Labor Pain
FTM ako and sobrang natatakot ako sa kwento ng mga mommies sa paligid ko na masakit daw ang labor pain tapos gugupitin pa yung private part pag normal delivery. Based on your experience, how does labor pain feels like? #firsttimemom
Mas sumasakit mi ang labor kapag palabas na talaga si baby ksi sunod sunod na yung pain halos hndi ka na pagpapahingahin sa sakit as in !!! Mas lalong masakit kapag matagal ang labor mo parang ako 3 days akong naglabor literal na wala akong pahinga parang gusto ko na magpacesarian kasi nanghihina na ako 😩 Ginupitan din ako non haha yung gupit sa akin parang papel lang eh wala manlang pasabi na gugupitan ako hahaha Tapos parang may hinuhukay pa sa loob ng pempem mo ksi kukuhain yung inunan ni baby ayun pa masakit 🤣 Yung pagtatahi pa ramdam na ramdam mo sobra sobra din yung sakit lalo na kapag hihilahin na o sisikipan grrrrrrr 😭 parang gusto ko nalang magpakuha kay lord 🤣 Pero after naman nun wala na makakapagpahinga ka na sa labor tapos nakita mo pa baby ❤️ para kang nalove at first sight 🥹🦋
Magbasa paIf ma-stretch yung pwerta. no need gupit. atsaka nasa Breathing technique yan. Yes painful ang labor pain pero depende yan sa Pain tolerance mo. like ako Mataas pain tolerance ko. Nakaya ko tiisin yung labor pain. After pumutok panubigan ko, nag active labor ako like sumasakit na talaga, it lasted for 2 hours lang and lumabas na ang baby ko. ginupit ako kasi maliit ang pwerta ko. kaya ganun, pero mabilis ang recovery ko ☺️ Its okay to feel the pain basta ilagay mo sa mindset mo na Basta Mailabas mo lang si baby na healthy, okay na. yun lang ang goal mo. kasi yun ang nasa utak ko, I didnt mind the pain or anything basta makaraos kami dalawa ni baby. yun lang mami. be prepared mentally, emotionally and physically ☺️
Magbasa paNaalala ko na naman nung nanganak ako hahahaha ftm din. Feb 21 nagstart na ko magcontractions, every 5-6 mins interval. Nagpapatagtag na ko ng malala non. Unli lakad pabalik balik tas squat ng sandamakmak. Tas Feb 22 , saktong 12 ng madaling araw habang natutulog saktong pumutok panubigan ko. Nag active labor na ko non. Habang naglalabor ako sa loob ng emergency di na mapinta itsura ko sa sobrang sakit pinaghahampas ko na si mama, minsan nakukurot tas nagrerequest na ko non na magpa painless kasi di ko na keri hahahaha 5cm palang ako non pero mababa na kaya dinala na agad ako sa delivery room. As a FTM di ako marunong kung pano tamang pagire kaya ayun nagupitan ang accla hahaha
Magbasa paung gupit depende sa laki ng baby mo yan.. ung saken nanganak ako nung feb 21.. sobrang laki ng baby ko 9.9lbs.. so ginupit din nla aq hanggang puwet nagheal ung saken mga 2 weeks kc naggagawa na ko ng mga gawaing bahay after q manganak.. ung healing nian eh depende sau.. kung nakarest ka lng eh mas mabilis.. pero kung after mo manganak eh kumikilos kilos kna like gumagawa kna ng gawaing bahay eh medyo kikirot ng kikirot ung sugat mo and mas lalakas ung pagbibleed and nagpapabagal ng healing un.. mas better kung nakarest ka lng and of course magpakulo ka ng dahong bayabas and ihalo mo sa panligo mo...
Magbasa paHindi necessary na may gupit, kong kaya naman mag stretch yung pwerta mo na mailabas si baby, kong malaki tapos di sya magkasya saka pa sya gugupitan but if kasya naman no need gupit. hahaha, masakit naman talaga ang labor, kasi part yan, may iba na no labor pains, pero majority meron kaya wag kang matakot, baka mag cause lang ng anxiety sayo ang stories, magkaiba po ang experience ng mga nanay kaya baka magkaiba kayo, meron pong iba na short lang labor pain, meron din mahaba kaya lalong masakit hehe. Pray po and be ready mentally, emotionally at physically.
Magbasa paFTM din ako and induced labor noon. sa una matatakot ka pero pag nandun kana iisipin mo nalang mailabas ng maayos si baby. kinaya ko naman 25hrs active labor kahit yun ginupit yun private part wala na akong pakelam kase gusto ko nalang matapos na yun sakit 25 hrs walang kain pero may swero naman kaso may pampahilab. gigising ako sa sobrang hilab nasusuka nalang ako tas makakatulog ulit, kinakausap ko yun baby ko na lumabas na . iniisip ko lang nun sana maayos sya makalabas at okay lahat. Wag mo isipin yun kase pag nandun kana maiisip mo nalang sana safe mo sya mailabas. 💙💙
Magbasa paDepende po kasi sa pain tolerance ng tao eh pero share kolang hehe, sinira ko lahat ng gamit sa room ng hospital and nag mamakaawa na ako sa mga nurses na patayin na ako hahaha tapos iyak ako ng iyak kasi hindi kona talaga kaya pero wag nyo po gagawin yung iyak ng iyak kasi pwede maapektuhan si baby mo and lalo sya nakakadagdag sa sakit. grabe talaga ang sakit lalo na every 1 min na yung sakit nya para kang natatae na hindi . tapos ang tagal pa dumating nung ob ko haha pero unfortunately, na emergency cs ako dahil ayaw talaga bumuka ng cervix ko.
Magbasa palabor sa totoo lng masakit talaga ndi mu maexplain kung gaano kasakit.. pero lahat nmn tlaga dumadaan sa ganyan process ifeel mu lng at laksan mu lng loob mu mi..isipin mu lalabas na si baby at always pray lagi mong kakausapin si baby na wag Kang pahihirapan.. sa case q morning palang sumasakit na tyan q..mas tumindi ung sakit pag dating Ng tanghali 2hrs lng aqu Ng labor 1:48pm nakapanganak na q .. 😊❤️ may tahi dn aqu kht dun sa 1st q..hehe pero worth it lahat Ng sakit ❤️❤️🤱
Magbasa paDepende kasi yan mi sa pain threshold mo. Tulad kasi ako 5cm na pala ko wala pa ko nararamdaman haha buti nalang check up ko nung time na yon. Nakapa na ni ob ulo ni baby 😅 Nakaramdam ako ng sobrang pain around 8-9cm na. Nag 10cm na sana ko and kayang kaya sana i normal kaso biglang nag drop heart rate ni baby kaya na e-cs pa din. For me mas masakit pa magpa dede mi kesa mag labor hahahahaha. Pag naranasan mo magpa dede ng sugat ang nipple jusko para kang pinaparusahan talaga hahaha.
Magbasa paHello mi wag kana matkot base Lang saga experience dn cguro nila yun iba iba ksi tlaga ktulad sakin mi sa pnganay ko dhil 1stym at dugo ang nauna tlagang mejo May pain pero tiis lang llabas din c BB.tapos sa next baby at pang 3rd ko tubig palagi nauuna as in hndi aq nglalabor pgnapunta ko sa paanakan ulo Na 10cm na kaya iire nalang pero May ibaiba tlaga nakkrnas ng sobrang pain .pero pray Lang tayo kay god makkraos din ng maayos at ligtas parehas ni baby 😘
Magbasa pa