FEELING JEALOUS OF MY OWN BABY

Hi. Ftm here. I need an open and safe place to vent this out. I have no friends na may anak na kaya I don’t expect them to understand me. Hindi naman ako comfortable iopen sa nanay ko dahil masyado syang traditional in a way na parang di “uso” nung panahon nila yung postpartum depression. Hear me out please. Sometimes, I feel jealous and competitive towards my baby. Like, pag umiiyak sya, alam kong nahihirapan sya pero sinasabi ko na hirap din ako. May mga times na nasisigawan ko sya. I just snapped and sinasabi ko, “kung hirap ka, hirap din ako” o kaya “wtf is your problem just sleep already”. Mind you, sa mismong baby ko ito sinasabi na para bang matanda sya. I was always heartbroken pag nasisigawan ko sya kasi tumitingin lang sya sakin like parang gulat na gulat sya na di sya makapaniwala. 🥺 I have support from hubby maman pero ako pa rin ang default parent dahil hindi sya kayang patulugin ni hubby. Sakin lang sya kumakalma. Naalala ko pa nung unang bwan namin with baby. Na admit kasi sya unang week nya dahil may sepsis sya and nagaspirate din sya. Kami ni hubby ang bantay. Fresh from CS operation ako non. No one even bothered na kamustahin ako nung nalaman nilang nagstay si baby sa ospital. I felt overlooked as a mother. And the fact na need ko ihelp si hubby magbantay kay baby while nasa ospital, I never had the sense of recovery sa pagkakaCS ko. Every one’s asking how’s my baby but not me. I told these things to my hubby and he’s very encouraging mahpatingin sa psychiatrist, psychologist to seek help. I am still hesitant because baka phase lang kako ito. We’re still looking tho. Even up to this date, 5 months na si baby, some times i feel jealous pa din sa kanya. Hindi ko naman na sya nasisigawan dahil we, baby and I, got to know each other well na haha pero is this something you mommies have experienced, too? Or is it just me? Thank you po.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede sign of PPD (postpartum depression) lalo na ftm ka😊 isipin mo nalang palagi mi na ikaw ang number 1 kay baby sa lahat ng tao ikaw ang pinakamamahal niya.. umiiyak siya kasi ikaw ang hinahanap niya.. tama naman si hubby mo magcheckup ka sa psychiatrist para rin yun sayo at kay baby.. skl nung FTM din ako napakasensitive ko pero iba yung sa akin.. nagseselos ako pag si baby iba ang nagbubuhat.. kahit sa husband ko😆 gusto ko akin lang ang baby ko.. ayaw ko mawalay siya sakin.. nung infant age na naiinis ako pag mas niyayakap ni baby ko daddy niya gusto ko akin lang siya hahaha😆 d ko siya gusto ishare sa iba.. phase lang din yun.. nawala din nung matagal na lalo na nung nararamdaman ko na pagod na ko at mabigat na si baby binibigay ko na sa husband ko or sa lolo at lola para makagawa ako ng iba.. eto kay 2nd baby ko mas matindi ako kasi na NICU siya for 1week after ko ipanganak dahil sa sepsis ayun mas grabe separation anxiety ko post CS ako pero naglalakad na ko after 24hrs para mapuntahan siya sa NICU at magpasusu.. at ayaw ko na umalis ng hospital iyak ako ng iyak everyday .. pero nasa phase lang din pag uwi namin halos d naman ako matulog kakatitig sakanya inaantay ko umiyak para mabreastfeed e hindi kasi iyakin si baby ko🙂 dumating din sa point na gusto ko magpacheckup.. pero kaso bago pa ko magbuntis dito kay 2nd..diagnosed na ko Depression with Anxiety kaya alam ko na din paano ko ihandle sarili ko.. kaya mi patingin ka na..

Magbasa pa