Labor Pain
FTM ako and sobrang natatakot ako sa kwento ng mga mommies sa paligid ko na masakit daw ang labor pain tapos gugupitin pa yung private part pag normal delivery. Based on your experience, how does labor pain feels like? #firsttimemom
1st time mom at age of 22 mhie pero oo masakit talaga ang labor pero kahit anong sakit pa yan mawawala't mawawala agad pag nailabas mo na si baby. Wag ka padadala sa sinasabi ng kapitbahay niyo isipin mo kaya o at para sa baby niyo. sa usapang gugupitin hindi ko naman naranasa kasi sinabi ko talaga sa sarili ko na ilalabas ko siya without gupit at tahi kasi parang mas mahihirapan ako at yun nga sa awa ng Diyos hindi nagupit at tahi ang private part ko 3.1klg baby ko.
Magbasa paFTM DEN AKO 😊TRUE NMAN MOMMY MASAKIT TALAGA ANG LABOR PERO DEPENDE PAREN NMAN PO SAYO YUN KUNG MAGUGUPITAN KA AKO KASI BASE OF MAY EXPERIENCE SOBRANG SAKIT TLAGA LALO NA 12HPOURS AKO NAGLABOR 🤣🤣TAS 3RD DEGREE UNG EPISIOTOMY KO AS IN ABOT PWET UNG GUPIT KAHIT 2800GRMS LANG ANG BABYGIRL KO 😊PERO WORTH IT NMAN LAHAT KALMA KALANG MAMSH KERI MOYAN PAG NALABAS MO NMAN ANG BABY MO NG HEALTHY WORTH IT LAHAT NG SAKIT 🤣🤣
Magbasa paFTM mie. opo masakit po talaga ang labor haha halos mamilipit nako lalo na induced labor ako from 3cm in 8hrs. Pag asa Delivery room kana mie di mo na mararamdaman kung gugupitin kasi mas naka focus kana sa pag ire. pag nalabas mo na si baby grabe tanggal lahat ng sakit hahah kinakausap ko pa nga yung doctor habang tinatahi ako. wag po kayo kabahan sobrang memorable ng panganganak, kahit masakit sarap balikan super worth it. Goodluck sayo momsh keri mo yan!
Magbasa paMasakit po talaga ang labor, dahil yan ang parusa ng Diyos sa atin bilang pagsuway ni Eba sa utos ng Diyos, tayong mga babae pag manganganak ay mahihirapan. Kaya wag ka na pong matakot at magtaka, ang gawin mo po ay manalangin na sa kabila ng lahat ay gabayan ka ng Diyos at huwag pababayaan at bigyan ka ng lakas ng loob na makaya at mapagtagumpayan ang lahat.
Magbasa pamasakit naman talaga. kaya expected mo na yan dapat. lalo na during labor mo tas hindi pa lumalabas si baby.. nakakauhaw.. nung tinatahi na ko sa pwerta, ramdam na ramdam ko yung paghila ng sinulid dahil kahit 2x ako tinurukan ng anaesthesia, no effect. tas IE ka pa bago ma discharge. masakit. yung sarap sipain yung doctor na nag a IE sayo.. hahaha.. swerte nung mga may pain tolerance, hindi nararamdaman yung sakit.
Magbasa paIts for you to find out. Hehe. Iba iba kasi ang pain tolerance natin mamsh. Ako Mag tatatlo na anak ko and buntis ako now sinasabi ko sa sarili ko noon na masakit hndi na ako mag aanak pero eto parin ako naka tatlo na haha. Siguro kasi mataas ung pain tolerance ko na ultimo labor prang di na ako nasasaktan pag ginupit yang private part mo issbay yun sa pag iri mo kya magugulat ka nalang mamsh hehe
Magbasa paMasakit talaga, pero pag nalabas naman na po laking ginhawa, at depende rin po sa sitwasyon may matagal maglabor at meron sandali lang, at meron din naman hindi sumasakit haha tulad ko po pumutok na panubigan ko pero walang labor na naganap kaya ininduce po ako at saglit lang sumakit na tyan ko at mabilis ko lang nalabas way back 2008. 😂 at ngayon preggy ko after 14 years mahigit, going 5 months. ☺️
Magbasa paIt’s a true nmn po tlga mommy masakit po tlga mag labor. Regarding nmn po sa paghiwa dipende nmn po kung kasya c baby lalabas sa pwerta mo na ndi na kelangan gupitan. Kung ndi nmn hihiwain po tlga yan. Pero sa pag hiwa nmn po ndi mo nmn ramdam yun mommy kci nka focus po kau sa pag eri sa baby mo.. isasabay kci nila yan sa pag eri dritso hiwa po.. doon mo lang mararamdaman ang sakit pag itatahi kna..
Magbasa paMasakit pero naka ilang anak ka na? Sagot ko lagi sa mga kapit bahay kong parang tanga! Palaging sinasabi na " hala marranasan mo ng manganak, masakit yun, nakaka trauma" pucha pero buntis nanaman!!? Kaasar. Nandon na tayo sa masakit expect na natin yun pero wag naman sana dumating sa point na parang tinatakot na natin yung ibang tao/buntis. Like ng kapit bahay ko 🙄🙄🙄
Magbasa pa1hour labor pain ako di ganun sa aobra sakit sa nakikita ko sa ibang naglelabor nakatulung sakin yung inhale exhale kasabay ng sakit sa dimo malamang parte ng ibaba mo. mataas din pain tolerance ko kaya thank god 2.8 baby boy ko di ako pinahirapan sabayan molang ng normal na paghinga yung hilab mi. nagawa koyan sa tulong ng mababait na doctor na nag assist sakin ☺️
Magbasa pa
Got a bun in the oven