Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

16hrs of labor yung sakin. Feb.26 ng 11pm pumutok yung panubigan ko, wala pa akong nafifeel na pain that time pero deretso na kami sa emergency room, after an hour nasa labor room nako, I thought manganganak nako, nakangiti pako na nagwave sa asawa ko kasi di sya pwede sa loob, starter lang pala yun, kasi ng 3am don nako nakafeel ng contractions, yung iiyak ka sa sakit talaga at matagal mag open yung cervix ko, 1cm sya hanggang 9am, ang ginawa ko umiire ako pag humihilab tyan ko sabay non yung paghikbi syempre. Nakakainis pa nun kasi di ako makatayo, tatawag pako ng nurse pag maiihi ako at may isasampa sa pwetan ko. It was never easy, talagang feeling ko mamamatay nako sa sobrang sakit, binibigay ko yung lahat sa pag ire pag hihilab tyan ko para bumaba si baby at magopen cervix ako, syemprw worried nako kasi baka ma cs pako, 3pm don na nagprogress yung cervix ko, buti at matyaga naghintay saken yung mga nurses at hindi cs agad agad, by 5pm nag 9cm nako, tas next hilab dinala nako sa delivery room. Ang sarap lang sa feeling nung dinaganan ako kasi sobrang relief lang naramdaman ko ng paglabas ni baby, saka nawala lahat ng pagod at sakit ko ng makita ko sya. π Talagang mapapa wow ka sa baby mo. Pero grabeng sakit din yung pagtahi sakin, may anesthesia daw pero potek na yan napapasigaw ako sa sakit talaga nun. But everything is worth it. β€οΈ
Magbasa pa


