Am I a bad person?

Hi mamshies. Please let me rant. Diko alam kung bakit pero kasi naiinis talaga ako sa tatay ng asawa ko. I hate it pag kinukuha yung baby ko. 1 month palang baby ko. Alam ko naman na sabik na sabik sya magka apo pero wtf. Sana ayusin muna sarili nya. Magyoyosi sya sa loob ng bahay. Pag kukunin nya si baby, lagi nya pinipilit matulog kahit ayaw ng bata. Buong gabi naman natulog si baby. And worst, lalagay nya sa duyan. Yung duyan ni baby yung kumot lang. Naiinitan sya. Pinagpapawisan sya kahit na naka electric fan. Alam ko naman nagkaanak na sya before, so alm nya gagawin pero ako yung nanay. Alam ko din naman kung ano makakabuti and gusto ng anak ko. Kaya tell me, pangit ba na ayoko hinahwakan nya anak ko? Panget ba n pinagdadamot ko anak ko sa kanya? Ayaw pa ksi magbukod ng asawa ko ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First apo po ba? Baka po sobrang nagagalak lang talaga si Tatay. Para bang gustong gusto nya ang apo nya... may mga ganong lolo. . siguro need lang i-educate si tatay.. wag ka muna magalit without doing something about it... when you educate din, iwasan mong magalit ... idaan mo sa mahinahong usapan and remind tatay na no karga after smoking or no smoking na muna sa loob kasi bad para kay baby... sabihan mo husband para hindi lumabas na kontrabida ka... dapat anak nya magsabi sa kanya... ang husband mo naman as the son and father ng baby nyo, dapat nasa isip nya yan...

Magbasa pa

Kami ng jowabels ko dito sa amin naka tira. Dito sa bahay walang mga vices mga tao pag dumadalaw kami sakanila which is very bihira like once or twice a year lang *QC kami, Caloocan lang sila* Si jowa na mismo nagsasabi sa papa nya na wag magsmoke or wag hawakan after smoking. Mas mahal ni jowa ang baby namin. In a good way naman approach namin para di ma offend. Mag maldita ka rin momsh minsan, anak mo yan eh.. dugo at laman. Walang pakealamanan on how to raised or kung paano tayo maging OA sa pagpapalaki.

Magbasa pa

That will pass, the inis I mean. I used to be like that to my husband's mom, husband ko kasi nag aalaga sakanya. Pinipilit nya yun ways nya na outdated na. What I did was I talked to my husband about it. I told him the things I didn't like tapos sya nag sasabi sa mom nya. Now that my daughter is 9 months old na, I appreciate all the help she has given the first few months. Looking back, I realized na although mali yun ways (since outdated nga), she meant well. Ang no-no lang sa FIL mo is yun yosi.

Magbasa pa

open up sa asawa mo para kayong dalawa magtulungan sis. yung ganyan dapat tlga kausapin ng maayos. kung katulad sila ng parents ko na medyo sensitive, indirect mo sabihin.. like.. magkkwentuhan kayo tapos kunwari may nakausap ka sa center na nagpapalacheck up din and may complications yung bata. sympre tatanungin bakit kasi may nagyoyosi sa loob ng bahay nila tapos minsan nagsisindi pa ng katol mga ganon sis. yung hindi sasama loob nila pero nasabi mo dapat sabihin..

Magbasa pa

Anak mo yan sis kaya okay lang ipagdamot sa kanila. Tsaka sabihan mo yung asawa mo na sabihan yung tatay nya na wag manigarilyo sa loob ng bahay dahil naamoy ng baby yan. Yung 1st baby ko pinagdamot ko yan sa mga kamag anak ko kasi binibigyan nila ng bisyo eh shempre ako din mahihirapan. Ngayon malaki na anak ko, maayos at hindi nya kami pinahirapan ng asawa ko.

Magbasa pa
6y ago

Paulit ulit nalang po ako nagsasabi. Ako na nagsasawa. Tas sasabihin okay lang.

May right ka na ipaiwas ang anak mo sa kanya dahil ina ka mamsh. Tsaka pagsabihan mo rin yang asawa mo na sabihan ang tatay nya na wag mayoyosi sa loob ng bahay lalo na may bata. Pag wala talagang disiplina ang magulang yan din ang nakukuha ng anak. Dapat na nga kayo bumukod kung di naman nakakabuti para sainyo. #justsaying 👌

Magbasa pa

MAs maganda mamshie, Yung asawa mo Ang magvoice out ng concern mo sa tatay nya. Ganyan talaga mga Lolo sabik sa apo kasi dapat din cla paliwanagan lalo na regarding sa pagyoyosi nila na harmful Yun ke baby. Kahit maligo cla, may tinatawag tayong third hand smoke na pwede magstay sa hininga, amoy Ng katawan ni lolo

Magbasa pa

Ay yung nanay ng hubby ko ang ginagawa naman sa anak ko anu anong food sinusubo tapos softdrinks juice colored kahit magalit sakin nagsabi nako pero sa maayos na way naman.. “wag po nanay at bawal sa kanya”, sinabi ko nalang bawal at bilin ng pedia para nalang makinig agad

Hindi ka po mali na ipagdamot mo momsh lalo na kung kakayosi nya lang jusme. Ikaw naghirap dalhin yan ng 9 months at maglabor at ilabas sa mundo kaya you have all the rights. Ikaw mas nakakaalam kung anong makakabuti sa baby mo. Magalit na sya bahala sya basta safe si baby.

Ay sis gnyan papa ng asawa ko non sa panganay nmin.alm nmn na ang baby na 1month plng gcng sa gabi tulog sa unmaga pinipilit din dati patulugin khit aayaw nmn.itatabi sa higaan nya iyak ng iyak n ang bata ayaw png ibigay.di pa nmin kaya bumukod kc ngiipon plng kmi.