Need na ba talaga I CS Kapag pumutok ang panubigan pero walang naramdaman na sakit?
Pumutok panubigan ko 9:00 am kaya pumunta agad ako ng lying in. Tapos Ina IE ako 1cm lang. Nilagyan ako ng Primrose pampalambot daw. Maya-maya ako nalalabasan ng tubig. Parang ihi pero ang dami lumalabas tas parang may dugo na halo na din. Nakailang palit na ako ng diaper. Tas Ina IE ulit ako ganun pa rin 1cm. Kaya tinransfer ako sa hospital. Nalipat ako ng hospital after 7hours ng pagputok ng panubigan ko kasi Hindi ako nkakaramdam ng contraction. Pag dating ng hospital Ina IE ulit ako 2cm lang. Nagdecide agad ang doctor na I Cesarean na dw ako kasi baka daw matuyuan ako. 9:00am pumutok panubigan ko tas 7:00 pm ako na CS. Ang tanong ko po, Hindi na ba talaga kayang I normal yun Kaya nag suggest agad silang I Cesarean ako?