First time mom po ako ng isang 2 years old.
Ako lang po nag aalaga sakanya kasi dalawa lang kami naiiwan pag pumapasok na sa work partner ko.
Nakabukod naman kami.
Kaso lang netong month nandito kami sa bahay ng papa ko.
Akala ko mas nakakastress pag mag isa kalang na nag aalaga ng anak mo sa bahay pero MAS NAKAKASTRESS PALA YUNG MAY KASAMA KANG BIDA BIDA SA BAHAY! ππ
Bilang nanay, masakit sa loob ko na sinasabihan yung anak ko ng kung anu-ano..
Lalo na kung yung nagsasalitang yun e nanay rin naman which is yung asawa ng kapatid kong lalaki.
Lagi kong naririnig..
"Ilang taon na anak mo hindi pa nakakapagsalita"
(Bakit, nagsasalita naman anak ko. Hindi nga lang tuloy tuloy)
"Yung anak ng pinsan ko ang daldal na"
"Yung anak ng kapatid ko, 8 months palang tuwid na magsalita"
(Parang lahat nalang ng tao isasama niya sa kwento niya)
"May gatas kapaba? Ginagawa nalang libangan ng anak mo yan e"
"Wag kang magpalipas ng gutom kasi yung nadedede ng anak mo walang lasa kaya hindi siya kumakain." WHAAAAAAAAAT????
Naiinis na ako sa totoo lang. Minsan nakakaisip na ako ng hindi maganda sakanya. Bwisit na bwisit ako. Pinipilit ko nalang na hindi siya kausapin. BIDA BIDA masyado! Pinangarap yata nitong maging doktor or kung anuman. Lahat ng sagot ko sa mga sinasabi niya may sagot ang Gaga!
Totoo nga ang sinabi nila.. Ang taong tahimik, nasa loob ang kulo. Hindi ko mahuli ang ugali niya. Kahit anong pakisama ko. Parang ako pa yung bagong salta sa pamilya namin ang pakiramdam e.. Minsan okay siya kausap minsan bigla nalang di mamamansin.