FEELING JEALOUS OF MY OWN BABY

Hi. Ftm here. I need an open and safe place to vent this out. I have no friends na may anak na kaya I don’t expect them to understand me. Hindi naman ako comfortable iopen sa nanay ko dahil masyado syang traditional in a way na parang di “uso” nung panahon nila yung postpartum depression. Hear me out please. Sometimes, I feel jealous and competitive towards my baby. Like, pag umiiyak sya, alam kong nahihirapan sya pero sinasabi ko na hirap din ako. May mga times na nasisigawan ko sya. I just snapped and sinasabi ko, “kung hirap ka, hirap din ako” o kaya “wtf is your problem just sleep already”. Mind you, sa mismong baby ko ito sinasabi na para bang matanda sya. I was always heartbroken pag nasisigawan ko sya kasi tumitingin lang sya sakin like parang gulat na gulat sya na di sya makapaniwala. 🥺 I have support from hubby maman pero ako pa rin ang default parent dahil hindi sya kayang patulugin ni hubby. Sakin lang sya kumakalma. Naalala ko pa nung unang bwan namin with baby. Na admit kasi sya unang week nya dahil may sepsis sya and nagaspirate din sya. Kami ni hubby ang bantay. Fresh from CS operation ako non. No one even bothered na kamustahin ako nung nalaman nilang nagstay si baby sa ospital. I felt overlooked as a mother. And the fact na need ko ihelp si hubby magbantay kay baby while nasa ospital, I never had the sense of recovery sa pagkakaCS ko. Every one’s asking how’s my baby but not me. I told these things to my hubby and he’s very encouraging mahpatingin sa psychiatrist, psychologist to seek help. I am still hesitant because baka phase lang kako ito. We’re still looking tho. Even up to this date, 5 months na si baby, some times i feel jealous pa din sa kanya. Hindi ko naman na sya nasisigawan dahil we, baby and I, got to know each other well na haha pero is this something you mommies have experienced, too? Or is it just me? Thank you po.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pwede sign of PPD (postpartum depression) lalo na ftm ka😊 isipin mo nalang palagi mi na ikaw ang number 1 kay baby sa lahat ng tao ikaw ang pinakamamahal niya.. umiiyak siya kasi ikaw ang hinahanap niya.. tama naman si hubby mo magcheckup ka sa psychiatrist para rin yun sayo at kay baby.. skl nung FTM din ako napakasensitive ko pero iba yung sa akin.. nagseselos ako pag si baby iba ang nagbubuhat.. kahit sa husband ko😆 gusto ko akin lang ang baby ko.. ayaw ko mawalay siya sakin.. nung infant age na naiinis ako pag mas niyayakap ni baby ko daddy niya gusto ko akin lang siya hahaha😆 d ko siya gusto ishare sa iba.. phase lang din yun.. nawala din nung matagal na lalo na nung nararamdaman ko na pagod na ko at mabigat na si baby binibigay ko na sa husband ko or sa lolo at lola para makagawa ako ng iba.. eto kay 2nd baby ko mas matindi ako kasi na NICU siya for 1week after ko ipanganak dahil sa sepsis ayun mas grabe separation anxiety ko post CS ako pero naglalakad na ko after 24hrs para mapuntahan siya sa NICU at magpasusu.. at ayaw ko na umalis ng hospital iyak ako ng iyak everyday .. pero nasa phase lang din pag uwi namin halos d naman ako matulog kakatitig sakanya inaantay ko umiyak para mabreastfeed e hindi kasi iyakin si baby ko🙂 dumating din sa point na gusto ko magpacheckup.. pero kaso bago pa ko magbuntis dito kay 2nd..diagnosed na ko Depression with Anxiety kaya alam ko na din paano ko ihandle sarili ko.. kaya mi patingin ka na..

