Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

im 38 weeks nung nanganak ako at 8 hours ako nag labor.. mga oct. 30 yon nagising ako sobrang sakit ng tyan ko pero nawala den so naisip ko baka malapit nako manganak then sinabi ko sa parents ko sabi pumwesto na daw yon tas todo excersice ako nag bubunot ako sa bahay nag lalakad ng mahigit 1 hour na may kasamang squat nag eexcersice den ako tuwing umaga ng pampa active ng labor pero pinatigil ako ng mama ko kase kasagsagan ng bagyo yon baka daw mapaanak ako bigla edi di muna ako nag gagagalaw kumain nalang ako ng kumain ng hinog na papaya atsaka pinya kase nakakatulong den daw yon pampa lambot ng cervix tas kinagabihan ng nov. 1 nag sex kami ng husband ko which is nakatulong sa pag active ng labor ko.. then nov. 2 okay na panahon balik ako sa pag eexcersice ko tuwing umaga tas mga 10am lakad ng one hour na may kasamang squat tas naisipan ko ng gabi na mag lakad uli na may kasamang squat mahigit isang oras din yon tas pag tapos ko non nakaramdam ako ng pananakit ng balakang diko pinansin muna yon kase lagi ko naman nararamdaman yon kala ko normal lang. bandang 1 am nagising ako ansakit ng balakang at puson ko sobra tas parang may gusto lumabas sa pwerta ko kaya tumayo ako kase pupunta dapat ako ng c.r pag tayo ko umagos na yung panubigan ko kaya ayon nag linis nako katawan naghanda na tsaka ko ginising mama ko. bandang 2am dun na kami sa ospital inie ako 4 cm pa daw ako kaya inadmit nako tas minonitor na nila contractions ko tsaka heart beat ni baby tas habang tumatagal pasakit na ng pasakit bandang 8 am inie uli ako tas ayun 8-9 cm nako dinala nako sa delivery room mahigit isang oras den ako nag antay sa doctora pinipigilan nila ako na wag muna ilabas kaya ayon bandang 9am nandon na si doc. tas iniri kona pag dating palang ng doctora then 9:02 am baby is out. π
Magbasa pa


