Lee Ampong profile icon
PlatinumPlatinum

Lee Ampong, Philippines

Contributor

About Lee Ampong

Mommy of Baby Gia ❤️

My Orders
Posts(14)
Replies(1362)
Articles(0)

Baby out via NSD 💕

EDD: November 25, 2020 DOB: November 18, 2020 Baby birth weight: 3.1 kgs November 18 12:45am nakahiga kami ng partner ko nag uusap nang biglang may naramdaman ako na pumutok sa bandang puson ko then pagkatayo ko basa na undies and short ko. Pumunta agad ako cr at may lumabas sa akin na sticky dark color and clear water discharge. Panubigan ko na pala yun pero konti pa lang. May pain or contractions na ko nararamdaman sa pelvic part ko pero tolerable lang. I informed my ob and she said punta na ako sa ER at iready swab test result ko since need yun bago admission sa hospital. 1:15am dumating kami sa hospital, ER agad pero tolerable pa rin yung pain na nararamdaman ko. May lumalabas pa din sa akin water with blood stain discharge. Nagppray lang ako then several minutes lumipas medyo tumitindi na yung pain na nararamdaman ko. Dumating ang ob ko then i.e 4cm na ako. 2am Nasa ER pa din then ie ulit 6cm na kaya nagdecide na ob ko na dalhin na ako sa OR. Pray pa din ako ng pray. 2:10am Nasa OR na ako, tuloy pa din yung tumitinding pain or contractions na nararamdaman ko na di ko maipaliwanag ang sakit at gusto ko nalang talaga makaraos. Kahit anong posisyon gawin ko sa pagkakahiga sobrang sakit talaga. Kinukulit ko na ob ko and nurse naka-assigned na paanakin na ako or turukan na ako ng anesthesia at grabeng sakit na talaga. Dasal lang ako ng dasal for a safe delivery para sa amin ng baby ko. Active labor na pala yun kaya ang tindi ng pain nararamdaman ko. Lumipas ilang oras, nilagyan na ako dextrose tapos ie tapos chineck bp, monitoring ng hb ni baby at hr ko. 6:36am finally Baby out via NSD... grabe ang pakiramdam after all the pain na naranasan ko sa labor mapapa-thank you Lord na lang talaga ako nung narinig ko yung iyak ni Baby at naaninag ko siya kahit sobrang tindi ng pagod na naramdaman ko after. Nahirapan pa ako umire buti sobrang guided sa akin ob ko. Kala ko after ko siya mailabas ok na pakiramdam ko pero yun pala may pain pa din dahil may hiwa ako so need tahiin. Kahit may itinurok na anesthesia ramdam ko pa din yung pain at pagtatahi na ginawa sakin. Very thankful talaga... masakit pero masayang experience. #1stimemom #firstbaby Kaya sa lahat ng nagbubuntis or nag aantay nalang ng kanilang Labor day ☺️ keep on praying mommy makakaraos ka din. Pray at tiwala lang kay Lord. Then lagi magbasa basa dito sa app dahil malaki maitutulong nito sa journey natin. #theasianparentph I'm so blessed and super thankful kasi throughout my pregnancy laging anjan yung partner ko, family niya, family ko, close friends at syempre ang Diyos na hindi ako hinayaan maistress o makaramdam ng discomfort. Just sharing my experience. Thank you for reading. 💗

Read more
Baby out via NSD 💕
 profile icon
Write a reply