokod na lang kayo ng asawa mo para wala na masyadong diskusyon? O ikaw lang ba nagdedecide?
Mahirap yung papagawa ko saβyo, but try to be grateful about it. I know nakakainis, but turn the negative thoughts around. Mas ok na happy thoughts than stressful thoughts. And if you really canβt stand her, bumukod kayo.
Your child your rules. Bakit ikaw ang mahihiya anak mo yan. Pag kukuha in pwede mo tanggihan in a nice way. Sabihin mo OK lang po samin muna siya. Pag nag insist ulitin mo lang din wag ka papadala. π
Maraming salamat po ha. naiiyak po ko lagi pag kinukuha nya saamin. tsaka pag hihiramin na ayaw ibigay
Why not let her? Gawin niyo na din katulong para masulit. Para alam niyang pinapasok niya.. Utusan mo. Ganern. Nagpapapapel siya. Eh di bigyan mo ng papel. Tignan mo. Siya ang susuko.. βπ just saying.
Magbasa paHahahahaha tapos magrereklamo sa inyo pag nagkasakit si baby, sa inyo sisi. Kahit siya naman nagbabantay. Ayan yung ayaw kong marinig sa magiging byenan ko. π
Magaan pa kasi ... kapag bumigat yan baka hindi na buhatin hehehe. Pero I feel you na kapag konting galaw lang ni baby kukunin na , naiinis ako at napapaisip. Pero ngayon na naiintindihan ko naman sila π
Siguro talagang masaya lang sila sa first apo nila? Magsasawa din sila kapag nahihirapan na. For now kasi Momsh madali pang alagaan ang baby mo. Kapag nasa 3mos na yan ibibigay na yan nila sayo.
Sana nga po huhuhu.
Try nio muna kausapin MIL mo.. kayo mismong magasawa.. di maiiwasan ung magtatampo pero need tlga nyan kausapin.. mahirap din kasi yan wala na kayong privacy mag asawa..
1st time mom