28weeks ...

finally nangungupahan na kami pero ang lungkot pala šŸ˜…, yung papasok si partner sa work ng walang iiwang kahit piso, maghihintay ka ng lunch from his family hihintayin mo kahit gutom kana for breakfast meron kang 3 types of biscuits na pagpipilian kahit ayaw mo nun wala kang choice. Gusto kong bumili ng food na gusto ko na mabubusog kami like rice etc. pero wala akong pambili hehe. siguro nag iinarte lang ako pero I feel pity šŸ˜… not just for me but also for my daughter and baby(inside my tummy) parang gusto ko nalang bumalik sa house ng parents ko kasi atleast dun nakakapag padala sya kahit 200-500 hayss šŸ˜“

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa palagay ko di naman yan pag-inarte. Kahit ako nasa kalagayan mo mauupset din ako. Kung wala naman kayong problema or nagkakasundo naman kayo ng mga tao sa bahay ng parents mo mas mainam na doon ka na lang. Bukod sa mas maalagaan ka at least may makakausap ka din. Pero kausapin mo sana si hubby, sabihin mo na need nyo extra budget or di sapat yung pagkain. Kailangan mo ng ganito at ganyan. If ever di nya maintindihan or sabihin nya na di keri. Kesa mangupahan kayo, balik na lang kayo sa bahay ng parents mo. Iexplain mo na mas practical yun at mas need mo na mapagtuunan ng pansin ang health/kinakain mo

Magbasa pa