Praning at sama ng loob (Sorry po dito ko nakwento baka po kasi gumaan loob ko)

Ftm po. Sana matulungan nyu po ako. 10 days old palang po si baby namin. lagi po sya kinukuha ng byanan ko saamin. Alam ko po sasabihin ng iba na swerte kami kasi may katuwang kami sa pag aalaga ky baby pero yung halos hidni na po namin nahahawakan mag asawa si baby. nahahawakan ko lang po sya pag mag papadede pag tapos nyan pag narinig na ng byanan ko kukunin na kaagad saakin. sobrang sama po ng loob ko sakanya. kasi pinapamukha nya po saamin ng asawa ko na sya yung hinahanap ng baby kasi napapatahan nya. Naiinitindihan ko naman po na first apo nya yung baby namin. kaso parang sobra na po talaga. kasi hanggang sa gabi po katabi po namin syang mag asawa sa kwarto namin. halos wala po kami privacy kahit sa gabi nalang sana saamin naman yung baby. masama din loob ng husband ko sakanya kasi imbis na yung husband ko at ako yung katabi ng baby sa pag tulog sya pa rin. pag kinukuha rin ni hubby si baby puro sya reklamo na baka ma pano daw si baby. Tsaka sinasabihan po namin sya na wag sya karga ng karga kasi baka masanay. yun na nga nasanay ng lagi kinakarga yung baby namin. konting galaw lang ni baby karga nya na kaagad. pati sa pag tulog kayakap pa nya. Eto na po talaga yung kinababahala ko po baka pag nag tagal po hindi ako makilala ng baby ko ? Patulong naman po. Sobrang napapraning na po talaga ako?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hahaha. I feel you momsh ganyan na ganyan din scenario ko sa panganay ko pero hndi na nilang unang apo. Sa inlaws ako napatira buong maternity leave ko tapos si hubby weekly lang din umuuwi. Weekly na nga uwi ni mister kasama din namin yung inlaws ko sa kwarto. Kada madaling araw din kinukuha sa tabi ko si baby kahit kasarapan din ng tulog ng bata. Nakakaimbyerna din talaga. Papaligo si mil din halos ayaw ibigay sken, inlaws ko din nagdecide na huwag na magBF kasi babalik naman daw ako sa trabaho sabayan pa ng ppd. Edi ayun solusyon talaga jan bumukod. Mahirap sa simula pero makakapag adjust din kayo mag asawa.

Magbasa pa
Related Articles