My Baby Boy Alexander
Alexander Dale M. Aranda EDD via LMP : 11/27/2020 EDD via UTZ : 11/19/2020 DOB : November 27, 2020 (8:15 am) Type of Delivery via NSD Weight : 3.86 kilos I had my follow up check up sa OB ko November 26,2020 since malapit na kong ma overdue dahil EDD ko is November 27,2020. So my OB said na induce nya na ko if hindi pa ko nag labor within this day or the next 2 days pero may ininsert na sya sa pwerta ko pampa buka ng cervix. So after check up nag grocery pa kami ni hubby. Habang nasa grocery kami na feel ko na sobrang ngalay ng balakang ko pero usually naman laging ngalay balakang ko pag lakad ako ng lakad. So mga around 7pm pag uwi namin nag lakad lakad pa rin ako and this time ngalay na balakang at sumasakit na puson na na feel ko. Around 9 pm natulog muna ko kasi iba na nafi-feel ko baka mag labor na ko so if ever dumating yung time na yun may lakas ako kahit papano. 11:30 pm nagising ako parang may pumutok sa loob tapos sabi ko baka panubigan ko na and pag tayo ko may umagos na nga na tubig sa pagitan ng legs ko parang ihi na hindi mo mapigilan. So pumunta na agad kami sa maternity hospital na pinagchecheck upan ko. Pag IE sakin nasa 2-3 cm na ko and sabi nag leak palang panubigan ko. 12:45 im started having regular contractions pero tolerable pa naman yung pain. Then 2:00 am masakit na talaga yung contractions so tinawag ko na yung nurse pagka IE sakin 5cm na ko. 5:00 am umiiyak na talaga ko kay hubby na di ko na kaya yung pain then tinawag nya yung nurse 6 cm na ko at this time. Sobrang baba ng pain tolerance ko and hindi ko inexpect na sobrang sakit pala talaga ng labor around 7:00 am gusto ko na talagang magpa CS sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko. I was literally shaking in pain and pagka IE sakin I was 10 cm fully dilated na pero mataas pa daw ulo ni baby at di pa daw pumuputok talaga yung panubigan ko! Kaloka sobrang dami ko ng nailabas na tubig at ang bigat na ng diaper ko tapos di pa daw pala pumuputok panubigan ko. So kahit na sobrang sakit ng labor pinilit ko talagang tumayo para bumaba lang si baby. 8:00 am pagka IE sakin medyo mababa na ulo ni baby so dinala na ko sa delivery room. Sobrang sakit ng naka higa ka lang habang grabe contractions. Habang humihilab iniire ko talaga sya pero kinakapos ako ng hininga. Nilagyan na ko ng oxygen kasi di pa ko makahinga which is kailangan na kailangan ko para mailabas si baby. Nung sinabi ni doc na nakikita na nya yung ulo ni baby inire ko talaga ng inire hindi ko alam kung naka ilang ire ako sa sobrang dami ng try ko. Pero after ko mailabas yung ulo at balikat ni baby at mailabas na sya sakin, naiyak nalang talaga ko nung naipatong siya sakin. At 8:15 am baby is out! Sobrang dami kong tahi dahil ang laki ni baby pero sobrang worth it. I hope all the mommies out there. Isipin nyo nalang talaga na makakaya nyo despite of all the pain na nararamdaman nyo. Isipin nyo isang araw lang yan pag nailabas mo si baby okay na ulit. Masakit pa rin after delivery kasi may sugat at tahi ka pero kung yung reason naman is isang napaka cute na baby nakaka tanggal ng sakit na nararamdaman mo 🥺 Have a safe delivery to all the mommies!
Mommy of my cute baby Alex