28weeks ...

finally nangungupahan na kami pero ang lungkot pala πŸ˜…, yung papasok si partner sa work ng walang iiwang kahit piso, maghihintay ka ng lunch from his family hihintayin mo kahit gutom kana for breakfast meron kang 3 types of biscuits na pagpipilian kahit ayaw mo nun wala kang choice. Gusto kong bumili ng food na gusto ko na mabubusog kami like rice etc. pero wala akong pambili hehe. siguro nag iinarte lang ako pero I feel pity πŸ˜… not just for me but also for my daughter and baby(inside my tummy) parang gusto ko nalang bumalik sa house ng parents ko kasi atleast dun nakakapag padala sya kahit 200-500 hayss πŸ˜“

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Husband ko nga ayaw na bumabalik ako sa bahay ng parents ko, hindi dahil ayaw lang talaga nya, kundi dahil nahihiya sya sa family ko na mag asawa na kami tapos dumidipende pdn ako sa parents ko. Hindi naman kami nag tatalo about dun, tama din naman yung mindset nya na yun. Bumukod na ksi kami so dapat hindi na kami mag depend sa parents namin. Naiiwan lang din ako sa bahay pag papasok na sa work si husband, pero ever since na pinag resign nya ko sa work due to pregnancy, binigay nya yung ATM nya sakin para may pang gastos ako. Ayaw ko sana ng ganon, kasi mas sanay akong gastusin yung sarili kong pera. Pero kinausap naman nya ako about it, lalo na nung bago ako mag resign. Alam nya kasi hindi ako sanay dumipende sa iba. Pero ngayon mag asawa na kami, magkatuwang na kami sa hirap man o ginhawa. Sana mapag usapan nyo ng husband mo yung needs nyo ni baby, yun kasi ang importante ngayon. Hindi mo dapat tiniis, at hindi ka dapat nya natitiis ng ganyan.

Magbasa pa

Ang swerte nyo po sa mga partners nyo πŸ˜… I also dreamed na magkaroon ng ganyang partner yung hindi mo na kailangan magsabi kasi he will provide fruits, vitamins, milk etc. bago mo pa kailanganin, a man who will ask if your okay and comfortable, if your happy. A man na mapapansin na hindi ka okay kahit hindi mo pa sabihin, yung lalaki na hindi mo hihingian ng atensyon, oras kasi ibibigay nya yun. A man na makikitaan mo ng excitement sa journey ng pag bubuntis mo πŸ˜“πŸ˜… na kahit papano uunti-untiin yung needs nyo ni baby like baby clothes etc. kasi ikaw ganun na yung iniisip na sana kahit papano nakakabili na kayo ng some of the things you both need before the delivery. Kasi yung lahat ng bagay na to yung hindi ko din naranasan sa first baby ko 😞😞

Magbasa pa

Hindi ka po dapat nag titiis mommy. Kausapin mo si husband mo na na need ko ng pang gastos para sa food nyo ni baby. Hindi ka dapat nag papalipas ng gutom lalo na nag dadala ka ng baby nyo. Si husband ko kahit hindi ako humingi, kahit hindi ako mag sabi, alam na nya responsibilidad nya bilang ama kahit nasa tyan palang si baby. Kinailangan ko mag resign sa work due to pregnancy, naiiwan lang din ako sa bahay, kaya binigay nya ATM nya sakin kahit hindi ko hiningi. Alam nyang need ko ng pang gastos para sa food namin ni baby, at sa food nya syempre. Para pag uwi nya galing work may kakainin na sya. I know hindi lahat ng husband ganito, pero kung ngayon palang na buntis kana at ganyan na nararamdaman mo, at ganyan na kayo sa pera, redflag po yan.

Magbasa pa

im lucky bcoz bago kami nag asawa n hubby may sarili ako pera.at ganon din cya. s ngayon d issue s amin ang pera.monthly may allowance ako s knya 10k.plus lahat ng kailangan namin n bb,nga vitamins,milk,gamit s katawan,check up handle nya.πŸ˜πŸ™‚at spoiled nya ako lalo s food na gusto ko kainin hehe.at higit s lahat super protective cya s amin n bb nya.😍at d nya pinapasama loob ko.parang pakiramdam ko masarap pala mabuntis hehhe😍🀣. wag ka magtiis mi maiksi lang ang buhay dapat kung san ka masaya at dka stres don ka. kausapin mo c hubby na ngayon buntis ka mas kailangan mo ng pagmamahal,pag aalaga at higit sa lahat dapat komportable ka s lahat ng bagay dahil d madali ang mabuntisπŸ˜πŸ™‚

Magbasa pa

Nakaka-stress po mag isip, masakit sa ulo, nakakaiyak you want to tell someone pero wala ka mapagsabihan, hindi naman pwede sa panganay mo bukod sa maliit pa sya baka mastress din sya at hindi ka pa nga maiintindihan. kapag nagsabi ka naman sa mga kaibigan ng partner mo you will feel na oo sinasabi nila na naiintindihan ka nila but after that may sasabihin sila na feel mo na dun pa rin sila sa side ng friend/partner mo. Alam ko naman na I also need to consider my partners situations, na nahihirapan din sya, nagigipit, pero 😭 I can't help but to pity myself, my baby and my daughter kasi kailangan namin magtipid, maghintay, maranasan yung ganito ng paulit-ulit.

