Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

Mas memorable ang experience ko sa 2nd child ko compare sa 1st ko. Aug. 6,2019 schedule ng checkup ko. Due date ko is Aug. 27 pa. Normal lang pkiramdam ko ksama ko anak kong panganay. Kaso nung in-ie ako 5-6cm na pala ako, ayaw nako pauwiin ng ob ko gusto na nya kong ipa-admit kaso nag resist ako na need ko umuwi muna, bigla akong natense naglalabor na pala ko ng diko nraramdaman. So pagbalik namin ng hapon wala padin ako nrramdaman. Hanggang sa sumasakit na gradually. Simula 8pm nasa delivery room nako, kinakausap ako ng MW kaso deadma ko na sya namimilipit nako sa sakit. Nagpaturo pako pano umiri (parang jejebs lang pala ganoin π ) sobrang sakit diko alam san ako kakapit diko alam pano pilipit gagawin ko, 1hr mahigit pala kong ganon hanggang sa lumabas na baby ko. Ramdam ko lahat ng sakit, pagputok ng panubigan, paglabas ni baby hanggang sa inunan pati pagtahi ni doc. Hanggang sa nakatulog nako, pag gising ko sobra hilo ako yun pala muntik nako itakbo sa hospital dahil sa sobrang bleeding. Pero thank God hindi nya kami pinabayaan ni baby. Tunay na nasa hukay ang isang paa ng babaeng manganganak. Pero pawi lahat ng hirap at sakit once na makita mo na baby mo πΆπ
Magbasa pa


