No heartbeat with minimal cramps

Hello nakapag transv na ako at 5 weeks walang heart beat si baby then tried it again nung 6 weeks ako still wala parin :( meron rin ako minimal cramps pati sa balakang any advice po? Or need ko magpa second opinion na? Please answer me po, nakakapranoid as a first time mom 🤧

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi nang Ob ko ito ang reason bakit sa first check up specially in early stage like 4-6 weeks pa si baby ay hindi muna advisable ang transV kasi may psychological effect sa mommy kasi nakakaparanoid. Sabi kasi sakin ni Ob na usually in early stage bahay bata pa daw talaga yung makikita sa trans V at kadalasan po maririnig nang heartbeat ni baby around 8-10 weeks napo. As long as wala ka pong bleeding tapos hindi ka for advice na sa next transV na kapag wala pang nakita eh ipapa raspa ka eh safe po “ata” si baby. Mild cramping din is normal sa early stage as long as walang bleeding kasi nag eexpand po tummy natin eh like nag aadjust AGAIN as long as walang bleeding po wag ka po muna ma paranoid. Laban lang mii kasi kung para sayo si baby pra sayo talaga yan, yan ang panghawakan mo. -🦋

Magbasa pa
2w ago

Hi mommy, kaya nga super paranoid talaga lalo kapag first time mommy ka, sa ospital kase nirequire ako agad na mag pa transv since may tendency raw hindi mag tuloy since i have a hyperthyroidism 🤧. Thank God after 2 weeks of transv meron na Heart beat si baby🙏 thank you rin sa advice really appreciates it 💖

mumsh 8weeks ang pinaka safe na pa transV kasi ako ganyan din ngyari sakin sa 1 and 2nd na pag bubuntis ko sa sobrang excite ko laging 5 or 6weeks aq nag papatransV aun hindi nadevelop or baka di talaga para samin pa c baby. .kaya etong 3rd na pregnancy ko kahit kating kati na aq magpacheckup inantay ko talaga na mag 8weeks pero 7weeks pa lang naghanap na aq ng midwife para mag paangat ng matres kasi maxado mababa matres ko kaya lagi dw ako nakukunan. . pag dating ng 8weeks aun awa ng Dios may heartbeat na at normal namn ang heartbeat nia sa loob. . antay ka lang ng 8weeks tska ka pacheck uli. .

Magbasa pa
2w ago

Pray lang talaga palagi tayo🙏 at 8 weeks meron na heart beat si baby. Praying to all preggy mommies 🙏

too early pa po mommy. sa 1st baby ko 10 weeks na nag advice for trans V. then currently sa 2nd baby ko (ibang OB na po) is mga 13 weeks na nag advice for pelvic. sunod lng sa vitamins and pampakapit na ireriseta ni doc my. ganyan po talaga sa simula yung parang symptoms pag nag dysmenorrhoea ka.

2w ago

Ina-advice kase sa ospital transv agad to confirm daw hays, pero ngayon Thank God meron na sya heart beat 🙏

ako non mhie 6 weeks 2 days wala pang heart beat c baby.. bahay bata palang then pinabalik ako ni OB after 2 weeks ayun thanks God meron ng Heart beat c baby ❤️.. 8 Weeks -10 weeks pinaka ideal tlga mhie 😊

same tayo case mi sabi ng ob too early pa ang 5-6 weeks para marinig namin heartbeat kasi mostly dugo pa lang daw. Nagpa transv ako ulit ng week 9 dun na nakita na may heartbeat na. Kalma ka lang then pray

my 1st trans V 6 weeks pa lang ako nun hindi pa nagpakita si baby bahay bata pa lang..after 2 weeks bumalik ako for transV nagpakita na si baby and may heartbeat na din sya ☺️

2w ago

Hello thank God afrer 2 weeks nga meron na 🙏 nakaka kaba pala yung ganon as first time mommy

Too early pa po ang 5-6weeks. 8weeks nagpatransv ako, sac palang ang nakita. 12weeks saka palang nagkaron ng heartbeat. Take vitamins especially folic acid. Para maging maayos development ni Baby.

2w ago

Thank you so much, I got transv ob sono may heart beat na po🙏 pero hindi pa pinarinig pero meron na daw po cardiac activity 🙏

Kamusta kana momsh? Dapat po bedrest at may iniinom pampakapit galing OB. Hope everything is well to both of you

1w ago

Hello, as of now po may heartbeat na sya tried Transv -OB Sono po. Thank God 😇

Sa akin nga po 8-9weeks bago nakita heartbeat ni baby. Pabalik balik ako sa OBgyne ko noon

2w ago

Yes 8 weeks na nga sya nag kakaroon 🩷

Had my babys heartbeat at 6 weeks mi. Pasecond opinion kana lalo may cramping ka.