Magbasa pa

Been there ma. Sa bahay pa kami ng parents ko pero wala na kasi akong father tapos mom ko working so hindi siya sa bahay nagsstay. Buntis ako then ung partner ko, pinasok ng tito ko sa work. Malakas siya kumita. Hindi niya ko iniiwanan ng pera. Mag-uuwi lang siya ng foods minsan. Aalis siya kapag may lakad sila ng workmates niya, outing/inuman, ganun. Nakuha pa mambabae. Tapos ako hindi pwedeng lumabas ng bahay. Nananakit pa. Tiniis ko lahat dahil magkakababy na kami. Pero may katapusan din pala ang pagtitimpi. Hindi naging madali pero eventually nakayanan ko rin makipaghiwalay sa kanya nung before mag 2 years old si baby.

Magbasa pa

Sa palagay ko di naman yan pag-inarte. Kahit ako nasa kalagayan mo mauupset din ako. Kung wala naman kayong problema or nagkakasundo naman kayo ng mga tao sa bahay ng parents mo mas mainam na doon ka na lang. Bukod sa mas maalagaan ka at least may makakausap ka din. Pero kausapin mo sana si hubby, sabihin mo na need nyo extra budget or di sapat yung pagkain. Kailangan mo ng ganito at ganyan. If ever di nya maintindihan or sabihin nya na di keri. Kesa mangupahan kayo, balik na lang kayo sa bahay ng parents mo. Iexplain mo na mas practical yun at mas need mo na mapagtuunan ng pansin ang health/kinakain mo

Magbasa pa

Yung partner kopo sakin nya binibigay sweldo nya and nag gro grocery rin po kami meron naman na iiwan sa kanya na pera pag papasok sya sa work like pambili ng ulam pag hindi ako nakakaluto or miryenda nya kahit dipa kami kasal sya nag kusa na ibigay pera nya sakin nakahiwalay rin po kami non pero dipo namin bahay sa bahay ng ate nya kami tas kaming dalawa lang kaya mas mabuti po kung balik kana lang sa family mo kesa po ganyan magugutom kapo kaka intay lalo na kung buntis po kayo mahirap po pag ganyan kahit sana po grocery nag gro grocery kayo para may pagkain kapo

Magbasa pa

Kami din ni baby parang feeling ko hindi masustansya nakakain lately. Medyo nagkaron kme ng problema mag asawa financial so walang wala tlaga natitira sa sahod ko. Parang nahihiya ako mag demand sknya ng mga gusto ko kainin kasi gipit dn siya. Kaso minsan naiisip ko si baby.. sana okay lang siya. Tapos ako lang naiiwan mag isa sa bahay kasi pmapasok sya, maaga alis tapos gabi na uuwi. Buti nlang WAH dn ako at di ko na need mag commute papasok ng office. Kaya naten to mamsh, 28 weeks dn kme ni baby. Sana maging healthy sila. πŸ™πŸ½

Magbasa pa

gusto ko po sana bumalik nalang sa house ng parents ko kasi nung andun kami kahit papano e nagpapadala sya 200-500 kapag nagpapadala sya nabibili ko kahit papano yung gusto ko pero hindi lahat ng gusto ko, but sa food po dun sa family ko hindi po kami nakakakain sa tamang oras minsan kahit gutom na gutom kana hindi ka pa din makakakain need mo mag hintay na may bumili ng food, gas etc. need mo maghintay ng pambili ma-iistress ka kasi gigising k every morning ng may sigawan dahil ganito ganyan walang makain, tamad, naghihintayan etc.

Magbasa pa
1mo ago

sana nmn si hubby mo binibigyan k pera, kasi hindi mo nmn siya kasama sa lahat nang oras. dapat alam nya din na laging nagugutom ang buntis. kausapin mo mommy si hubby mo sabihin mo nararamdaman mo. para alam nya. Ang hubby ko umaga paggising ko nakaluto na nang pagkain ko. tatanungin n nya ko anong gusto kong ulam s tanghalian at mga meryenda.. binibilan nya din me mga fruits at milk.