Magbasa pa

Sa tingin ko po ay valid and understandable po ang feelings nyo. Mahirap po maging gentle and kind kung kayo mismo ay pagod at stressed na. Sabi nyo nga, you've never felt that you've recovered from your CS operation. Then yung postpartum hormones pa. Personally, as much as alam kong the best way to soothe a child is to keep calm myself, every now and then, I still snap at my child. Nagrarant rin ako sa kanya like last night lang: "gabi-gabi na lng may iyakan. nakakasawa na. Bakit kay ate hindi ka naman umiiiyak, sakin lagi na lng. Eh toothbrush lang naman ang pinapagawa ko!" ...and since almost 3yo na sya at nakakaintindi na, sya pa tuloy yung biglang yayakap sakin at magso-sorry o kaya sasabihan ako ng "deep breaths, deep breaths, mama" habang sya mismo ay umiiyak pa. Currently pregnant rin kasi ako so medyo iritable sa mga discomforts na nararamdaman and I'd like to blame it na rin sa hormones... So let's be kind to ourselves, mommy. Make sure you also get enough food and rest. Continue on opening up to your hubby, it's good that he seems open-minded rin naman. Try mo rin suggestion nya to see a professional, better to be safe than sorry. If sabihin ng doctor na it's not PPD, then that's very good but if it is, then better to have it treated immediately before it's too late.

Magbasa pa

y'all experienced that mommy. Dika nag iisa.Im a cs mom too. and yes after 3 days nagka sepsis din baby ko. Wala din akong recovery stage kc after 2 days. tumayo na ako tas ako na nagbubuhat sa kanya para magpa dede at burp. Nung na sepsis siya ako rin ang pabalik balik sa nurse station dala dala baby ko. kc ayaw na dumede, tulog lang nang tulog. Gusto kong umiyak nung time na yun pero walang luha na lumabas. Diko na ramdam ang sakit nang tahi ko.. mas ramdam ko ang takot na baka anung mangyari sa baby ko. Ngayon mag po 4 months na baby ko . may mga times na gusto niya pabuhat lang (medyo above average weight n baby) kay ngalay na talaga. Minsan napapagod nako . ,gusto kong matulog ,pero di ako makatulog kc gising siya. Gusto kong magwala ,gusto kong sigawan baby ko pero iniisip ko ung panahon na di ako makatulog dahil critical buhay niya. sa time na hiningi ko sa diyos na pagalingin siya. Halos ipagpalit ko nalang buhay ko para sa kanya. Kaya enhale and exhale nlang ang peg. inisip ko rin na hindi habang buhay silang baby. kaya mahaba habang pasyensya talaga.

Magbasa pa

na experience ko yan sa side ni Hubby lahat sila ang concern sa babyi mean yes i do appreciate naman pero as a mom na ikaw nagluwal lahat di ka magawang makamusta tapos panay sila chat Kay Hubby kung kelan lalabas nakalabas na ba yung bata to the point na sinabi na nila na if pwede ng ilabas yung bata ilabas na iwanan nalang ako like WTF diba may instances pa na gusto nilang ibote si Baby para lang mahiram nila ng matagal kasi igagala knowing na BF sya , tapos ako normal pero natahian ako andyan yung ke aga aga nambubulabog sila pag di napagbuksan dahil hirap ako tumayo galit pa daming sinasabi kay Hubby until di ko na kinaya nag vent out ako kay Hubby ayun sinabihan nya family nya ang nakakatawa lang sila pa galit hahahahaha , anyway mommy kaya mo yan always remember ikaw ang ina ikaw ang may karapatan rant all day want anak mo yan rules mo masusunod

Magbasa pa

Normal siguro sa lahat ng mommies yan, kase mixed emotion pa tayo. Ganyan din ako minsan pero pag natauhan na maiiyak ka nalang tska magsosorry. Hindi naman pagiging selosa yan mi, ppd siguro. Hanggang ngayong 5 y o na baby ko, ganun padin ako. Pero gat kaya ko pinipigilan ko magalit, ayoko kaseng lumayo loob niya sakin.

Magbasa pa

Have you ever thought that babies are selfish little devils? 🤔 And having one will drain you with everything. That's why its important to be prepared mentally physically and emotionally -- its all natural... and to think this babies have not ask us to be born... well just saying 🤔

i really felt this, nasisigawan konalang si baby dahil sa frustrations ko.. like can you just sleep i’m tired too. naiiyak nalang ako pagkatapos kosya sigawan. no one ask me if i’m doing fine or what i mean tao din ako.. virtual hugs mommy!!

First Time Mom, Mentally Physically dapat prepared hindi kc expected natin na ganito pala maging nanay….. pero pag laki nya mkkkalakad na si baby masarap sa feelings… Pray lng mawawala dn ganyan feelings nyu… Mawawala dn yan promise …

ganun tlga mi kailangan mag sakripisyo tayong mga nanay kahit pagod tayo nag aadjust din kasi c baby sa paligid kasi 9 months sa tyan lang sya..magbabago din yan after new born stage..