Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

November 3 2016 sa bunso ko ,umihi ako ng madaling araw mga 1 am,sakit na ng puson ko nun ,sya nga pala due date ko is October 30,nung umihi ako may lumabas na parang sipon ,mucus plug yun ,tas may kasama ng dugo ,ayun taranta ako nag pa dala ako agad sa hospital,nung nasa hospital na ako ,chineck up ako ,tas ie ,ayun pina uwi ako ,sabi balik na lang daw kasi 2 cm pa lang daw ,at ang taas ng BP ko 130/100 ,tinurukan ako ng pam pababa ng bp,tas uwi na ,nung mga 3 am na ,hindi na ako maka tulog sobrang sakit na ng tyan ko labor na,tas medyo madami na rin yung dugong nalabas sakin,nung di ko na kaya ,nanginginig at umiiyak na ako sa sakit ,nag pa dala na ako sa hospital ,bihis agad ako ng dress ,nag palit ng undies ,iyak iyak na ako sa sobrang sakit,nung nasa hospital na ako ie wala 2cm pa lang ,dextrose na ,tas nasa labor room ako grabe yung sakit ,para na akong mamamatay yung bp ko hindi man bumaba,hindi daw maganda yun baka ma cs ako at 40 weeks na si baby,daSal lang ako ng dasal,na sana maka raos na ako ,ang tagal sabi ko hindi ko na kaya ,nag padala na ako sa loob kung nanganganak ,ayun ire ako ng ire napa galitan pa ako ,kasi hintayin ko daw na humilab bago ire ,ayun iba daw lumalabas sakin may kasamang poop na ,yung baby ko daw nag poop na kaya bilisan ko daw ang pag ire ,ayun halo halo na sakit hirap iyak ,pang hihina wala pang kain ni tubig,lumabas sya ng 9:45 am..
Magbasa pa


