EDD October 27
DOB October 18
9:29 pm baby's out
3100 kg
hello mommies .meet my baby boy John Skyler . nakaraos na din po sa wakas . October 18 ng morning nakakaramdam na ako ng hilab pero tolerable naman . inaantay talaga yata ang papa niya mga 10:30 am dumating papa niya eksaktong mag pupunta ako sa cr para umihi may mucus plug na ako kulay white na sipon sobrang lapot then . natulog pa ako kasi maglalakad lakad pa sana ako kaso umuulan naman . tapos mga bandan 7:00 pm kumain ako sobrang dami ,hihinga lang sana ako ng malalim kase nga busog na ako kaso biglang pumutok na panubigan ko . 8:00 pm pumunta na ng lying in medyo natagalan kase inantay pa namin yung ambolansya tuloy sa pagtulo yung panubigan ko. pagkatading sa lying in IE agad . ang sabi ng midwife 3-4 cm palang medyo matagal pa so pinaglakad lakad muna ako nakadiaper na 😁😅 so yun naglakad lakad dumating mommy ko sa lying in di parin lumalabas si baby 9:00 pm umalis mom ko kase inaantok na daw siya so umuwi na . saktong pagkaalis inaya ko asawa ko samahan niya ako sa cr kase parang natatae ako that time 3-5 mins nalang interval nung pain . so yun pagkadating sa cr tinanggal ko agad diaper pagkaupo ko sa bowl napaire ako kala ko napopoop lang sabi ko sa asawa ko lalabas na humiga nalang ako bigla sa tile ng cr buti tuyo takbo asawa ko sa station ng midwife tinawag niya taranta na silang lahat nakalabas na ulo niya nung pumasok midwife sa cr. iire ko na daw kase baka masakal daw si baby so umire na ako kahit medyo nilalamig kase malamig yung tiles . hehe binuhat nalang ako ng asawa ko sa bed para dun malinisan . sa cr na din kase pinalabas placenta. thanks po dito sa app na to dami ko natutunan . sorry din kase napahaba story
PS. : saktong paglabas ni baby nakapoop na siya .
Riza Toledo Maglente