Pa vent-out lang po

Yung feeling mo pabaya kang ina kasi nagkasipon at medyo inuubo ang anak mo na 3months old, tapos parang sinisisi ka pa ng biyenan mo kung bakit nagkaganon yung anak mo, sasabihin pinabayaang matuyuan ng pawis, hayst, nakaka stress lang. E yung isa niyang apo ang panay ang lapit sa anak ko, e inuubo pa yun tapos palaging hinahawakan yung braso at kamay ng baby ko e sinusubo niya yun. Hirap naman pagsabihan. Gusto ko nang umuwi sa amin kaso lang wala akong katuwang sa pag aalaga sa anak ko, graduating na ako at ng partner ko sa college at may mga inaasikaso pa kami na schoolworks. Ang hirap nga talaga pag kasama mo sa bahay ang in-laws mo kahit mabait pa sila. Gusto nila perfect kang nanay. Ang hirap lang po ng ganito. #1stimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kumusta na si baby mo mommy? Sana magaling na sya.

3y ago

Okay na po ang baby ko, thank you po. 😊