Enough

Enough na bang alam ng partner mo na nagkamali sya? Enough na bang nagsisisi na raw sya? Enough na ba un para patawarin sya at pagkatiwalaan sya uli? Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas matimbang ang ex nya kesa sakin (or so I thought). Apat na taon wala syang ibang pinaramdam sakin kundi mas importante ung kapakanan at feelings ng ex nya kesa sakin(or so I thought) .. Lagi nyang sinasabi sakin na wala na syang feelings sa ex nya pero bakit ganun? Bakit isang chat lang ng ex nya nagrereply agad sya pero pag ako sini-seen lang nya o di kaya andami nyang excuse na kesyo busy sya? Bakit pag ung ex nya naniniwala agad sya despite lahat ng ginawang kasalanan sa kanya? Oo siguro nga pinipilit nya na magbago pero bakit hindi ko sya mapatawad? Bakit ngayon pa kung kelan pakiramdam ko huli na lahat? Naging faithful at loyal ako sa kanya sa 4 years namin kahit magkalayo kami. Lahat-lahat binigay ko sa kanya na wala nang natira sakin ? Pero bakit paulit-ulit nya akong sinaktan?? ? Mahal na mahal ko sya pero ang sakit-sakit na masyado ?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang pagpapatawad hindi madaling gawin pag nasaktan ka kahit lumuha sya ng dugo kung hindi mo pa kayang magpatawad hindi mo magagawa yun hindi sasapat ang salitang sorry .trust ang pinaka importante sa isang tao pag nasira yun mahihirapan kang magtiwala kahit kanino mahalin mo nalang muna ulit yung sarili mo bago sya bago yung iba.ibaiba tayo magmahal pero wag mong kalimutang magtira sa sarili mo lagi.

Magbasa pa