Cold. Napagod sa Partner

Di ko alam kung ganito rin kayo. 9 years na kami with 2 kids. Kakapanganak ko lang sa 2nd child ko nung December. So yung partner ko gumawa ng something na ayaw ko. Nagyosi siya ng pasikreto, tapos wag daw sabihin sa akin. Kaso sinabi sa akin ng parent niya para ma pagsabihan siya. Nauumay ako mga Momsh and popsh. Parang matagal na kasi issue yun tas wala parang napagod na akong pagsabihan siya or what. Tas wala di ko muna siya kinakausap. Masakit sa puso ko kasi yung "trust" mo sa kanya na break. Hahahaha ewan ko kung oa lang ako or ano ba to post partum depression. Basta sobrang honest ko sa kanya, sobrang bait ko never akong gumawa ng ayaw niya. Tapos siya naman, ang unfair lang for me na ganun. Tapos nahuhurt ako pero wala na akong nararamdaman. Hahahaha basta ganun. Di ko alam kung may naka experience na nito pero nakakapagod. Nag aalaga nalang ako ng mga kids at work.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same here. Nung niligawan pa lang nya ko issue na yung yosi kasi ayoko nga nung ganung bisyo, di bale maginom. Natangal na nya eventually pero sa 4 years namin na pagsasama ilang beses ko na sya nahuli na patago nagyo yosi. Kaya di nya ko masisi na sobrang cold ko sakanya.

5y ago

Yun nga eeh. Nakakadisappoint